#Y26/The Hunted Sniper Arc - Sniping Ended Unfatedly.

271 6 0
                                    

Nanlaki ang mata ni Drei sa tumunog na sniper na nakaligtaan niya kalkulahin.

"JC!"

Bumagsak itong si JC na bulagta at pasubsob sa putikang lupa.

"JC!" Lumuhod agad si Drei at kinuha itong si JC at inagat ng konti para ikutin.

"Sh**!"

Napamura siya at nakita ngang itong si JC na sapul,

May butas ang ulo.

*****

"Another clear shot, this time it's you Drei." Ani ng babaeng bumaril kay JC.

"That's enough miss."

Napahinto itong babae sa biglang nagsalita na lalaki.

"J-jason Rextrield!"

"I am."

*gunshot*

At butasan ang ulo nga nitong nakaluhod na babae na bumagsak sa lupa.

Dumanak ang dugo nito sa tubig sabay ng pagtalikod ni Jason dito.

*****

Nasa masukal na gubat si Jason sa parehas at malapit na lugar banda sa naganap na labanan mula kay Drei at sa sniper ng biglang may bumungad na kaparehas, hulma at kamukha nito sa kanya.

"Woah! Sino ka! T-teka! Kamukha kita! M-medyo matanda lang ng konti! Teka! Don't tell me tatay kita?"

"Hindi mo ako tatay Jason, ako ay ikaw at kailangan ko mahanap ang Ama mo." Sabi nitong kamukha ni Jason na siya rin.

"Huh!? Anong kailangan mo kay Dad? Ha! Anong ikaw ay ako! Baliw ka ba!"

'Akala ko adopted ako.'

"Galing ako sa hinaharap, bago ako-"

"Teka teka! Busy ako may hinahanap akong tao, pero? Kapatid ba kita? Kuya?"

"Tutulungan kitang mahanap ang hinahanap mo kung hindi ako nagkakamali ang pangalan niya ay Jared at may apilyidong Clause. Namatay siya ngayong gabi ng mga alas-onse trenta'y uno." Tumingin pa ito sa bakal na braso nito na kinalaki ng mata ni Jason lalo. "Limang minuto na lamang at katapusan na ng kwento ng kaniyang buhay."

Napalunok si Jason ng laway.

"A-ako? May tanong ako?"

"Ano?"

"Paano n-namatay si JC."

"Isang tama sa ulo. Nasira ang utak nito kung susumahin ang mga nangyari sa ulo nito."

"Sino?"

"Nandito siya 46.3 metro kalayo mula sa aking kanan." Gumalaw siya para ituro ang lugar kay Jason.

"P-patay na si JC?"

"Hindi pa."

"Anong tinatayo-tayo mo diyan! Kung ako ikaw iligtas mo si JC!"

"Hindi na ikaw ay ako, ako na si James."

"Wala akong paki! Imbensyon ka ni Dad kund 'di ako nagkakamali! Tinamaan rin ako sa ulo! Pero nabuhay ako! I'm sure kaya ni Dad buhayin si JC! Dalian mo at isasabay ko kayo kay Dad!"

"We don't have time James." Tunog ng babae sa isang tenga ni James sa kaliwa na may tatlong butas na tila butas ng hikaw at nagsisilbing itong speaker.

"Nadine, I will be bringing you a sample."

"Dead or alive?"

"Probably dead."

"D-dead! Sa bagay nothing last forever. Some dies instantly, on disease, in an accident, in-"

"Nadine no time for your chit chat."

"Sorry, come back soon."

"Sino yu'n? Teka! Anong mangyayari sa Blackspiders?"

"Lahat sila mamamatay pag-alis mo dito sa Guam Jason."

*****

"JC! F***! Wake up!"

Napahinto sa pagsasalita si Drei ng may aninong lumabas sa harap niya.

Luminaw ito pagtingala niya.

"Jason?"

"Boss, akin na si JC, ako na ang magdadala

Lumuhod itong si Jason 'kuno' para kunin ang labi ni JC.

Pero hinawakan siya ni Drei sa braso.

"Who are you?"

******

Napatayo si Divinity sa pagkakaupo niya ng marinig ang tawag mula sa 'Dex' na tumatawag sa kanya.

"Eagle Eye died? How! I understand Decoy! Pero- it's impossible! She's not possible to trace! Her sucess rate is 98.42 percent! Drei was 68 percent! You should be around 78 percent!" Napakagat siya sa labi. "Paanong nangyari! Go and kill him Dex!"

"Will do Divinity.."

He's Less Darker (Tagalog) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon