#Y18/Fatal Secret. (Sponsored Update by Jinky May Carias)

335 5 0
                                    

#Y18/Fatal Secret. (Sponsored Update by Jinky May Carias)

Nagpaikot-ikot si Drei at bigla na lang huminto ng may mapagtanto.

Lumingon siya sa dagat at agad na sumulong dito at tumalon para ilublob ang sarili na tinitignan din ng ibang blackspiders.

Sabay hinawakan niya ang handle ng kotse pagbalik dito at umusok ang kamay nitong si Drei pero ininda ito at pagbukas nito kinuha niya si Soffia na nasusunog ang suot na pantalon at wala ng malay.

Tinakbo niya ito sa dagat at nilubog dahan-dahan at niyakap.

Napahalik ito sa noo ng maramdamang buhay pa si Soffia. Pinunasan niya pa ang mukha nito na may uling.

Hindi halata dahil sa basa nitong buhok pero may luha rin na tumutulo kay Drei na nahalo lang dito.

Nilapitan na rin ni Lucas ang labi at pinagbabaril na ang mga buhay pa na nakahilata, at papunta na siya du'n sa lalaking nasa ibabaw ng kotse. Ang bumaril sa nagpaliyab ng apoy ng sinasakyan.

After a week.

Gumising si Soffia mula sa isang bangungot.

"Kyaaaaa! Sebastian!" Napabangon ito hingal na hingal at ginising rin nito ang asawa na katabi na tanging boxer lamang na underwear ang suot. Samantalang si Soffia ay naka-sleeping blouse at pajama.

"Soffia." Sabi ni Drei na antok pa ang mata at napa-upo rin.

"Umuwi ba talaga si Sebastian Drei? Bakit 'di siya nagpaalam? Hindi pwede na uuwi siya sa pinas. Gusto ko umuwi tila tita, gusto ko siyang bisitahin." Sabi nitong paluha na at nilingon si Drei na nasalikuran niya lang.

Pinunasan lang ni Drei ang luha nito sa mata at sinabing: "Paano ang pag-aaral mo? Pwede naman yu'n maghintay? Graduating ka na Soffia." Ani Drei at napaisip: 'Paano ko ba sasabihin na 'di ko sinasadyang mapatay si Sebastian. Mas maganda na wag na lang sabihin.'

"Bakit parang may 'di ka sinasabi sa 'kin. Bakit pati si kuya umuwi. Bakit parang feeling ko may nililihim ka sa 'kin tapos-" biglaang naging sobra ang panlalambing mo.

Pinutol ito ni Drei ng yakapin niya si Soffia mula sa likod hawak ang tiyan niya at hinalikan nito ng dampi ang tenga nito.

"Marami ka nanamang iniisip Soffia, it was just a dream."

"W-walang napahamak sa inyo? Ni isa?"

"Wala."

****

"JC, hinihintay ka namin ng anak mo, 'di ba baby?" Sabi ni Laila na yakap ang tiyan niyang malaki na nagdadalang tao.

"Sabi mo uuwi ka. Naghihintay ako."

****

Sa hospital, kakamula lang ng mata ni Daniel.

"Daniel gising ka na!" Ani Steven, "akala ko pati ikaw mawawala na sa 'kin."

"Si J-JC?" Tanong ni Daniel na kakagising lang at hinahanap pa ang lakas.

"W-wala 'di pa nahahanap." Ani Steven at umiiyak hawak ang kamay nitong si Daniel.

"Huy! Nakakabakla ka, OA ka naman masyado."

"Hahahaha!" Tawanan ni Xander, Nathaniel at Rate sa kwarto.

"Ta*ng*** mo pala eh! Hindi ka gumising ng isang buwan!"

"Isang linggo lang ta*nga!" Ani Xander.

"Haha! Ganun talaga 'pag mahal mo 'pag hinihintay parang matagal." Sabi ni Nathaniel.

"Tumahimik kayo ah, kayo ang isusunod ko dito." Ani Steven at naasar.

"Hahahaha! Kaya mo?" Udyok ni Xander.

"Hep! Tama na, kung hinanap niyu na lang si JC, instead na tumatambay kayo dito. Tsk! Buntis pa ang asawa nu'n."

"Buhay yang selfish boss niyo 'wag kayong mag-alala. Masamang dama yo'n." Ani Nathaniel at napasandal crossing his arm.

"May sinabi ka ring tama Nathan." Pagsang-ayon ni Steven.

"Rate tahimik ka?" Ani Xander na napansing tahimik ang katabi.

"Wala, nag-aalala lang ako, paano na si Laila?"

"Don't tell me in-love ka pa rin sa may asawa?" Ani Nathan na naglakad pa sa harap ni Rate at yumuko ng konti sa nakayukong Rate para makita siya ni Rate.

"Ha?" Pag-ulit ni Nathan.

"G*** wala! Tabi nga ang pangit mo." Ani Rate at tinulak si Nathan na malapit ang mukha.

"Oh, hindi na siya namumula ngayon. Dati kamatis yan pag may binabanggit na Laila eh."

"Tch."

"Hahaha!" Tawanan nila maliban kay Rate. Pati si Daniel naubo pa para lang tumawa.

_____________

He's Less Darker (Tagalog) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon