Chaper 1

53 0 0
                                    

New

Nasa loob ako ng isang bar ngayon at nilulunod ang aking sarili sa alak. Hobby ko na talaga ang paginom sa bar dati pa.

"Isang shot pa"

Binigyan naman ako ng isa pang shot ng wine ng lalaki. Nakakalabintatlong shot na siguro ako? HAHAHA. Sobrang lasing na yata ako e. Umiikot na ang paningin ko.

"May tsunami sa bar!" Sigaw ko. Sobrang alon kasi.

"Miss. Tama na yan." Hinawakan ng lalaki yung isa pang shot ng wine. Naramdaman ko ang pagdikit ng kanyang matigas na katawan sa akin.

"What? MISS? Are you kidding me? I'm not a lady. I'm half half. Give me my drink!"

Umamba akong hahablutin yung isang shot pero itinaas niya ito. Di hamak naman na mas matangkad sa akin yung lalaki kaya di ko ito maabot. Ngumisi siya pero nakakunot ang kanyang noo.

"So anong itatawag ko sayo? Mr. Miss? Hahaha. And you're what?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Naramdaman ko naman ang paglandas ng kanyang kamay sa aking bewang na siyang ikinagulat ko.

Itinulak ko siya ng malakas at napangiti naman siya sa inasta ko. "I'm half half. Half man, half woman. Don't talk to me. I don't talk to strangers"

Inirapan ko siya. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"You're a lesbian?!"

Ang pagkukunwaring lesbian ako ang dahilan kung bakit di nangangahas ang mga nakakasalamuha ko sa bar na landiin ako. Ang talino ko ba? I know right. Hahaha.

"Oo. Bakit? Di ka naniniwala? Want a proof?" Well, sa tinagal-tagal ko ng ginagamit ang gasgas na palusot ko na yan, alam ko kung paano humalik ng kapwa mo babae. Nakakadiri talaga siyang tignan pero sa states naman ako lumaki kaya nasanay na ako. At kung iniisip niyo na marami na akong nahalikang kapwa ko babae, CONGRATS! Nagkakamali kayo. May secret akong ginagawa. Bwahaha.

"I don't believe you. Sa pananamit at ayos mo pa lang di ka na mukang lesbian. You can't fool me miss." Nakangisi pa siya! Abat! Hinahamon talaga ako neto.

Nakalimutan ko nga palang magpalit ng mas balot na damit. Nakaspaghetti strap lang pala ako at shorts. Oh well, di nga nakakakumbinsi ito. I need to do the plan.

"Oh really?" Nginitian ko siya at tinawag ko yung babae na mukang lasing na din gaya ko. Lumapit naman siya.

"Why?" Aniya. Wala ng paligoy-ligoy pa. Nilagay ko na agad ang thumb ko sa lips niya at idinikit ang labi ko doon. Kinindatan ko siya at pumikit bigla na parang nabasa niya ang nasa isip ko. Pagkatapos ng nakakapigil hiningang panyayaring iyon ay nagpasalamat naman ako sa kanya. Bumalik ako sa lalaking kausap ko kanina at binigyan siya ng 'I told you' look.

"Woah! That was-" hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil dinugtungan ko agad ito.

"Great." Ngumisi ako at inagaw ang shot sa kanya ng dahan-dahan. Nakanganga pa din siya at nanlalaki ang mga mata. Gulat na gulat.

"See?" Ininom ko ang shot at tumingin muli sa kanya. Sa gwapo niyang muka.

"How did you do that?" Halata ang pagkabigla niya sa tono ng pananalita niya.

Actually guys, hindi talaga dumampi ang labi ko sa babae kanina. Sa thumb ko dumampi. Mukang hinalikan ko talaga dahil nakatalikod ako kay kuya na di ko pa pala alam ang pangalan kaya muka kaming naghahalikan.

Nginitian ko muna siya bago sumagot. "I just put my lips on her. Tumugon naman siya. End of the story."

"I mean, pano mo yun nagawa ng hindi pumipiglas yung babae?" Natatawang tanong niya sa akin.

"It's because I'm handsome. Isn't it obvious?" Nagseryoso naman ang kanyang muka.

"No. You're beautiful and.. such a great lady! I can't believe it. By the way I'm Vaughn de Silva. You are?" Ngumiti ako bago sumagot.

"Felix Raquel Roque." At nakipagshakehands ako sa kanya.

"I really can't believe it Felix! You're so.. WILD! I think I like you."

"Ma'am puputulan ko pa po ba?"

Ngayon ko lang narealize na kanina pa pala ako nakatulala. Naalala ko nanaman yung gabing yun. Yung gabing gusto ko ng limutin. Na sana hindi na lang nangyari. Ang ugat kung bakit ko gagawin ang mga ito sa sarili ko.

"Putulan mo pa! Ang sabi ko yung pang lalaki di ba?! San ka nakakita ng lalaki na nakaApple cut? Seriously, are you out of your mind? Gosh!" Ayan nabulyawan ko yung naggugupit dito.

"Ma'am nakakapanghinayang po kasing putulan yung buhok niyo. Sayang naman po." Gahd! Kumukulo na talaga yung dugo ko.

"Bakit ikauunlad mo ba pag mahaba yung buhok ko? Just do it!" Biglang nagring yung phone ko.

Jasmine calling...

"Hello"

"Hey where are you? I'm having a great time here with Kenth in your house. Don't be jealous okay? Hahaha."

"Stop it Jas. I'm not jealous! Who the hell in the world told you that I am? Nasa salon ako. Nagpapagupit. I'll be there by 5 I think."

"What? 2 hours pa kaming maghihintay? Make it fast Felix! Bat ka nanaman nagpapaganda?"

"Nagpapaganda? Hindi ako nagpapaganda. In fact, nagpapapogi ako." Sabay hagikgik ko.

"Oh no.. No.. You can't do that Lix! C'mon go home now. I'm worried." Halata naman ang pagkaworried sa tono niya.

"I'm sorry but it's almost done."

"WHAT? He-"

Agad kong pinutol ang tawag dahil tapos na ang gupit ko. Wala na silang magagawa. Mukha na akong lalaki kung hindi lang ako nakamake-up at nakadress. Binayaran ko lahat ng kailangang bayaran. Pati ang pagpapatanggal ng aking nail polish. Tinignan ko ang wrist watch ko na color pink pa. 3:30 na pala. Marami pa akong time para mamili ng mga bagong gamit. Get ready to see the NEW FELIX RAQUEL ROQUE!

PainlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon