Y23/The Hunter Sniper Arc Part 2 - The Love-less Black.

327 5 0
                                    

Flashback sa Railway pagkatapos ng digmaan laban sa mga umatake sa Blackspiders.

"Bakit mo pinatay si Sebastian Drei! Y-you! Sobra ka na talaga! D-di ka tao!" Iyak ni Brent na sasapak na sana kay Drei pero hinawakan siya ni Steven at Yu Rim.

"Dalhin niyo na agad ang mga nasugatan sa hospital! Kayo! Anong tinatayo-tayo niyo diyan!" Sigaw ni Drei sa mga tauhan, 'di pansin ang mga pag-iyak at pagmumura ni Brent.

"Yu Rim, bitawan mo yan at hanapin mo ang tumira kay JC! Tan****!" Sigaw ni Drei na namumula ang mukha sa galit.

Dahil naaalala niya ang nangyari kay Soffia ng makita ang ambulansya na umalis papunta ng hospital. Nakasakay si Soffia du'n para ipagamot ang 2nd degree burn na natamo.

"G*** ka Drei!" Sigaw ni Brent.

"Lando hawakan mo 'to." Ani Yu Rim at kinuha agad ni Lando ang braso ni Brent.

"Bitawan niyo 'ko! Drei kukunin ko na si Soffia! Magkamatayan tayo!"

Bigla siyang nilingon ni Drei sa sinabi niya at agad itong lumapit kay Brent.

"Wala ka ng magagawa, binili ko na si Soffia sayo." Sabi ni Drei sa harapan ni Brent at dinuraan lang siya nito sa mukha.

"G*** ka! Hayop ka! Bakit ka babaril ng alanganin na may hostage! Huh! Pinatay mo si Sebastian dahil nagseselos ka! Kagaya ng pagsira mo sa buhay ng babaeng kinahuhumalingan ni JC! Ano bakit!? Dahil nagselos ka! Dahil 'di ka magawang mahalin ni Rina! Tanggapin mo na Drei! Walang magmamahal sayo!"

Napapikit lang si Drei at pinunasan ng kaliwang kamay ang dura sa mukha sabay,

"Ugh!" Sigaw ni Brent sa sakit ng suntukin siya ni Drei sa tiyan.

"Matulog ka muna."

"Akh! Akh!" Ubo ni Brent na talsik ang laway at pinilit pang tumingin kay Drei bago malagutan ng paningin.

"Iuwi niyo y'an sa pinas, sama niyo na si- Sebastian." Ani Drei na nautal pa sa dulo.

"Masusunod boss." Ani Steven.

"Ako na ang uuwi ng pinas Steven, ayoko na masangkot sa gulo boss. Okay lang ba?" Suhestyon ni Lando.

"Sige." Ani Drei na nakatingin pa kay Sebastian na dinadala ni Steven, pagkatapos ibigay si Brent kay Lando.

"Oo nga pala Yu Rim, use my bank account, transfer 2 million pesos sa pamilya ni Sebastian."

Napahinto ang lahat sa sinabi ni Drei.

"W-wala ka ng pera niyan boss." Sabi ni Yu Rim na may hawak ng lahat ng pag-aari ni Drei.

"Okay lang, parating na yung tribute ni Rate, malaki rin yu'n."

"Kakabili mo lang ng bahay! At magpapagamot pa ng mga member.." Ani Yu Rim.

"I leave it to you, talk to Rate and Jason they can help."

Someone calling...

Napatingin si Yu Rim sa tumatawag.

"Oh tama boss, nandito si Jason."

"Hoy Yu Rim! Nasa'n si JC? 'Di ko siya makontak? Ayaw sumagot?"

Malakas ang alon ng napalingon si Yu Rim sa kanyang kanan.

"Nalaglag yung copter na sakay ni JC, at 'di pa siya nakikita."

Napahinto si Jason sa narinig at napalayo pa sa tenga ang teleponong hawak.

"G-gano'n?"

"Oo..."

End call.

"This is a Rex Ent. bullet." Ani Drei na nakaluhod sa pumutok na ulo ni Decoy at hawak ang isang balang puno ng dugo na galing sa bangkay.

"Ano pa Drei, may ipag-uutos ka pa ba?" Lapit ni Yu Rim sa kanya.

"May nilagay akong tracking device sa cellphone ni JC, so kahit walang signal we should be able to track him."

"I will find him?"

"No give me the tracking device, I'll do it myself."

"Sama ako."

"No stay here, I can't afford to lose one of you anymore." Ani Drei at tumayo na mula sa bangkay.

Napaluha lang si Yu Rim sa sinabi ni Drei na may iniisip na, 'c-concern si Drei sa 'kin?'

'Ganu'n ba talaga 'pag in-love si Boss!'

"At isa pa, 'di nyo sila kakayanin." Ani Drei at napatingala na sa pulang umiilaw na nasa tuktok ng isang tore sa isang malayo at katapat na pangpang ng dagat.

End of Flashback

Soffia's POV

I'm just....

"Ang masasabi ko lang Soffia, mahal ka ni Drei Blackwood at dahil sayo nagbabago siya."

"Nagbabago?" Sabi ko agad dahil sa sobrang curious.

Paano siya nagbago nga?

He's not that attach to me before ng kinidnap niya ako!

Tell me more please Yu Rim!

"I'll tell you, but let's eat first okay?"

"Paano si Drei! Paano-"

"Trust me, magaling si Boss, mission impossible doer yu'n." Aniya at napalingon pa sa 'kin at ngumiti na naistorbo ko pa mula sa pagdridrive.

"Kung magaling siya, ibig-sabihin nasa mission nanaman siya!" Sigaw ko as I analyze things he said.

*****

Napalobo na lang ng bibig si Yu Rim sa sinabi. 'My mouth!' Aniya sa isip niya.

_____________

He's Less Darker (Tagalog) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon