Chapter 49: Deceased.

200 4 0
                                    

Hapon at kasalukuyang bumabyahe si Rate at Soffia papunta sa simbahan.

Si Drei naman, kausap si Yu Rim sa isang daan sa gilid ng lumang simbahan, na may tinuturong mga daan na papunta sa simbahan.

Sa isang sira-sirang gusali:

Sinipa na lang ang isang bote na nabasag sa pader, nang isang babae na naka-itim lahat, mula ulo hanggang paa. May sumbrero rin ito na mala telang itim na nagtatakip sa mga mata nito hanggang sa itaas ng sobrang mapula niyang labi.

Marami ring lalaki ang nakapalibot sa kanya na naka-suit na itim, at pulang necktie, slocks na itim at itim na sapatos, naka-itim pang salamin.

"Mga walang kwenta!"

Nanlisik na lang ang mata ng babaeng naka-itim sa ilalim ng natatakpan niyang mukha.

"Lamay dapat nila ngayon. Inuubos talaga nila ang pasensya ko. Dalhin niyo dito yung mga bihag! Bilisan niyo!" Ang tinutukoy na bihag ay si Brent at Lando.

*****

Pagbalik sa airport, nang pauwin ni Drei si Lando para bitbitin ang labi ni Sebastian pauwi sa pinas. Kasama si Brent na kapatid ni Soffia.

Lando's POV

Yumuko ako agad ng nakita ko ang mga magulang ni Sebastian.

Kita ang hawig ni Sebastian sa kanila.

"A-anak ko..."

Tumakbo ang ina niyang may luha sa mga mata sa kabaong ng anak na iniwan ang asawa na nagtatakip ng mga mata nito para matago ang alam mo na.

Well, kailangan may malakas sa pamilya. At mukhang meron sila.

Malungkot rin ako kahit pap'ano. Kaibigan pa naman 'to ng magiging asawa ng boss.

Napalingon ako kay Brent na yumuko at nag "sorry" sa mga magulang ni Sebastian.

Hinarap naman siya ng tatay ni Sebastian.

"Anong nangyari?" Napatingin tuloy ako kay Brent dahil sa curious ako kung ano ang isasagot niya.

Sinabihan ko pa siya na, "'wag siyang magkakamaling bangitin ang pangalan ng boss," kundi ako na ang tatapos sa buhay niya.

Tumingin siya sa 'kin na namumula ang mata. Pigil siguro iyak niya.

Haist.

Kita kong tumigas ang bagang niya.

'Wag ka sa 'kin magalit. Boss order.

"A-aksidente po."

Nakahinga na ako ng maluhag at nilagay na lang sa bulsa ang aking mga namawis na kamay.

Nagpigil pala ako ng hininga.

Kinakabahan ako. Kung sakaling mag-away kami dito, mahihirapan ako at magmumukha akong kontrabida sa harapan nila. Match pa kami ng gago.

Please don't make it hard for me.

Naluha naman ng tuluyan ang ama ni Sebastian. Yumuko na lang ulit ng "sorry" si Brent sa kalungkutan.

Hagulgol naman ang ina ni Sebastian at nagulat na lang ako at napaluhod ng mahimatay ang ina nito.

"Tita!" Sabi ko sabay hawak sa braso niyang nanlalambot.

Sa lamay.

Tinulak ko sa mesa ang kabayaran sa buhay ni Sebastian. Krisis sa mafia. Pero sinagad ng boss ang pera niya. Alam kong nagsisisi siya sa nagawa. At alam kong hindi niya ito sinasadya.

He's Less Darker (Tagalog) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon