"Sakit n'un ah." Sabi ni Steven na nakahawak sa isang mata niya.
Kakalabas lang nila sa kwarto mula sa panggagamot ni Soffia. Kahit na ginagamot sila ni Soffia, tumitingin pa rin si Drei mula sa likod ni Soffia kaya walang nagsasalita sa kanila. Pagkatapos makatanggap ng kotong sa kanilang mga mata.
"Tch, Tangina kasi ang ingay eh." Sabi ni Daniel na kanina pa napapabuntong-hininga.
"Lando ang uniform ni Drei? 'Di ba papasok nga siya kasama si Soffia?" Tanong ni Lucas.
"Ay oo nga pala! Saan ko ba yu'n iniwan?"
Nagkatinginan ang apat at humarurot na sa baba ng takbo at dinaanan nila si Brent at si Sebastian na kakaakyat lang ng hagdan.
"Hoy! Saan kayo pupunta!" Sigaw ni Brent sa apat na lumabas na ng restaurant sa baba at nag-kanya-kanya ng sakay sa mga sasakyan.
Si Lando at Steven nasa isang motor bike.
Si Daniel at Lucas naman ang nasa iisang kotseng silver ford.
Nagmadali silang maghanap ng uniform at nakikita nang sumisikat na ang araw at tumatakbo na ang oras sa kada tingin nila kung saan ba makakabili nito.
"Pre du'n kayo sa kabilang kanto! Dito kami! Puta mga walang utak eh. Sana alam na nandito kami, du'n na dapat sa kabila ang isa! Nagmamadali na nga!" Reklamo ni Daniel kay Steven at Lando na inihinto ang motor bike sa tabi ng sasakyan nila sa isang palengke papunta sa school nila Soffia.
"Puta kayo nga ang bagal niyo maghanap, galing na kami du'n sa kabila! Wala! Ikaw nandito ka pa rin!"
Maya-maya pagod na ang Blackspiders sa kahahanap at walang nahanap.Naka-upo na sila sa isang bangketa, ng isang helera.
Dumaan si Soffia at Drei sa daanan na kinauupuan ng apat sa bangketa at napansin silang nakatungo at agad itong tinakbo ni Drei.
"Anong ginagawa niyo dito?" Sabi ni Drei pagka-batok kay Daniel na nakatungo at napatayo agad sabay amba na susuntok na sana sa nang-batok sa kanya. Pero natigilan siya ng malapit na ang kamao niya sa mukha ni Drei.
"D-drei!" Sigaw nitong si Daniel.
"Haist, wala talaga tayong mahanap na uniform ni Drei-" napahinto sa pagsasalita si Lando ng tumingila ito at nakita si Daniel na susuntok na kay Drei. "Drei!" Napatayo din siya agad at sumabay na ang dalawa pang nakatungo at bigla na lang binaba ni Daniel ang kamao kasi nga di niya nakita na si Drei pala yu'n.
"Uniform ni Drei? Wala namang uniform sa school namin?" Takhang sabat ni Soffia sa likod ni Drei at napahawak sa braso ni Drei.
"Sino ba nag-utos sa inyo na maghanap ng uniform ha?" Tanong ni Drei sa kanila na pinagtaka din ng apat.
"Eh. S-sabi mo papasok ka- So naisip ni Daniel na kailangan mo ng uniform-" Sabi ni Steven at sabay-sabay na bumatok ang tatlo kay Daniel.
"Puta ka na over-think ka nanaman!" Sumbat ni Steven at napakamot-ngiti lang si Daniel at lumingon pa ulit sa kanila.
Aamba pa silang tatlo ng isa pang batok pero napaatras si Daniel agad.
"Oops. Tama na. Nakaganti na." Sabi nito at naglalakad na patalikod at patakbo.
"Hoy gago to. Habulin yan!" Sabi ni Lando sa dalawa at tinuro pa si Daniel at nagkatinginan silang tatlo sabay takbo at napaharurot na rin si Daniel ng takbo na habol ng tatlo.
"Tang-ina ka Daniel! Wag kang magpapakita sa 'min!" Sigaw ni Steven.
At nag-tuloy-tuloy ang walang hanggang habulan nila.
Hanggang sa hindi na nila alam ang daan pabalik.
"Tang-ina. Dagat na to a. S'an tayo napadpad?" Sabi ni Lucas at nakasandal na ang kamay sa tuhod.
"I'll lead the way pero peace muna?" Sabi ni Daniel at lumapit na sa tatlo na nakapamewang pa at di pinapahalata ang hingal.
"Tch. Sinasadya mo to eh." Ani Lando.
"Sige. Tangina ka kasi." Sabi ni Lucas at lalapit na kay Daniel na hingal pa.
Napaatras lang si Daniel at napa defensive ang kamay kay Lucas.
"Oy sabi mo peace na. Tara na.." Sabi at pag-yaya ni Lucas kay Daniel.
May pag-aalinlangan ang mata ni Daniel pero nagpaakbay pa rin siya kay Lucas.
Sabay.
"Eto na!" Ibinaba na ni Lucas ang ulo ni Daniel, sakal ang leeg niya at lumapit na ang dalawa at pinaulanan ng kontong si Daniel sa ulo. Habang sumusuntok si Daniel sa hangin.
Pagkatapos.
Dumudugo ang ilong ni Daniel.
"Tch. Ililigaw ko kayo." Sabi nito sa tatlo na magkakasabay na naglalakad.
"'Wag ka nang magtangka. Kita mo to." Sabi ni Lucas na naka-akbay pa rin kay Daniel at si Steven din naka-akbay dito.
Magkapatong ang kamay nilang dalawa sa balikat ni Daniel.
"Kung ako sayo, sumuko ka na. Kasalanan mo rin naman." Sabi lang ni Lando na nakahawak ang dalawang kamay sa batok nito at nakatingin ng bahagya sa alapaap.
Samantala, pinagtitinginan si Soffia at Drei papasok sa iskwela. At nang papasok na sila sa room ni Soffia.
"Papasok ka rin? Mahahalata tayo! 'Di ka graduating student!" Pasigaw na bulong ni Soffia na sinabi kay Drei na nakahawak sa braso nito.
Tumingin lang si Drei kay Soffia at naglakad na paabante sa loob.
Nanlaki lang ang mata ni Soffia dahil pinagtitinginan na rin siya ng mga kaklase sa medisina at hindi matanggal ang pagkakahawak sa braso ni Drei at nadadala pa siya nito papasok sa loob.
"Drei anong ginagawa mo." Bulong ulit ni Soffia.___________________________________________
Edited Version #1 – Yandex Wolfman
BINABASA MO ANG
He's Less Darker (Tagalog) (Completed)
ActionThe Victim of Kidnapping Case (Unclosed) Book 2