Flashback 2
Kahit na malapit lang ang Robinsons sa amin ay napagdesisyunan ko pa ding kunin ang kotse ko para mas mabilis. Pinatunog ko ito at lumabas na sa town house. Halos wala pang 3 minuto ng nakarating ako sa Robinsons. Hindi ko pa nga natapos ang kanta ng sikat na banda ngayon na Undefined. Pinatay ko ang aking sasakyan at tumingin muna sa salamin bago bumaba. Sa may tapat ako ng Sta. Cecilla Collage pumwesto para di niya agad ako makita. Halos 20 minutes na akong nakatayo dito kaya nagpasya akong itext siya.
Where are you?
Makalipas ang ilang sandali ay nagreply naman siya.
Almost there. I'm wearing black. How 'bout you?
Nireplyan ko naman siya.
Red. I'll just wait here.
Hindi ko na hinintay na magreply si Vaughn. Pumunta ako sa McDo na nasa gilid lang ng Sta. Cecilla. Pinagigitnaan ang Sta. Cecilla ng McDo at Robinsons at may katapat pa itong Ever shop at Jollibee. Swerte ng mga students dito. Umorder ako ng bundle. 3 float at 1 BFF. Favorite ko talaga ang coke float at fries kaya ayan. Lumabas ako ng McDo habang umiinom at ngumunguya ng fries at float. Halos di nga ako magkandaugaga sa dami ng dala ko. Nagpasya akong iwan ang dalawa pang float sa kotse. Binuksan ko ang cellphone ko at may 5 na messages don. Lahat galing kay Vaughn.
I'm here. ;)
Where are you?
Hey!
I saw you. :) ang dami nun ah. Hahaha. Ang takaw mo pala e.
Tulungan na kita?
Nakangiti ako habang nagbabasa ng text. Hahanapin ko na sana siya ng biglang tumunog ang aking cellphone. May 1 message.
Turn around.
Dahan dahan kong liningon ang aking ulo sa likuran at isinunod ang aking katawan. Nakita ko ang isang lalaki na ubod ng gwapo. Ngayon ko lang nasilayan ang kanyang muka. Para siyang model sa bench! Ang gwapo talaga. Gwapo naman siya nung nagkita kami sa Manila pero madilim nun kaya di ko masyadong naaninag ang kanyang muka. Mas gwapo pa siya! Makalaglag panty ang isang ito. Mukang 22 or 21 na siya. Kitang kita ko din ang muscles niya at ang magandang hubog ng kanyang katawan. Halatang may abs sa loob. Ngumiti ako para di halatang naglalaway ako sa kagwapuhan niya.
"Hi Vaughn!" Bati ko sa kanya sabay kaway.
"Hi Lix! Happy Birthday!" Aniya.
"Shall we go?"
"Sure" aniya.
Pumasok ako sa aking kotse at nagtaka dahil nakakunot ang kanyang noo at nakangisi at nakatayo pa din doon. Binaba ko ang salamin ng aking kotse para makausap siya.
"What are you waiting for? Get in." Utas ko. Natawa naman siya sa sinabi ko kaya napakunot ang aking noo.
"I have my own car, Lix." Natatawa niyang sabi.
"Ohh.. just follow me. Alright?"
"Okay." Aniya. Dalidali niyang pinuntahan ang kanyang kotse at sumakay doon. Pinaandar ko na din ang akin at nakita ko na sumusunod siya. Makalipas ang halos 3 minuto ay nakarating na kami sa gate ng arbor towne. Binaba ko ang salamin para kausapin si manong guard.
"Manong, kasama ko po yung kotse na nakasunod. Papasukin niyo po."
Tumango naman ang driver kaya nagpatuloy kami sa pagtahak ng arbor towne. Bumusina ako kaya lumabas yung katulong para magbukas ng gate. Pinasok naman namin ni Vaughn ang kotse namin at pinark ito. Bumaba na ako at ganun din siya. Nagngitian kaming dalawa. Ewan ko ba pero parang nabuhay yung mga paru-paro sa aking tiyan. Nakaramdam ako ng kilig.
"Let's go." Utas ko sa kanya.
"Okay." Aniya.
BINABASA MO ANG
Painless
Romance"How can you know it's love if there's no pain?" nabasa ko ito sa isang libro na nabili ko sa National noong nakaraang araw. Sabi nga nila, kakambal na ng pagmamahal ang sakit. Na kailangan talaga kapag magmamahal tayo ay handa tayong masaktan. Pero...