Kahit na sumusuka ng dugo, pinilit ni Dark maglakad palabas ng pahingahang bahay ng Blackwood, dumaan ito sa ibang daan at natumba pa, umikot-ikot sa lupa, saka nagdesisyong tumayo ulit.
"Argh.."
Napahawak ito sa tyan niyang sobrang sakit pa na parang pinipihit ang bituka at sobrang sakit na ulo na nakakahilo.
Gan'un pa man ang sitwasyon, nagawa pa ring tumawag ni Dark kay Divinity para sabihin ang lahat ng nangyari sa loob.
"What! Intei! How could she! She shows promise and skills!"
"Y-yes Divinity, so-sorry I-I fail."
"Okay, will you survive?"
"Probably I can last a day if I'm rescued- in this position. The virus moves as I move."
"So it's a trap virus?"
"Y-yeah."
"She's a geek after all. Go and rest."
"Rest, you mean?"
"Die."
At binaba na ni Divinity ang tawag.
Sa isang masukal at mapuno na lugar...
Sa paghihingalo naalala ni Jason ang planong sinabi sa kanya ni Yu Rim, ang planong sinabi niya mula kay Intei. Kaya hinanap niya nga ang 'cure' sa bulsa ni Drei- "a-ayun" pagkahanap niya nito agad niya itong tinusok sa kaliwang braso nito.
"Aaaah!"
'Di niya nakita pero nabali lang ang karayom sa matigas pero malambot na balat nito na gawa sa pinagsama-samang metal o alloy. Kahit katiting na porsyento ang maturukan ng anti-virus na ito ay gagana pa rin ito.
Maya-maya sa pagpapahinga ni Jason na hindi niya inaasahan, habang nakatayo ay dinatnan na siya ni Park Yu Rim na galing sa kotseng itim.
"Jason!" Sigaw niya ng makita si Jason na yakap si Drei na nakatayo at napadilat lang ito dahan-dahan para makita nga itong si Yu Rim.
"M-may kalaban."
"Tara na! Akin na si Drei," sabay kuha sa braso ni Drei at inangkas niya sa balikat niya "kaya mo sarili mo?"
Tumungo lang si Jason at nagsimula na ang paglalakad niya na parang patay sa likod na sinusundan si Yu Rim.
Sa sala sa isang video call na namamagitan kay Nadine at Jade.
"Yes!" Napasigaw ang tatay ni Jason (Jade) ng makita ang immune system ni Jason na unti-unting bumabalik sa dati.
"Anong nangyari Doctor!"
"Ligtas na si Jason."
"Oh God- James!" Sabi nito at biglang nakitang nakatayo si Jason sa pinto at bigla niya itong tinakbo at niyakap.
Yumakap din si James sa kanya ng mahigpit.
"Akala ko may mangyayaring masama sayo.." Iyak nito sa dibdib at yakap na mahigpit nila sa isa't-isa.
"Hahaha! Kailan mo dadalhin si JC dito?" Sabi ng Doctor na kinakalas ng yakap nilang dalawa at napatingin sa screen.
"Ngayon na po Doc, pero kailan po matatapos ang pagbuhay kay JC?"
"After a year pa."
Pagkalipas ng tatlong araw.
Nagising ang boss na napapaligiran ng lahat ng miyembro ng Blackspiders, maliban kay JC, Lando at Brent na umuwi sa bansang tirahan.
"Anong date na ngayon?"
"Boss, March 6 po." Tugon ni Yu Rim sa tanong ng boss.
"Si Soffia?" Sambit ng boss at pinilit na inupo ang sarili.
Napatungo ang lahat sa nawala nilang babae.
Nandilim agad ang paningin ni Drei sa mga tauhan.
"Ano pang tinatayo-tayo niyo? Dalhin niyo sa 'kin si Sofiaaa!" Sigaw ni Drei na ikinagulat ng lahat sa loob ng kwarto ng isang mala-mansiong bahay at napatakbo sila kanya-kanya sa pinto at nag-agawan pa ang iba sa paglabas.
Maliban kay Jason at Daniel na magkatapat ang higaan at tabi naman ni Jason si Drei.
"Anong nangyari sayo Jason?" Sambit nito at tiningnan si Jason sa tabing kama.
"W-wala, naaksidente lang Boss."
"Nasaan tayo?" Tanong nitong boss kay Yu Rim.
"Nasa bahay po ng Rextrield sa Guam." Tugon niya naman.
"Jason's Dad?"
"Please Boss Drei, 'wag niyo ipapaalam na mafia boss kayo for the mean time. Please." Sambit ni Jason sa nag-iinit na ulo ni Drei.
Napabuntong-hininga lang si Drei dito para kumalma.
"Hanggang ngayon ba Jason hindi pa rin alam ng matalino mong tatay ang mga pinaggagagawa mo?"
"Ano yung hindi ko pa alam?"
_____________
Paki basa po nitong AN (Author's Note)
Kung mag babasa pa lang kayo I advice na pumunta na lang sa page ko.
Search: '@yandexwolfman' sa FB search box, scroll down or see visitor's post for trials.
reply #pops in a sentence for a little IQ test.
Sa 'REPLY' lang nito mag comment o RBP po.
May GC ako para sa gustong magpamention every update sali na lang dun para sabay-sabay kayo masabihan pag meron na.
Also vote for more special updates: #ywsauthorsnote1
Plugging: #ywspp
More stories to read #ywstoc.
Click some hashtag above that might interest you.
Share all of my stories to your friends or to your co-readers by commenting in any facebook post the:
'click -->>> #ywstoc to read more stories'.
(Copy paste mo to.)
Bawal ilagay mismo sa post ang link or it will destroy the link.
Ikaw na bahala mag-enganyo sa kanila para ma-click yan.
That is how you support and love my stories.
Thanks in advance.
27/30 Sponsored update by
BINABASA MO ANG
He's Less Darker (Tagalog) (Completed)
ActionThe Victim of Kidnapping Case (Unclosed) Book 2