Soffia Layman's Point of View
Sa dami nang nangyari, hindi ko lahat maipaliwanag. Ang nangyari sa simbahan. Ang nangyayaring giyera sa Guam. Siguro epekto lang ito ng giyera.
Ang dapat masaya naming kasal... umuwi sa isang sakuna na ang tanging paraan ay dasal. Kanina pa ako nakaluhod sa maliit na chapel dito sa hospital. Karamihan sa mga kilala ko, nabaril. Pero mga buhay pa sila kaya hindi ako susuko. Kahit ilang pinetensiya ang gawin ko, gagawin ko.
"Please, God. Save, Drei..."
"Please..."
Napapakuskos pa ako ng dalawang palad ko sa isa't-isa habang umiiyak at nakaluhod. Tinitignan ko ang luhang dugo ni Jesus sa cross.
"'Wag po. Bigyan niyo pa po kami ng mga pagkakataon. 'Wag lang po ngayon..."
Ako na lang ang pag-asa nila. Ako lang ata ang nakakilos para mag-pray para sa kanila. Pagagalingin kayong lahat ng Diyos.
"Please..."
Lumipas ang ilang oras...
"Soffia..." boses ng kung sino.
Liningon ko naman siya agad at tinignan ng mabuti. Nagpunas muna ako ng mga luha. Tatayo na sana ako pero, lumuhod din siya sa tabi ko.
"Death on arrival si Yu Rim," naluha ako sa sinabi ni Steven.
Yu Rim, don't deserve this death. He was the kindest among the Blackspiders. He sacrificed his life for the sake of his friends.
Tumingin ako kay Steven na balot na balot ang mga kamay.
"Daming slots ng kamay ko mula sa mga bala. Pero, okay lang ako. 'Wag kang mag-alala. Nandito ako para tulungan ka mag-pray."
Naluluha na lang ako sa usapan namin.
BINABASA MO ANG
He's Less Darker (Tagalog) (Completed)
ActionThe Victim of Kidnapping Case (Unclosed) Book 2