Chapter 25

329 26 4
                                    



Tahimik akong nakatanaw sa kawalan habang inaantay ko ang pagpunta ni Nick sa resort nyo. Nabanggit kasi ni kuya Sonny na dito daw ang diretso ni Nicks eh. Kaya kahit mag-iisang oras na akong nakaupo dito ay inaantay ko pa din siya.



Maraming trabaho akong iniwan para lang makausap siya. Marami akong gustong sabihin at ipaliwanag pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.



Sa sobrang tagal kong pag-iintay sa kanya ay naalala ko ang mga panahong iniwan ko siya noong mga bata pa kami. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan.



Nakraan na alam kong kat*ngahan ko kung bakit nadulas si Nicks noong mga bata pa lang kami....



~~~Flash Back~~~



Masasabi kong ito ang isa sa pinaka masayang araw na nakasama ko si Nicole. Masaya kaming naghabulan. Ngunit ang kapalit pala ng kasiyahang iyon ay isang malagim na trahedya na siyang bumago sa buhay naming pareho.



Nagulat na lang ako ng marinig ko siyang tumili ng ubod ng lakas. Dali-dali ko siyang dinaluhan.



Nadulas siya at hindi ko na siya nasalo. Kaya nabarog ang ulo nya. Nanginginig na nilapitan ko siya. Wala na siyang malay nang mahawakan ko siya. At may umaagos na dugo sa kanyang ulo. Agad ko namang binuhat si Nicks at tinawag ang mga kasambahay nila upang tulungan ako.



Wala pa naman din ang mga magulang namin pati ang kuya ni Nicks. Buti na lang at may driver sila kaya ito ang nagsugod samin sa ospital.



Dahil sa pangamba ko, na kung napaano na si Nicks ay hindi ko na nagawang magsuot ng matinong damit. Naka swimming trunks pa din ako at wala akong suot na tsinelas sa aking mga paa.



Nakarating naman agad kami sa pinakamalapit na ospital at agad kaming dinaluhan ng mga nurse sa ospital na pinagdalhan namin.



Initerview ako ng mga nurse at tinanong kung ano talaga ang nangyari. Sinabi ko naman sa kanila ang totoong nangyari at maya-maya lamang ay ginagamot na nila si Nicks.



Tinawagan ko kaagad ang mga magulang niya at sinabi ng mga ito na pupunta na daw agad. Pati ang mga magulang ko ay tinawagan ko na din.



Nilapitan ako ng isa sa mga kasambahay nina Nicks habang nakaupo sa may waiting area malapit sa emergency room. Dahil bawal daw ang madaming tao sa loob ng ER. iniabot sa akin ng kasambahy ang aking sapatos at mga damit na hindi ko na nagawang isuot kanina sa sobrang pag-aalala kay Nicks.

Childhood EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon