Chapter 50: Fallen

191 2 0
                                    

Lando's POV

Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko. Masakit yung pilik-mata ko. Halos singkit kong dinilat ito at unti-unting umaninag ang madilim na tila selda.

"Brent?"

"Lando, okay ka lang?" Sabi niya na halatang may pag-aalala.

"Okay lang. Ikaw? Puta ang sakit ng mukha ko."

"Putok mukha mo."

Shit. Grabe yung suntok niya. Nahihilo pa rin ako.

Sinubukan kong gumalaw. Nakakadena ako?

Napangiti ako kahit na may kadena sa hita ko, sa katawan ko, at sa kamay ko sa likod, may posas.

"Minamaliit tayo ng gago. Porket na one hit delete niya tayo, akala niya madulas na lahat."

Tang-ina, nagkakamali ka.

Tumalon ako para mabali ang paa ng upuang pinagkakaupuan ko. Bakal ito pero kaya tong mabali ng bigat ko, sa tamang angulo lang.

Ayun nabali nga, mabilis na akong nakawala gamit ang natutunan ko sa pagsunod kay boss ng ilang taon.

Eto yung masaya sa buhay na ganito. Ang tinatawag na adventure. Pero tang-ina walang adventure kung mamamatay ako dito. At hindi iyon pwede mangyare.

"I like your smile Lando."

"Tsk. Wala ng panahon para bumakla ka Brent." Sabi ko na nagmadaling kalagan siya sa kadena.

Sinipa ko na lang ang paa ng inuupuan niya. Ginawa niya rin ang ginawa ko. Nilusot niya ang sarili sa mga nabaling parte ng upuang bakal.

Sinenyasan ko siya ng tingin, dahil kikilos ako. Tumango lang siya ng tugon.

"Aaaaaargh!" Sigaw ko na parang mamamatay na at agad namang nagtago si Brent sa likuran ng pinto na bigla ring nagbukas.

"Huy! Nakawala!" Sabi ng isang bantay ata namin pagpasok-pasok pa lang...

Bigla na lang siyang binatukan ni Brent sa likod, sa batok. Tulog yung bantay.

"Tara na." Yaya niya.

"Teka lang."

Kinuha ko yung cap ng bantay at lahat ng suot niya. Sinuot ko ito lahat. At kinapa ang ID at mga susi sa bulsa nito.

"Tara." Sabi ko at tumakbo na paabante palabas sa pinto.

Tumango lang siya bago ko siya malagpasan.

May dalawang daan sa kaliwa at kanan ang nagpahinto sa aming dalawa.

"Bato-bato-pik. Kapag nanalo ka Brent, kanan, kapag ako kaliwa."

"Sige."

"Bato bato pick!" Sabay naming bigkas.

Gunting siya, ako bato. Tang-ina kaliwa. Nagkatinginan kami sabay takbo sa kaliwa.

Sa dulo ng takbo namin, may puting pinto na dilaw ang hawakan.

Inikot ko ito. Hindi mabuksan, nakalock ata.

Inikot-ikot ko pa ulit. Ayaw talaga...

Pinagpawisan ako sa mahaba-habang takbo rin namin. Parang nasa kumpanya kami.

"Tabi diyan..." Aniya at tinabig ako dahan-dahan na nagpatingin sa akin sa kanya.

Sumunod naman ako sa kabig ng kamay niya at tumabi na muna. Anong gagawin nito?

Bigla niya na lang sinipa ang hawakan ng pinto at bumukas na ang bakal na pinto.

"Tsk. Paano kung-" Naputol ang pagsasalita ko ng biglang may ratrat ng baril ang nagpayuko sa akin. Hawak pala ni Brent ang ulo ko.

"Salamat ah!" Sabi ko at baliw na pumasok sa loob.

Napatanga ako saglit pagpasok ko dahil sa baba ay may mga pasugalan ng mga armadong lalaki.

Tumakbo ako sa kaliwa ng pumutok ang ratrat ng baril. Pababa ang daan dito at sa sulok may hagdan pababa. Ganoon din sa kanan.

Naiwan si Brent na nagtago ulit sa pinto. Ako na bahala dito.

Bigla ring tumunog ang alarm sa pinanggalingan naming pinto. Napadungaw naman ako agad kay Brent. Nakapasok na pala siya at sinara ang pinto saka sumandal sa likod nito. Samantalang ako tuloy ang pagbaba at ratrat sa akin ng mga armadong lalaki. Aba! Sumusobra ah! Nakakita ako ng vase at kinuha ko ito at binato sa isang lalaki. Sapul naman ito, kaso mo parang sisiw lang sa kanya iyon. Wala man lang aray effect.

Yes. Nakababa na ako. Time for some action and guns.

Bigla na lang may sumabog na nagpatingin sa akin sa taas. Lumilipad sa ere si Brent at hinahabol siya ng pinto na tumatalsik din sa direksyon niya, na sumusunod sa kanya. May apoy rin na pagsabog sa likod ng pinto.

Tang-ina! That was a nice move Brent.

Sumampay siya sa chandelier at nalaglag ang pinto sa lalaking hinagisan ko ng base.

Ayun, sunog siya. Hahaha!

Napayuko naman ako sa sofa ng may pumutok pa ulit na mga baril.

Mula sa nagliliyab na daan na dinaanan namin ni Brent, sa pintuan; may lumabas na mga armadong lalaki na may mga suot na vest. Tae, mahirap na 'to.

Hoo! Ang lalaki pa ng katawan nila. Tumutok ito ng ratrat na baril kay Brent habang nakasabit siya sa chandelier. Grabe, papatayin talaga nila kami? Bakit kinulong pa kami?

Napatalon na lang si Brent sa baba ng rumatrat na sila. Sakto rin na kakarating lang ng mga lalaki sa isang daan sa baba, na rumatrat sa akin. Siniko lang ni Brent ang kaliwang kalaban sabay sinipa naman ang sa kanan at ako naman gumapang ako para kunin ang mp45 na ratrat sa lalaking nadaganan ng pinto at nasusunog.

"Tang-ina! Yes! Payback time sa mga gago!" Sigaw ko.

Nakipagratratan ako sa mga bumabaril sa amin sa taas, pagkasuot ko ng baril. Tumayo pa ako sa tuwa, na parang bata na 1st time nakahawak ng baril. Well hindi ako sanay lumaban ng harapan. 1st time ko 'to. May pagka-assasin type ako sa gang. At iyon ang label ko sa gang.

Tinamaan ako ng isang bala sa dibdib na nagpatumba sa akin. Pero marami akong napatumba. Marami pang naiwan at papunta pa. Siguro kung sa kanan kami dumaan matagal na kaming patay. Sa dami ng pwersa doon. Lucky batopik 'yon ah.

"Lando!" Sigaw ni Brent at sinalo pala ako at tinulak ako papasok sa daan sa baba.

Tangina. Napapikit ako sa tumulong pawis sa mata ko.

He's Less Darker (Tagalog) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon