#Y17/Black War Arc Last Part - Tragedy.
Lando driving...
Steven's POV
Nilayo ko muna ang ear phone at biglang nagtanong kay Lucas na di rin alam ang gagawin. "Anong gagawin natin?" Panic ko.
Sabay may gumalaw na isa sa mga kano na binaril namin.
"A-aarh f-fuck.." Sabi niya at nandilat ng tutukan pa ni Lucas ito sa ulo ng baril.
"Ano ang security pass niyo?" Pagbabanta ni Lucas sa nagising.
"T-tendon!"
"Tendon." Sabi ko ng kalma pagkalayo du'n sa interrogation ni Lucas.
Tapos nu'n end call na ang natangap ko.
It seems na kumakapit pa ang kano sa buhay.
Naghihingalo pa.
"Let's not kill- *gunshot* him..." Sabi ko pero huli na.
"Ha? May sinasabi ka ba?" Tanong ni Lucas sa 'kin na dumila pa sa dugo na tumalsik sa parte ng bibig niya.
Nakakasilaw ang bloodlust ng g***. Ganyan talaga pag-namatayan.
Haist, naaalala ko pa na kasabayan namin sa inuman 'yon.
Haist.
Mauubos na ang hangin kakabuntong-hininga ko.
Maya-maya tumigil bigla ang sasakyan ng tumunog ang isang baril mula sa labas.
"Nagsisimula na." Ika Lando at nang bubuksan nanamin ang kotse.
"Sh*t! Ayaw magbukas!" Sambit ni Lucas na hinahatak na ang handle para buksan ang pinto.
"Anong nangyari!" Ani Lando at binuksan din ang sa katabi niya.
"Sh*t! Ayaw rin sa 'kin!" Sabi ko naman ng hilaiin ko rin ang handle.
Sh*t! Baka mali ang sinabi sa 'min ng lalaking yu'n!
May biglang bumukas sa harapan ni Lando na kahon at umusok ito sa loob namin.
W-woah!
Pinukpok ko agad ng baril ang bintana pero ayaw at bigla na lang dumugo ang ilong ko habang nahihilo ako.
"A-aahw!" Inda ni Lando na napa-hawak sa ulo nito.
*****
Pagkatapos makipagbarilan ni Yu Rim narating niya ang itim na sasakyan na pinupuno ng puting usok.
"Ito dapat ang sasakyan nila Lucas." Ani Yu Rim at binuksan ang pintuan at nalaglag muna si Steven dito at gumapang na ang dalawa pa para makalabas sa nilabasan ni Steven.
Nalaglag lang sila sa ibabaw ni Steven at umuubo silang nahulog sa huling itim na sasakyan habang tumutunog at rumaragasa ang barilan sa magkabilaang panig.
Napatingin sila sa barilan sa harapan at sa gilid nila.
*****
"Daniel stay put!" Sigaw ni Drei sa nakatutok na baril ni Daniel kay Decoy malapit sa pangpang ng dagat.
Inaalam pa ni Drei kung sa'n galing ang sniper na bumaril kay JC.
Napapaligiran ng ilang Riders ang koponan ni Decoy na lima na lang ang bilang.
May nakatutok rin na baril kay Daniel mula sa dalawang naka-itim at isang back-up na baril na naka-tutok kay Drei bukod sa nakatutok na baril ni Decoy sa bewang nito.
At ang dalawa pang naka-itim naka-tutok sa apat na Riders na naka-sakay pa ng motor sa gilid ng sasakyang itim ni Decoy. Nagkakatutukan sila.
"Hahaha! Stay put! Black! Bakit 'di ka bumaril ngayon?" Sabi ni Decoy.
"Decoy are you sent in a suicidal mission?" Ani Drei na nakahawak pa ang dalawang kamay sa baril.
"Yeah, naghihintay sila ng tratraydor na isa pa para ibanga ako at isabay itapon. At nagkataong ikaw ang isasabay ko sa hukay, bakit Black?"
Habang nagsasalita sila, nahanda na ni Jason ang sniper at nakatutok na ito kay Decoy, sa ulo nito.
Short Flashback
Habang nagbibihis si JC, JC remember na ngayong umaga ang flight pauwi ni Jason Rextrield.
"Jason! Nakasakay ka na!?" Sigaw ni JC with urgency sa telepono, pagkasagot-sagot ni Jason sa kanya.
"Hindi pa. Bakit?"
"I need your help. Back me up."
"Sure."
'Tch walang duda na wala na sa Guam si Rate, Nathaniel at Xander.' Isip ni JC pagsuot ng kanyang pantalon.
End of Flashback
Jason's POV
"JC I'm in the position? Hello?" Sabi ko sa kausap ko kanina lang.
I miss Laila sa mga ganitong scenario.
Haist.
Wala pa ring sumasagot na JC, bahala na! Babarilin ko na tong may hawak kay Brent.
Tch, nakakaawa ang isa. Kaibigan pa naman ni Brent at ng boss's wife yu'n.
Teka, para sure ba....
Zoom in....
*****
Pagkatapos sumagot ni Decoy kay Drei...
"You don't have to do this Decoy, parehas lang tayo!"
"Hahaha! There's no turning back for me. Atleast I can bring *tinutok ang baril lalo kay Drei* you with me- *tugs*" May tumama na tama ng baril sa likod ng ulo ni Decoy na galing kay Jason.
Nang papatumba na itong si Decoy, bumaril pa ito ng ilan sa harap ni Drei pero walang tinamaan at tumingin na lang kay Daniel at bumagsak na. Naisip niya pa na bumaril kay Daniel kaso tinamaan na rin ito ng mga naka-itim ng baril sa dibdib at natumba rin. At inulan rin ang mga naka-itim ng mga natirang Riders at saktong pagdating ni Yu Rim, Steven, Lando at Lucas para simutin din ang ilan pa.
Napaluhod si Brent at kinuha ang labi ni Sebastian at sinara ang mata nitong luhaan.
Sabay rin nito ang pagsabog ng sasakyan ni Soffia mula sa itim na koponan.
"S-soffia!" Sigaw ni Drei na lumingon patalikod sa gulat.
May duguan pa pala na nakapanik sa taas ng itim na kotse para ipaputok ang kanina pang nakahanda para du'n.
Tumakbo si Drei at umikot paikot-ikot sa armored car.
"Soffia!"
*****
Soffia's POV
I can hear Drei from the outside.
Sobrang init sa loob at nasusunog na ang inuupuan ko..
"Drei! Kyaaaa! Drei!"
*****
_____________
BINABASA MO ANG
He's Less Darker (Tagalog) (Completed)
ActionThe Victim of Kidnapping Case (Unclosed) Book 2