Grace pov.PAGKATAPOS nang gabing Yun hindi na naulit pa. Paulit ulit syang nag sosorry sa nangyare. Pero Para saakin at naisip ko wala namang masama besides hindi na kami mga Bata dapat nga sa edad namin mayroon na kaming anak! I'm 29 years old na at kaunting panahon nalang mawawala na sa kalendaryo ang aking edad. Kaya Para saakin isang gift ang nangyareng Yun.
"Tita? Bakit po namumutla kayo?" Sabi nya saakin mga ilang linggo na nga ganito ang mukha ko. Masama din ang pakiramdam ko tuwing Umaga. Siguro dahil lang sa pagod.
"Wala to baby baka pagod Lang" nakangiti Kong Sabi sakanya nandito kasi kami sa Bahay sa tagaytay may meeting kasi si Kier sa Bicol and ang mommy naman nito himalang hindi sumama nang ibilin saakin si Nami.
"Tita! Pag nag ka baby po kayo ano pong pangalan? Tyaka gusto nyo po ba ka mukhang ko? Hihi" Sabi nito saakin sinusuklay ko ang buhok nya dahil ito ang gusto nya. Tuwing magkikita kami malambot daw kasi ang mga kamay ko Kaya mabilis syang makaka tulog. Pero ngayon mukhang madaldal ang batang ito! Hahaha
"Hmmm..... Oo naman gusto ko kamukha mo din ang Ganda Ganda Kaya ni Chinami namin!" Sabi ko habang NANGGIGIL sa pisngee nya why not? Diba? Maganda at mabait ang batang ito
"Hihihihihi! Ano pong pangalan Tita?" tanong nya saakin saglit akong nagisip.
"Natalia? HAHAHA hindi ko PA Alam baby eh Yun Lang naisip ko" Saad ko sakanya. Wala talaga akong naiisip Kahit na gusto ko mag ka baby! Sino banamang hindi? Diba? Hahaha
"Tita! Maganda Yun! Natalia! Hihihihi! Tita mag ka baby kana please Para may sister na ako!" Sabi nya saakin habang nagmamakaawa ang Mata. Nangiinit naman ang mga pisngee ko possible bang mangyare Yun Kahit isang beses Lang? HAHAH malabo yata.
"nako ikaw talaga! Nagugutom kana siguro?! Noh" Sabi ko at kiniliti ang kilikili nya! Kaya nagpupumiglas ito
"HAHAHAHAHA t..... I..... T.... A.... HAHAHAHAH Tama na..... Po!" Sabi nito Kaya tumigil nadin ako. At niyakap sya. Kahit saksakan ng bruha ang mommy nito Mahal ko padin ang batang ito! Mabuti nga at hindi nag mana sa mommy nya!
"Sana ikaw nalang talaga naging mommy ko" nagulat ako sa Sabi nya habang yakap ko sya. Nang makita ko sya bakas ang lungkot sa mga Mata nya.
"Bakit naman baby?" malumanay Kong Sabi habang hinahaplos ang buhok nya
"Kasi si mommy hindi nya pa ginagawa saakin Yung ganito lagi nalang syang galit saakin :< tapos pinapalo nya ako hindi nga po ako lumaki sakanya eh sa grandma ko po!" bakas ang lungkot padin nya naawa ako sa sinabi nya. Bakit Kaya Ganon si Samantha sa anak nya
" Wag kana malungkot! Sige ka pa pangit ka nyan! Ganon Lang siguro si mommy mo sayo! Tyaka Kaya nga ako nandito Diba? Ako Yung 2nd mommy mo " Sabi ko sakanya at hinaplos naman ang pisngee nya
"Mommy din po kita? Sabi ni mommy masama ka daw pero hindi po ako naniniwala Tita" Sabi nya saakin! Talagang samantha na Yun! Siniraan pa ako!
"Thank you dahil hindi ka naniniwala! Oo mommy mo din ako at kapag may problema ang baby ko pwede mong sabihin saakin nandito Lang ako palagi" nakangiti Kong Sabi Kaya yumakap itong muli saakin.
"Anong gusto mong dinner baby?" Sabi ko sakanya.
"Jollibee! Tita!" Sabi nito saakin Kaya napatawa nalang ako sa reaction nya
"Hahahaha oo sige mag bihis kana ha! Mag bibihis din si Tita!" Sabi ko at hinalikan sya sa noo at lumabas na nang kwarto.
Bigla namang nag buzz ang phone ko ka agad Kong tiningnan ito at napangiti nalang nang si Kier ito.
Kaagad ko din itong sinagot
BINABASA MO ANG
| She's not the any other woman | (COMPLETED) ☑
RandomAng pagmamahal ay hindi lamang sa isang tao umiikot kundi sa buong taong nakapaligid sayo! Ngunit mapatunayan Kaya Yan nang isang babaeng chubby at hindi na papansin nang ka nyang na gugustuhan? Sila Kaya hanggang huli? Hmm! #Shesnottheanyotherwoman