52.1

203 5 0
                                    


"Makakaligtas si Boss. Masamang damo 'yun, Soffia," sabi na lang nito at ngumiti habang nakatingala na kay Jesus sa cross.

Tumango lang ako.

"Malalakpasan na'tin 'to, Steven," sabi ko at pumilit ng ngiti sa kaniya.

Steven's Point of View

Maya-maya pa, nahimatay na lang si Soffia kaya kinailangan ko sumigaw para humingi ng tulong. Sinalo siya ng katawan ko habang nakaluhod ako na nagpe-pray.

"H-hoy?! Pumasok ang mga bantay sa labas! Bilis! Tulungan niyo ko sa Asawa ng Boss!"

Mabilis naman namin naaksyonan si Soffia at nailagay na siya sa isang VIP room. Kasalukuyan kaming kausap ng doctor.

"Dehydrated ang pasyente. Naglagay na kami ng IV para maka-recover siya. Kailangan niya lang magpahinga."

"O-okay, po."

"Aalis na ako. Sana matapos na ang giyera."

"Salamat po."

"Anong nangyari kay Soffia?!" Sigaw ni Daniel mula sa likod ko.

"Dehydrated daw."

"What?!"

Tumingin lang ako ng masama sa kaniya. Kararating niya lang, magrereklamo na siya kung ano ang estado ni Soffia?

Malilintikan kasi kami 'pag may nangyaring masama kay Soffia. Hindi na rin naman si Drei ang boss. Si Jason na ang bagong boss.

"Malilintikan tayo niyan, 'pag nagising si boss," sinabi niya ang iniisip ko.

"'Wag kang mag-alala, mauuna si Sofiia magising. 'Pag gising ni boss—" napahinto ako dahil umuron ang sliding door ng VIP.

Parehas kaming napatingin kay... b-boss?!

"What happened?" Magaang na tanong niya habang naaawa sa itsura ng asawa niya.

"D-Drei..." lakas loob kong bigkas ng pangalan niya. He hates is, but he's not the boss anymore.

He's Less Darker (Tagalog) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon