Kinilig
Nagpunta ako sa index salon para magpaayos. Mahaba pa naman yung time ko. Pero dahil may katabing 7 eleven yung index dito sa Karuhatan, syempre bumili muna ako ng makakain. Nakakainip kaya mamaya. Pagkalabas ko ng 7 eleven, natanaw ko ang Holy Family Church. Malapit lang kasi ito dito as in. Tatawid ka lang tas simbahan na. Sa tapat naman nito ay ang Jeepney Market. Ang dami kong naaalala rito. Mga masasayang panahon nung kami pa ni Vaughn. Natatawa na lang ako sa mga ginawa ko. Ang layo na rin pala ng narating ng magulo kong lovelife. Umabot pala ako sa puntong magiging tomboy ako. Ang bilis ng panahon. Sa isang iglap lang, andaming maling nangyari. Gusto ko ng ibalik sa dati ang lahat.
Pumasok na ako sa salon at nagpaayos doon. May nilagay silang treatment sa buhok ko tas parang humaba ito ng kaunti kung kanina mga hanggang batok ito, ngayon sa leeg na. Kinulot nila ito para cute daw tignan. Para na akong si Jessie sa full house. Hehehe.
Lumabas na ako sa salon at umuwi muna sa bahay. Parang tanga nanaman si Jasmine dahil inaalog alog nanaman ako.
"Be! Ang ganda mo talaga! Muka ka na ulit babae! Pero hindi pa din tulad ng dati. Pero magandang start yan!" Aniya at niyakap ako.
Hinampas ko naman ng mahina yung likod niya. "Ang arte mo. Dito kayo matulog mamaya ni Kenth ah? We'll talk later."
"Sure." Ani Jasmine. Kwentuhan mo kami ah?"
"Of course." Tumingin ako sa aking wrist watch at tinext si Jazer na pwede na kaming magdinner. Hindi na ako nagpasundo sa kanya para di ko na siya maabala. Ibinaling ko ang atensyon ko kay Jasmine. "I think I need to go, Jas. Jazer is on his way. Don't forget to invite Kenth! Bye!" Bumeso na ako sa kanya at umalis.
Pagkarating ko sa bull's eye, nakita ko si Jazer sa dulo at si.. Vaughn?
Dali dali akong lumabas at pumunta sa kotse ko. Anong nangyari? Bakit ang 'crush' ko at ang ex ko ay magkasama? Natatakot na tuloy akong maging crush si Jazer dahil baka mamaya may connection pala sila ni Vaughn. Pero naguguluhan talaga ako. Bakit? Bakit sila magkasama?
Aalis na sana ako ng biglang tumawag si Jazer.
"Hello." Aniya. "San kana?"
"Nandito na." Bumaba na ako sa kotse at pumasok sa bull's eye. Nakita na ako ni Jazer kaya ibinaba ko na ang tawag. Wala na si Vaughn.
"Y-you're so pretty." Aniya. Nakaramdam ako ng paginit ng aking muka. Shems! Kinikilig ba ako? Hindi ako makasagot. Anong sasabihin ko? Thank you? Engot ka talaga! Tomboy ka kaya sa paningin niya. "I-I mean, ano? Babae ka na ba?" Aniya at tumawa.
Hinampas ko siya at sinabunutan. Grabe! Bakit ang gwapo niya pa din kahit ang gulo ng buhok niya? Linteeeeek. "Di pa naman. Pero on the way na."
Tumawa siya ng tumawa at tinawag na ang waiter. Umorder siya ng parehas na dish para sa amin at ilang sandali lang ay dumating na ito. Natakam ako kaya kumain agad ako. Ang sarap niya kasi sa mata!
"Hinay-hinay lang. Natuturn on ako sa mga babaeng di maarte e. Yung walang takot tumaba. Sige ka, baka lalo akong maturn on nyan." Aniya. Nabilaukan ako sa kanyang sinabi. Tokneneng! Ano daw? Turn on? LALO?! Whuuuuuut?
Dahil sa pagubo ko, nakaagaw kami ng atensyon. Hay nako! Tumayo si Jazer para himasin ang likod ko at painumin ako ng tubig. Sheeet. Bakit imbis na mahiya ako e kinikilig pa ako at nageenjoy? Boset naman tong kalandian tong nananalaytay sa dugo ko!
"Ang takaw mo kasi e. Ayan tuloy nabulunan ka." Ani Jazer at umiling iling.
Yumuko ako at pinagdutdot ang dalawa kong index finger. Ganyan talaga ako pag napapahiya.
"Tigil tigilan mo yang pagpout mo dyan! Hahalikan kita! Wag ka ring magpacute sakin! May epekto!" Aniya at uminom ng tubig. Seryoso? Gosh! Thank you po sa blessings! Bwahahaha.
"Ha?" Grabe. Hilig ko talagang magHa noh? Wala e. I'm speechless. Kinikilig nga kasi ako! Enebe. Hahahaha.
"Pati yang pamumula ng pisngi mo nakakaewan! Halika na nga! Umuwi na tayo! Baka kung ano pang masabi at magawa ko sayo. Nako, mahirap na." Hinigit niya ako at bumuntong hininga. Wala na akong nagawa kaya umuwi na lang din ako. Nako namaaaan! Bitin e! Joke. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Painless
Romance"How can you know it's love if there's no pain?" nabasa ko ito sa isang libro na nabili ko sa National noong nakaraang araw. Sabi nga nila, kakambal na ng pagmamahal ang sakit. Na kailangan talaga kapag magmamahal tayo ay handa tayong masaktan. Pero...