Flashback
Usapan ni Divinity at ni Black. Syarsor, na ama-amahan ni Black ay kasama ni Black o Drei.
"Sure."
"Ah! Another thing Black."
"So you have recovered your emotion? How?"
"What do you want Divinity? My life will end no matter what. Ano pang kailangan mo?"
"Well just to make sure na 'mamamatay' ka talaga. Ahm about my parting gift, I will bring her in wedding dress? Prepare yourself. I'll text you the church. Or I'll contact your father."
"Wh-what the fuck?"
End call. Binaba na ni Divinity ang telepono na hawak niya.
Tumawag agad si Drei kay Yu Rim.
"Paki sabi Park Yu Rim. Sa lahat ng Blackspiders sa Guam. Na pumunta dito, Asap."
"Okay boss."
End call.
Tumawag na agad si Yu Rim sa lahat at sinimulan na ang 'huling' meeting ng lahat ng miyembro ng Blackspiders, na si Drei ang boss.
"Bago ako mamatay. Gusto ko sana kayong utusan sa huling pagkakataon. Kahit hindi na ako yung boss...."
"H-ha? A-ano daw? Hindi na si boss Drei ang boss?" Usap-usapan ng members sa isang siniksik na kwarto.
"B-boss! Anong sinasabi mo! Mamamatay ka ba? Maayos naman yung puso mo? Nakahanap si boss JC ng kapalit. I'm sure makakahanap pa ulit si Doc. JC!" Sigaw ni Steven sa gitna nila.
"Oo nga! Idol talaga si boss JC."
"Hindi ko rin ipagkakait sa inyo ang impormasyong alam ko. Kilala niyo ko. Lahat ng sinasabi ko nasusunod at totoo."
Napahinto si Drei sa sasabihin niya.
Sa seryoso ng tono ni Drei, napatigil ang lahat sa usap-usapan nila.
"Steven. JC died..." Sabi ni Drei na tinitigan pa sa mata si Steven.
"H-huh?" Napanganga si Steven at tumahimik ang lahat bigla lalo sa sinabing ito ni Drei.
Tumulo ang luha sa mga nakatulalang mata ni Steven. Sa kadahilanang mula ito sa titig ni Drei na nagsasabing...
Totoo ito.
Umiwas na lang agad ng tingin si Drei at binaling sa iba ang atensyon.
"Aalis na rin ako sa pagiging boss. Sana respetuhin niyo. Kagaya ng ginawa niyo sa 'kin. Ang bago at malakas na susunod sa yapak ko. Walang iba kundi si Jason. Siya na ang bagong boss."
"B-boss e-easy lang. S-sabay s-sabay naman. K-k-kaya ka m-mamamatay dahil w-wala na si JC... Boss m-meron pa naman ibang d-doctor." Hindi maintindihan ni Steven ang sinasabi kaya naluluha na lang ito sa gulat at tulala sa mga nalalaman.
May pinagsamahan 'din silang tatlo ni JC at Daniel.
"Steven, alam mo na special case ang operasyon ni Jared kay Drei. Walang ibang doctor ang may kaya ng ginawa ni JC kay Drei. Wala..." Pagpapaliwanag ni Daniel.
"Tama na 'yan. Magpapakasal kami ni Soffia bukas. Kailangan ko yung tulong niyo."
"H-huh? Paano? Nahanap na ba si Soffia?" Gulat si Yu Rim sa sinabi ni Drei.
End of Flashback
Pagbukas ni Soffia ng pinto ng simbahan.
Nakita niyang naka-itim ang lahat ng tao sa loob.
Natatakpan rin ng kamay ng nakaputing gloves na babae ang mata ni Drei.
May babaeng naka-itim mula ulo hanggang paa, ang nasa likod ni Drei na sumilip dahan-dahan mula sa balikat ni Drei.
"Soffia?" Ika Drei na natatapkan ang paningin.
Napatakbo si Soffia sa gitna kaso pinigilan siya ni Steven at Daniel sa kamay ng tumutok lahat ng naka-itim na baril kay Soffia.
"Now. Till death do you part. I shall pronounce you as husband and wife. Congratulations Soffia Blackwood. The time to part has come." Sambit ni Divinity at dahan-dahang binaba ang nakahawak niyang kamay sa mata ni Drei.
"Fire."
Nanlaki ang mata ni Drei at dahan-dahang naluha ng pumutok ang unang baril at sunod-sunod na itong pumutok sa loob ng simbahan.
Napahinto naman si Xander sa labas ng simbahan at napaluhod na hawak ang kaliwang balikat na may tama ng baril. Umiiyak ito at dumadaing.
"I... I... lost my defense."
Napatingala ito sa simbahan.
"Sorry boss."
Tumutok na lang ito ng baril sa ulo niya, mula sa bulsa ng pantalon niya.
"It's a shame. I lived... When others don't... I'm sorry..."
BINABASA MO ANG
He's Less Darker (Tagalog) (Completed)
AçãoThe Victim of Kidnapping Case (Unclosed) Book 2