Chapter 34

10 0 0
                                    

Myths

Habang nasa eroplano ako, narealize ko na dapat ko pala siyang kamuhian. Hindi ko kasi siya magagawang kalimutan kung mahal ko pa din siya. Iniisip ko na masyadong masakit lahat ng ginawa niya sa akin. Hay. Naloko nanaman ako.

Ilang oras lang ang nagdaan at nasa California na ako. Gabi na ngayon kaya kitang kita mo ang ganda nito kapag gabi. Yung mga tao dito parang di natutulog. Kumuha ako ng cab at sumakay doon. Pumunta ako sa aming bahay dito. Kung bongga at malaki yung sa Pilipinas at States, mas bongga ito. Malaki ito dahil dito dapat kami titira nila papa kaso lang namatay sila sa States. Ilang saglit lang at nakarating na kami sa bahay. Walang tao dito. Walang mga katulong, driver, guard o ano. Di kasi yun uso dito. Masyado atang malaki itong bahay sakin. Wala man lang akong kasama. Bukas siguro ay maghahanap ako ng katulong. Ibinaba ko ang aking gamit at nagbihis. Bukas ko na lamang iyan aayusin.
Jasmine Arevalo calling..

"Hel-"

"Lix si Jazer! Tumakas sa ospital! Hinahanap ka niya!" Sigaw ni Jasmine.

"Hayaan mo. Titigil din yan." Sabi ko.

"Lix, can't you see? Mahal ka talaga nung tao!" Sigaw niya.

"Mapapagod din yan." I sighed.

Kinumbinsi ako ng paulit-ulit ni Jasmine pero di ako nagpatinag. Buo na ang desisyon ko.

Natulog na ako dahil sobrang napagod ako sa lahat. Kailangan ko ng pahinga.

Kinabukasan ay naging abala ako sa mga nagaapply maging katulong, driver, at guard. Ang gwagwapo nilaaa. Kung puro ganito ang kasama ko sa bahay malamang mabilis ako makapagmove on. Hehehe.

Dinama ko ang simoy ng hangin ng California. Tatlong buwan na din pala akong nandito. Unti-unti na din akong nakakalimot sa lahat dahil naging abala ako sa pagmomodel dito. Masaya dito sa California. Puro party, party, at party. Pero nangungulila pa din ako. Ganun pa din ang nararamdaman ko. Di bale na. Magtatagal naman ako dito. Mawawala din ito.

Hindi na nga pala ako naghire ng mga kasama sa bahay. Mas masaya kapag magisa. Nagpapahouse service na lang ako. Di ko na din kailangan ng guard. Di naman uso magnanakaw dito di katulad sa Pilipinas.

Inimbitahan ako ni Barbie sa kanyang party. Sa isang beach ang location non kaya masaya. Maraming gwapoooo. Si Barbie ay isang painter na nakilala ko dahil ginawa niya akong subject sa kanyang painting. Siya ang lagi kong kasama dito sa California dahil kakaunti pa lang ang mga kaibigan ko dito.

"Hey sis! I'm glad you came!" Bumeso siya sa akin habang bitbit ang kanyang wine. Nakabikini na ang lahat. Kailangan ko ng magpalit.

"Of course. I can't say no to you. You know that right? Anyway, I think I need to change. Excuse me for sec." Sabi ko at nagtungo sa Comfort Room. Nagpalit na ako ng itim na bikini at inilugay ang aking buhok. Tutal close naman kami ni Barbie, iniwan ko yung gamit ko sa kwarto niya. May narinig pa akong umuungol sa kabilang kwarto. Hay grabe lang.

Habang tinatahak ko ang daanan, may nakikita akong naghahalikan sa isang gilid, may naghihipuan, nagkikilitian at kung ano ano pa. Sanay na ako dyan. Dapat na akong masanay.

"Ouch!" Sigaw ko. Nabunggo ako ng isang lalaki kaya napaupo ako sa buhangin.

"Sorry. Di ko-"

"Pinoy ka?" Tanong ko.

"Uhm, yeah." Aniya.

"Sa wakas! Makakapagtagalog na din ako!" Sigaw ko. "Uy, okay lang yun! Di naman masyadong masakit e."

Napahawak siya sa kanyang batok at kinagat ang kanyang labi. Ang gwapo! "Ah. Osige. Una na ako."

Ngumiti ako at tumango. Mukang nagmamadali si kuya.

"There you are!" Niyakap ako ni Barbie at iniabot sa akin ang wine. "C'mon! Let's party! Hoooo!"

Tinunga ko ang isang shot at naghead bang "Yeah! Hoooo!"

Sumayaw kami ni Barbie sa buhanginan at tumalon-talon doon. Mapapatalon at sayaw ka talaga dahil ang astig ng Dj dito. Lumalabas ang pagiging party girl ko dito e. Nagkayayaan ang lahat na maglaro ng spin the bottle. Kung kanino matatapat ang bote ay tutungga ng tatlong baso ng beer. Nagtagal kami doon at natapat sa akin ang bote ng 5 beses. Medyo tipsy na ako ng sumayaw ulit kami sa dance floor.

"Let's enjoy this night guys!" Sigaw ng isang lalaking vocalist ng isang banda. Nagsimula na ang tugtugan doon. Umalingawngaw sa beach ang kantang It's my life. Lahat ay nagtatalunan at naghihiyawan doon. Mayroong mga fire dancers sa gilid at sumasayaw ang neon lights. Napatingin ako sa bokalista ng banda. Siya yung kanina ha?

Nakaramdam ako ng kamay sa aking bewang. "Wanna have another drink?" Ani ng isang lalaking di ko kilala. Gwapo ito ha. Hmmm..

"Sure!" Kinuha ko ang shot at tinunga iyon. "Hoooo!" Sigaw ko. Sumayaw kaming dalawa at tumalon talon hanggang sa matapos ang kanta.

"Hey Raquel!" Tawag ni Barbie. Nilingon ko siya at nakitang kasama niya yung vocalist na gwapo. "This is Geo Vasquez, my bestfriend. Geo, this is Raquel Smith." Naglahad si Geo ng kamay at tinanggap ko naman iyon.

"So, you guys want to eat? I'm hungry. C'mon." Hinatak kami ni Barbie sa isang upuan at kumuha ng finger snacks.

"Oh, I changed my mind. I'm thirsty. I'll just get a drink. Bye!" Narinig ko ang halakhak ni Barbie habang siya ay naglalakad palayo. Baliw talaga yun. Nirereto ata sakin tong si Geo.

"Ganyan talaga yan." He chuckled. "She's crazy." Aniya.

"I see. So, Geo Vasquez pala pangalan mo. Ilang taon ka na dito?" Tanong ko.

"5 years old pa lang ako dito na ako. Pabalik balik lang ako sa Pilipinas. Actually, kilala nga kita e. Model ka di ba? Lix Roque right? Bakit sabi ni Barbie Raquel Smith daw?"

"Ah. Oo. Model nga ako dun. Kahit din naman dito sa Cali model din ako. Felix Raquel Smith Roque kasi yung buo kong pangalan. Lix yung tawag sa akin sa Pilipinas tas dito Raquel. Raquel Smith kasi yung screen name ko." Sabi ko at sumubo ng chips.

"Ah. Bakit ka nandito sa Cali?" Tanong niya.

"Gusto ko lang ng bagong buhay." Sabi ko habang nakatingin sa langit. "Ikaw, vocalist ka pala. Anong pangalan ng banda niyo?"

"Myths." Simpleng sagot niya.

"Oh my! Kayo yung nagconcert! Woah! Di kita namukaan. Ikaw pala yung vocalist nun!" Sabi ko.

Napahawak siya sa kanyang batok at ngumisi. "Ah. Oo." Hindi ko talaga maiwasan ang pagtitig sa kanyang muka. May itsura ang isang to. Para siyang may lahi.

"May lahi ka ba?" Tanong ko.

"Yup. Half pinoy, half German." Aniya. "Why?"

Kaya pala ang gwapo. Hindi naman sa hindi gwapo si Jazer, half brazilian yun kaya isipin niyo na lang kung gaano siya kagwapo. Purong pinay ang kanyang mama at brazilian ang kanyang papa. Kung titignan si Jazer, mga kahilera siya nila Fabio Ide at Daniel Matsunaga. Itong si Geo, siguro kahilera niya sina James Reid, Richard Gutierrez. Maputi kasi itong si Geo. Siguro dahil na din nasa Cali. Samantalang si Jazer ay medyo kayumanggi. Medyo maputi siya na kayumanggi. Basta! Yung mga mata ni Geo ay expressive din pero mas expressive yung kay Jazer. Perpekto din naman ang kanyang panga pero mas gusto ko ang pagkaperpekto ng panga ni Jazer. Kung hot itong si Geo, masasabi kong lumiliyab si Jazer. Kahit na maganda ang hubog ng kanyang katawan, para sa akin ay mas hot si Jazer. May something sa kanya na kayang manglusaw ng mga cold na babae gaya ko noon. Teka nga, bakit ko ba siya iniisip?

"Wala lang naman." Sabi ko.

PainlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon