"Umuwi kasi siya sa pinas, k-kasi nga 'di ba? Galit si kuya mo kay Drei?"
'Hooo, gumagaling ka na mag-isip ng palusot Rate.' Sabi ni Rate sa sarili.
"Kahit kasal ko? Hindi siya pupunta?"
"O-oo...."
"Kailangan ba ngayon na ang kasal? Para namang biglaan eh, hindi ako handa."
Rate's POV
Eto na...
Hindi ako magaling sa gan'to.
Paano na 'yan boss? Nadulas na rin lang ako, sabihin ko na rin kaya na may sakit ka boss? Kaya tayo nagmamadali. Malalaman niya 'din naman eh.
"Oo, kailangan, kasi ngayon hinanda 'yan, alam mo na si boss, basta gusto nasusunod."
"Ganun ba..."
Haist...
Breathe in and out Rate.
I have to do some mission from new boss, tapos bussiness pa na aasikasuhin sa pinas. Wala akong pahinga!
Brent and Lando? Okay lang ba kayo?
Dalawang oras nanaman ba tulog ko ngayon?
Dinaig ko pa kung sinong sikat at mayaman sa schedule eh.
Huminto na ako sa wedding parlor para paayusan pa si Soffia.
"Soffia, mauna na ako. May hahabulin pa akong flight." Sabi ko at nilingon siya sa likod.
"A-anong gagawin ko?"
"You see that?" Sabi ko at tinuro ng tingin ko sa labas ng hinintuan namin.
Lumabas na ako at pinagbuksan si future official Ms. Blackwood.
Sa imbita ng kamay ko na tinangap niya, tumayo siya mula sa sasakyan na iiwan at hinanda ko as a gift.
"Kung hindi mo nagustuhan ang wedding dress, o ang make-up pwede pa naman maghintay si boss sa simbahan. Bilin niya 'Misis Blackwood'."
"Ah-eh-hehehe! Nag-nagustuhan ko naman.." Aniya at napatungo, namula at napasampay lang ng ilang buhok sa likod ng tainga.
Cute ah, cute ng asawa ni boss.
Kaso nangayayat na ito ng huli ko itong nakita.
May mga galos din ang balat.
Pero nilalagyan niya ata ng ointment at tila invisible na, pero halata kasi, flawless na babae ito.
"Soffia, take care always. Ingatan mo yung sarili mo." Sabi ko at kinuha ang kamay niyang may puting gloves na kinagulat ng mata niya at tungo lalo.
Hinalikan ko ito senyales ng paggalang ko dito.
"Your beautiful Soffia Blackwood."
"Thank you."
"Blackspider Princess, leave him alone if ever you are in danger, please don't be his shield okay?" Matagal namin pinag-isipan 'yan, instead of 'Lady Boss', pangit naman 'di ba?
"Shield?"
"Yes, ayoko na maulit pa ang nangyari kay Rina."
Nagulat siya sa sinabi ko at napatungo na lang.
"Thank you Rate."
"Probably this will be the last time we see each other."
"Be good and kind always Soffia."
Unti-unti ko ng tinangal ang aking kamay, tumalikod at naglakad na paalis.
"Rate! Thank you!"
Kinaway ko na lang yung likod ko.
Tch, wala naman akong nagawa masyado. No need for that gratitude.
Soffia your a blessing para sa aming lahat sa mafia.
Don't die.
BINABASA MO ANG
He's Less Darker (Tagalog) (Completed)
ActionThe Victim of Kidnapping Case (Unclosed) Book 2