"Hindi kita maintindihan," masungit kong tugon.
"Kung hindi kaya ni Jason, ako ang mamumuno, kahit dalawa lang tayo!" Sigaw niya at nakangiti.
Napatingin tuloy ako sa kaniya. Inumang ko ang kamao ko sa kaniya at sinuntok niya naman 'to.
"Sigurado ka? Paano ang bisyo ko?"
"Kaya 'yan. Ako bahala sayo."
"Sigurado?"
Jason's Point of View
Drei is leaving with no words? How can that be?
Humabol ako kasama ng ibang Spiders kaya lang huli na ang sigaw ko.
"Drei! Wala ka ng babalikan na Blackspiders 'pag ako ang boss dito!"
Pagkawala sa landas ng helicopter sa paningin ng mga huling member ng Blackspiders, bigla nila akong tinignan.
"Ano na mangyayari sa'tin niyan?"
"Let's look for divinity ourselves?" Napakunot ako sa mungkahing 'to ni Daniel.
"Are you crazy? Even boss himself can't! That was his last attempt to end Divinity!" Sigaw ko.
"Walang k'wentang boss," basta na lang na sabi ni Steven.
"Kung hindi namatay si Jared, si Jared talaga ang dapat na sunod na boss," sabi pa ni Daniel.
"This is the end, Spiders. There is no Blackspiders anymore. Wala na si Black, so ano 'pa ang k'wenta ng spiders kung wala na ang ulo? Patay na 'tong mafia na 'to. Let's disband and go our different paths," sabi ko at tumalikod na sana para umalis, pero bigla na lang ako hinila ng kung sino sa balikat para humarap at sinapak.
Napahawak ako sa pisngi ko pero wala akong naramdaman na ni isang sakit. Napalunok ako ng laway.
"Shit!" Sigaw ni Steven na sumupak sa'kin.
BINABASA MO ANG
He's Less Darker (Tagalog) (Completed)
ActionThe Victim of Kidnapping Case (Unclosed) Book 2