Tinamaan si Jason sa likod ng bala mula sa baril ni Dark na kakagaling lang sa taas na kung saan binaril niya rin si Intei at tila napapikit na ito sa likod ng pinto na nakahiga na.
Gawa rin sa metal alloy ang balat ni Jason na imbento ng Ama niya, nirereflect din nito ang mga balang tumatama pero hindi pa rin maiiwasan ang impeksyon sa balat o ang pagkalason ng katawan nito.
Pagpaputok nitong si Dark ng baril kay Jason at pagtakbo nya saglit para habuling ito, bigla na lang napahinto ito biglaan dahil sa hilo ng katawan na hindi niya maintindihan.
Napalingon siya sa paligid at nakitang may mga insence na nakasindi at nagbibigay ito ng kulay lila (violet) na usok na ikinasandal nya rin sa isang pader gamit ang kanang kamay pantungkod.
Napangiti si Intei habang namimilipit at nakapikit.
'There's something in the air' Isip ni Dark na napa-iling ng sobrang lakas dahil sa sobrang hilo at dumudugo na ang ilong nito.
'Akala mo ikaw lang ang may lasong dala Dark? Baka nakakalimutan mo, tumapak ka sa lugar ko. Sige kumilos ka pa, ng mabilis kang mamatay. Hindi ako mag-iisa sa impyerno Dark, isasama kita!'
Napaubo na rin si Intei ng dugo dahil din sa lason na dulot ng bala ni Dark.
'Hindi kita kayang labanan ng harapan. But I think I win this time.'
"Shit." Aniya at tinutok ang baril sa lokasyon ni Intei.
Tumatatagos ang balang ito at pumutok nga ito at pinasabog ang ulo nitong ni Intei. Bumagsak sya lalo na nakabagsak na nga ng nakangiti. Pikit ang mata niyang onti-onting naaalala ang mga nakaraan na parang dahan-dahan na bumabalik sa kanya habang siya ay nilalagutan na ng hininga.
"Drei!" Sigaw nito at hinabol nga ang batang si Drei na tumakbo at naglakad sa likod nito mula sa tinaguang pader.
"Bakit ka naglalakad?" Sabi ni Fiera Lienice (Intei) sa likod ni Drei.
Iniisip ni Fiera na mamamatay sila kung ganyan ang gagawin nila at mabagal silang maglalakad.
"Gusto ko lang."
"Ha-ha? Hindi ka ba natatakot, b-baka may land mines din dyan?"
"Kaya nga naglalakad ako."
'Aaaah...' Sabi sa isip ng batang si Fiera.
Maya-maya lumihis ng daan ng konti si Drei sa daan pero itong si Fiera dumirecho lang ang lakad at bigla na lang napahinto si Drei ng napatapak ni Fiera ng may tumunog na kung ano kaya napasigaw si Drei, "'Wag kang kikilos!"
"H-huh? Bakit?"
"Alam mo na siguro 'di ba?"
Napaluha na lang ito ng tahimik dahil nakatapak nga ito ng hindi inaasahan.
"M-mama.... Uuwi na p-po ako ng m-maaga.... Hi-hi..."
"Pssst! Yumuko ka dahan-dahan! May paparating!" Bulong ni Drei na napatago sa puno.
Lima na lang ang batang natitira kasama si Drei at si Fiera.
"D-drei...."
"Psst! Ang kulit mo! Dyan ka lang!"
"B-babarilin ni-nila ako."
At lumiko na nga ang dalawang batang lalaki na may dalang mga kutsilyo sa magkabilaan nilang kamay sa daang tinahak nila Drei mauna.
Ngumiti ito ng makita nila si Fiera.
Naihi lang itong si Fiera sa suot na maliit na pantalong maong sa takot.
BINABASA MO ANG
He's Less Darker (Tagalog) (Completed)
ActionThe Victim of Kidnapping Case (Unclosed) Book 2