53.2

833 13 1
                                    


Habang naglalapag ako ng mga natapos ko nang lutuin na pagkain sa mesa, narinig ko ang bell sa pinto na senyales ng pagpasok niya sa loob. Napatingin ako sa kaniya. Panandaalian ata siyang napahinto nang tiningnan ko siya, kaya lang tumuloy na siya sa pagliligpit ng pinapasok niyang gamit.

Napaupo na lang ako sa mesa at napatulala na lang sa harapan ng refrigerator. Bakit may kuryente? Isla 'to 'di ba?

Sa hinaba-haba ng pagmumuni ko, napatingala na lang ako nang biglaang may humatak ng upuan sa harapan ko.

"Drei..." bukang bibig ko habang umuupo siya sa harapan ko. Nakatingin lang siya sa akin.

"Sorry, I was too late? Am I? The food is cold,"aniya na parang hindi nagta-tagalog sa sobrang fluent sa English.

Poker face lang siyang napalinga sa mga pagkain. Nagluto ako ng menudo, kare-kare, sinigang, tsapsuy, fried rice, itlog at ham. Ang dami kong hinanda pero parang nilamig nga lang.

"Okay lang..." sabi ko at ngumiti na lang. "Pray na lang tayo bago kumain—" napahinto ako nang bigla siyang sumabat.

"No... Let's not pray. I don't know God, Soffia... Sino ba siya?" Malamig at ma-authoridad niyang sabi.

Napalunok na lang ako dahil sa reaction niya. Medyo nagulat ako. Pero nang makabawi, senigundahan ko siya. "Everyone know who He is. Kahit bata kilala siya," paliwanag ko.

Napatingin na lang siya sa'kin ng masama. Halos maismid ako sa ginawa niya. Okay, God is an off topic for him. Pumikit na lang ako para sana sa utak na lang mag-pray. Pero may kumalambog lang sa mesa.

"Makulit ka Soffia?"

Napalunok ako ng laway habang nandidilat at gulat na gulat. Napasabunot na lang siya ng sariling buhok at dahasan na lang tumayo sabay ng maingay na pag-usog ng puan.

"Drei..." tumawag pa ako sa kaniya nang tumalikod siya, pero tuloy-tuloy lang ang lakad niya hanggang sa umaakyat na siya nang hagdan at nawala na lang sa paningin ko.

Doon ko lang napagtanto na... Hindi kami parehas ng mundo na kinalakihan... Iba si Drei, iba ako... Nasa dilim pa siya... And it's my life mission to bring him back to life. That's right, Soffia! Kaya ko 'to.

_______

Finale

Epilogue: Into The Light

"Rate, I'm asking you a favor... Please," pakiusap ni Soffia sa telepono.

"Mapapatay ako ng asawa mo, 'pag ininvite ko 'yan!" Tugon ni Rate.

"Sabihin mo, simba lang naman kasi Linggo naman ngayon. Normal kaya na mag-invite ang mga tropa na magsimba no? Saka, for a change. Hindi na rin ako nakakalabas ng isla, parang nakakulong na ako dito. Please..." Pagpupumilit pa ni Soffia sa telepono.

Hindi alam ni Soffia na na-jammed na ni Drei ang linya ng telopono at nakikinig siya sa kabilang kuwarto.

Sa itutuloy...

____________________________

Deep Hoven Copyright 2019

He's Less Darker (Tagalog) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon