Chapter 28

8 0 0
                                    

Holdap

Naglakad ako mag-isa. Di ko kasi dala ang kotse ko. Leche naman. At dahil napapagod na akong maglakad, naisipan kong magtaxi na lang tutal may pera pa naman ako. Kinalkal ko ang bag ko para kumuha ng pambayad at para na din magtext kila yaya. Maling bag pala tong nadala ko. Kaya pala parang nagagaanan ako sa bitbit ko kanina e. Hindi ko dala yung bag ko na may lamang cellphone at maraming pera. Yung bag na nadala ko ay yung bag na gamit ko nung nakaraang buwan pa. Naiwan ko sa office yung mga gamit ko. Ang laman lang nung bag na dala ko ay 1k na siguro ay tira kong pera nung araw na ginamit ko ang bag na yun, panyo, make-up, suklay, pabango, clip, at ponytail. Buti na lang may pera. Kinuha ko ang 1000 at nilagay iyon sa aking bulsa. Sumandal na ako at nakinig na lamang sa radyo.
Caller: Ex ko na po siya. Tapos may nakilala po akong lalaki at niligawan niya po ako.
Dj: Ate, nagkagusto ka naman ba sa nanligaw sayo?
Caller: Opo. Ang problema po kasi non, parang bumabalik po ulit yung si ex. Sinabi niya po sa akin na mahal niya pa ako. Na babawiin niya daw po ako sa nanliligaw sa akin. Nagsisisi daw po siya na iniwan niya ako.
Dj: Kamo sa ex mo magpakamot siya sa langka. Ang kati e. Di ba tinimer ka nga! Tapos sasabihin na mahal ka pa. Kinagat ba ng sampunglibong higad yan? Pero Ate, sino na ba ang mahal mo?
Caller: Di ko po alam. Nalilito na po kasi ako kung sino ang gusto ko simula nung nagparamdam ulit yung ex ko.
Dj: Well ate, if that's the case, masasabi ko na hindi ka pa nakakamove on kay ex mo because you still have feelings for him. Kasi alam mo, kung wala na talaga, hindi ka na magdududa sa sarili mong nararamdaman. Chaka ate, kung mahal mo pa si ex, wag mo ng paasahin yung manliligaw mo. Patigilin mo na. Kasi kawawa si manliligaw.
Caller: Hindi ko po kayang pakawalan yung manliligaw ko e. Parang may gusto na din po ako sa kanya.
Dj: Bat ba ang gulo mo? Ikaw pala yung leche dito e. Di ka makapagdecide? Isa lang ang ibig sabihin niyan te. Malandi ka. Pinapamuka ko lang sayo ah. Kasi kahit na tinimer ka, hindi iyon rason para gawin mo iyon sa iba. Oo nga, wala naman kayong relasyon pero wag ka ng magpaasa. Mamili ka lang ng isa. Dahil yang ex mo, tao din yan. Kung talagang totoo siya, ipaglalaban ka niya. Pero pag napagod yan, susuko din yan. Kahit pa gaano ka niya kamahal, darating at darating ang araw na mapapagod siya. Yung manliligaw mo, tao din yan. Hindi yan tissue na kapag iniwan ka ng ex mo, tatakbuhan mo. Tatakbuhan mo kasi makakatulong siya sayo. Masisingahan mo ng sipon, mapapahiran mo ng luha. Tapos pag okay na kayo ni ex at di ka na umiiyak, iwan mo na lang. Itatapon, babaliwalain.
Caller: Di ko po kayang saktan yung manliligaw ko e. Mabait po siya.
Dj: Ate, kahit anong gawin mo, masasaktan at masasaktan yang manliligaw mo dahil sa mga kagagahang ginagawa mo. Lalo na ngayon na nakikita kong mahal mo pa yung ex mo.

Tama yung dj dahil mali talaga si Ate. Pero sino ba ako para manghusga? Parehas lang naman kami ni ate. Biktima ng mga timer.

Napansin ko na parang ang tagal tagal ko ng nakasakay sa taxi na to. Di naman masyadong malayo yung Luneta sa Valenzuela ah. Chaka bakit parang di naman ito yung daan?

"Manong? Nasaan na po tayo?" Tanong ko ngunit di siya kumibo. Hinayaan ko na lang. Tumingin-tingin ako sa labas at habang tumatagal, padilim ng padilim sa dinadaanan namin. Nagpasya ako na bumaba na lang dahil natatakot na talaga ako. May kakauting ilaw pa naman galing dito at tingin ko may mga di kalayuang tindahan dito.

"Manong. Dito na lang ho." Sabi ko ngunit di pa din siya tumitigil.

"Manong! Para na ho! Jeep ba to?!" Sigaw ko at tumigil ang taxi. Humarap sa akin ang driver.

"Holdap to miss! Bigay mo gani sakun imong gamit at silpun!" Matatawa na sana ko sa kanya dahil Bisaya ata to kaso lang may hawak siyang kutsilyo at ang panget niya. Nataranta ako dahil may kutsilyo kaya binigay ko na lang tutal wala namang laman yon. Buti na lang pala at naiwan ko ang bag ko.

"Baba!" Sigaw niya kaya bumaba ako. Mangiyak ngiyak ako habang naglalakad dahil first time kong maholdapan at madilim pa sa nilalakaran ko. Naglakad ako ng nalakad hanggang sa makakita ako ng isang tindahan. Lumapit ako doon dahil may ilaw.

"Hija, bakit ka umiiyak?" Sabi sa akin ng matadang tindera.

"K-kasi po nawawala po ako tapos abnormal pa yung driver ng sinakyan kong taxi, lola. Ninakawan po ako. Pwede po bang makitawag?" Tanong ko. Hindi na ako makahinga kakahikbi.

"Oo sige. Heto." Iniharap niya sa akin ang telepono at nagpasalamat ako. Nidial ko na ang number sa aming bahay para magpasundo.

"Hello yaya? Ya! Sunduin mo ako dito. Naholdapan ako ng bag. Oo. Wala namang laman yun. Oo. Naiwan ko sa office. Oo nga e. Saka ko na lang po ikukwento. Di ko din po alam. Naliligaw po ako e. Nakitawag lang po ako sa tindahan. Address? Teka lang po." Humarap ako sa lola at tinanong ang address at sinabi ko iyon kay yaya.

"Opo. Sige po. Opo. Opo dito lang ako. Bye, ya. Thanks." Sabi ko at binaba na ang tawag. Maghihintay na lang ako.

PainlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon