53.1

273 3 0
                                    


"Good morning," ika niya.

Nakapangiti ako sa sinabi niya.

"Drei..." naiiyak kong banggit.

Lumapit siya sa akin at mas lalo ko nang nakikita ang ka-sexy-han lalong taglay ni Drei Blackwood.

"Tagal mong nagising a. I've been waiting like forever."

"I-ilang araw ako tulog?"

"Magdadalawang linggo."

"T-talaga?"

"Uhm."

Dahan-dahan kong nilapit ang isa kong kamay sa isang galang tigre dati na sobrang bangis at maangis. Nang mahawakan ko ang basa niyang chin, iginawi ko ito pakanan. Totoo nga ang nakikita ko.

"I can't believe it..." naiiyak na tuloy ako lalo. "B-buhay ka..." tuloy ko pa.

Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin tapos dahan-dahan siyang tumitingala. Napapikit ako dahil alam ko na ang gagawin niya. Dahan-dahang dumapo ang mga labi niya sa ilalim na parte ng labi ko. Mabilis lang ayon at hindi ko na naramdaman uli. Matagal-tagal akong napapikit bago ako nakarinig ng mga pagpukpok ulit ng kahoy.

"Drei..." bukhang bibig ko na nagpahinto sa kaniya saglit.

Parang nagagalit siya kasi lalong lumalakas ang mga hampas niya. Mas lalong tumatagaktak ang mga pawis niya.

"D-do'n ka sa lilim, sumisikat na ang araw diyan," pakiusap ko.

Napahinto naman siya at nagpunas na lang ng pawis sa noo niya. Tumingin pa siya sa akin, bago siya yumuko para kuhain ang mga gamit niya. Ang lapad ng maputi niyang likod. Ang kinis.

"M-maghahanda lang ako ng makakain!" Paalam ko nang naglalakad na siya papunta sa silong ng puno.

He's Less Darker (Tagalog) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon