Xian pov.UMAGA na ngayon at kahapon pa walang Malay si Grace. Shit Kung Alam ko Lang Sana na may sakit sya hindi na Sana ako nag abala pa na makipag appointment sakanya.
Sabi NG doctor pagod stress Lang at may Trang kaso Lang daw si grace at Kaya dahil dito napahaba ang pagpa pahinga nya. Kagabi tinawagan ko agad si gio Para malaman nya ang nangyare. At galit na galit ito Kay Kier.
Kahit ako eh. Lalo na nang ma kwento nya saamin ang deal nilang dalawa ni grace at syempre hindi Alam ito ni Gio Kung malalaman ito ni Gio siguradong magkakaroon NG malaking problema.
Kasunod NG Kay gio ay ang mga magulang nito. Nang malaman Nila na nasa hospital si grace agad Nila itong pinuntahan. At ako naman ay maagang bumalik dito sa hospital Para makita sya at hintayin na magising sya.
"Hey man mag almusal kana ako na dito" Saad ni Gio
"Ayos Lang mamaya nalang.. Nasaan sila Tita?" tanong ko sakanya
"umuwe muna sila Para makapag Palit baka mamaya nandito nadin sila" Sabi nito at tumango nalang ako
"Kung tutuusin Mas boto pa ako sayo kesa Kay Kier Alam Kong Mahal mo ang kapatid ko" sabing iyon ni Gio
Totoo matagal ko nang gusto si grace at matagal ko narin pinangarap na mag kakilala kami. Nakilala ko sya sa litrato Nila ni Gio sa wallet nito at Nalaman ko nga na kambal sila. Sa Punto palang na iyon Alam ko na gusto ko sya maybe love at first sight
Wala eh nagandahan ako at nababaitan din NG mag kwento si Gio saakin NG mga ginagawa ni grace
Pero nang malaman Kong gusto nya si Kier at nagpapakatanga sya dito. Halos suntok sa buwan ang mapa lapit at magustuhan nya ako.
Malabo.
"Kung pwede Lang na ako nalang Kung ako Lang nauna nyang nakilala at nakasama baka sakaling kami ang Magkasama" pilit Kong ngiti pero may bahid NG sakit
"bat hindi mo subukan hindi PA naman sila eh" Sabi ni Gio
Napatitig ako sa maaliwalas na mukha ni grace at makikita mo sakanya na talagang Mahal nya si Kier
Hindi naman nya I susugal ang ganong Pera Para Lang sa taong walang kasiguraduhan
"Naglolokohan Lang tayo kapag Pinilit ko ang sarili ko sakanya" mapait na Sabi ko
"Alam MO sa Mundo kapag naging mahina ka talo ka. Kung gusto mo ang kapatid ko natural na Ipaglaban mo wala namang sila eh besides hindi naman sya Mahal NG gagong Yun! Mahal mo sya Kaya Ipaglaban mo" Sabi nito saakin
Tumingin ako sakanya seryoso ito at halatang galit. Pareho naman kaming Napa tingin NG gumalaw si grace at magmulat NG Mata
"Nasaan ako?" Sabi nya
"Nasa sementeryo nag pa pahinga" Sabi ni Gio
Hindi ko maintindihan ang ugali NG taong ito kagabi Lang nung tumawag ako halos mabaliw sya sa kakasigaw Kung bakit daw nasa hospital ito at nahimatay. Gusto panga nitong puntahan si Kier Para patayin daw
Sinamaan Lang sya ni grace NG tingin at bumaling saakin ang atensyon
The way she look at me like that my heart can't help to beat fast like hell.
Kaya ko din naisipan na maging partner sya sa resort ko Yun ay dahil gusto ko syang mapa lapit saakin at Makasama sya.
"Thank you Xian" nakangiti nyang tugon saakin
Naglakas loob naman akong hawakan ang kamay nya
"No.. Don't say that kasalanan ko Kung bakit ka nahimatay" buong pagsisi Kong tugon sakanya
BINABASA MO ANG
| She's not the any other woman | (COMPLETED) ☑
बेतरतीबAng pagmamahal ay hindi lamang sa isang tao umiikot kundi sa buong taong nakapaligid sayo! Ngunit mapatunayan Kaya Yan nang isang babaeng chubby at hindi na papansin nang ka nyang na gugustuhan? Sila Kaya hanggang huli? Hmm! #Shesnottheanyotherwoman