Chapter 51: Church is a Place to Die

208 2 0
                                    

Sa isang inabandonang gusali, naroon ang babaeng naka-itim na nakatago ang mukha sa misteryo. Kasama nito ang mga armadong lalaki na naka-itim din. Mula salamin, damit, pantalon at sapatos.

"Maam, nakawala po sila...." Naiilang na sabi ng isang inutusan nito para kuhain ang bitag.

Ang tinutokoy na bihag ay si Lando at Brent.

"A-ano!" Sigaw na sumbat nito.

Bumunot agad ng baril ang babae at pinutok agad nito ang baril sa ulo nito.

Taimtim na nagulat ang iba pang kasama nito at nagsikip na lang bagang.

Nakatayo silang lahat ng hilera. Sa hilera nila, may mga sumunod pang nakatayo na tila isang sundalo na nakatayo ng matuwid.

"Next." Pautos na sabi ng babae.

Mula sa pinaka-una, sa kanang helera sa unahan, lumapit ang isang lalaki na pinagpapawisan ang noo sa kanya.

"Anong balita Hitman Cooper?" Tanong ng babae.

"Napapaligiran po ng mafia ang simbahang pagdarausan ng kasal." Tugon naman nito.

"Tapos? Anong gagawin natin? Tumanga!" Sumbat nito at humugot ulit ng baril.

"Maam-" Naudlot na sabi nito ng mabutas ang noo nito mula sa pagtama ng baril.

"Ano pang hinihitay mo? Hindi ba automatic na next na!" Sigaw niya at binaril nanaman ang isa na dapat susunod sa lumapit kanina.

Lumapit naman agad ang kasunod nito sa babae.

"Anong gagawin natin? Sandro?"

"Pwede tayong sumugod sa pwersa nila gamit ang gobyerno ng Guam..." Kinakabahang bigkas nito.

"Pero busy ang gobyerno dahil kaliwa't kanan ang nangyayaring pagsalakay ng mga terorista. Mabubuko ang agents natin kung tutulong sila sa pagligpit 'lang' ng isang mafia!" Napalunok ng laway si Sandro ng sigawan siya ng babae.

"Kung gano'n..."

Pinagpawisan na ang likod ni Sandro sa iniisip na isasagot sa babae.

"'Kung gan'on',ano Sandro?"

"M-maam, kung pahihintulutan niyo..."

*****

Kampo ni Xander

Sa isa sa tatlong daan papasok at palabas ng simbahan ng kasal Soffia at Drei.

Nakatayo sila na may kanya-kanyang suot na nakasabit na baril.

Naalarma ang lahat ng may biglang sumabog na pabrika, malapit sa simbahan.

"Kyaaaaaa!" Sigaw ng nagtatakbuhang tao.

Sabay isang pamilya ang tumakbo papasok sa daanan ng kampo ni Xander.

"Barilin niyo 'yan." Utos ni Xander.

"P-pero Xander..." Pagdadahilan ni Vince sa awa.

"Utos ng boss." Tugon ni Xander na tiningnan lang si Vince ng banta.

Napakunot noo naman agad si Xander na may iniisip.

Xander's Point of View

Bakit may nangyayaring pag-atake ng terorista dito....

Wala ito sa napag-usapan...

Kailangan 'to malaman ni boss.

Tumingin ako sa mga lalaking nakatago sa damuhan na natatabunan ng mga damo at lupa, bago ko tinaas ang telepono at sinimulan ang tawag.

He's Less Darker (Tagalog) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon