Chapter 30

7 0 0
                                    

Yes

Nakatingin ako sa langit na puno ng bituin habang nagmumuni-muni. Ang lamig ng simoy ng hangin. October na kasi. Halos 20 minutes na siguro akong naghihintay dito. Ang tagal naman ng susundo sakin. Binalot ko ang aking sarili ng aking sariling bisig upang maibsan ang lamig na nararamdaman.

"I'm sorry." Umalingawngaw ang isang pamilyar na boses sa aking gilid. Nakita ko si Jazer na nakatayo doon at nakatingin sa akin.

"Asan si manong?" Tanong ko habang dinudungaw ang kanyang likod. "Ikaw ba ang susundo sa akin?"

"Yeah." Matipid niyang sagot.

"Ge." Ganti ko sa kanya. Sumakay na kami ng kanyang kotse at umalis na. Binalot kami ng matinding katahimikan. Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na ganito kami. Parang hindi ko kaya.

Wala akong lakas ng loob magsalita dahil tingin ko ay nagtatampo pa din siya. Parang tanga naman e. Napakaliit na bagay nun para pag-awayan namin. Hindi na ako nakatiis kaya nagsalita na ako. "Sorry." Sabi ko ngunit hindi niya ako tinignan. Nakatingin lang siya sa daan habang seryosong nagmamaneho. "Jazer, ayokong nagaaway tayo. Ang liit liit na bagay nun para pagawayan natin. Alam ko naman na di ka galit e. Nagtatampo ka lang. Jazer, bati na tayo." Inalogalog ko siya habang nakahawak sa malaki niyang braso. Idinantay ko din doon ang aking ulo at nagpout.

"Damn this girl. Hindi talaga kita kayang tiisin." Inihinto niya ang kanyang kotse at nilingon ako. Napangiti ako sa kanyang mga sinabi. Hindi ko lubos maisip na sa edad namin ay ganito pa din kami. Parang mga teenagers. Well, hindi naman talaga masyadong matanda ang 21 at 22.

"Lambing lang pala katapat mo pagnagtatampo e." Sabi ko at sumandal sa kanyang balikat.

"Hindi ako nagtatampo o galit. I'm just guilty." Aniya.

"Guilty?"

"Nevermind. Sorry kasi napahamak ang angel ko dahil sakin. Gabi na pala. You want to sleep in my house?" Aniya. Nakita ko na ang Sm Valenzuela. Hudyat na malapit na kami.

"No. Ikaw na lang ang matulog sa bahay. Wala kasi akong kasama." Sabi ko kaya niliko niya ang kotse papuntang Arbor Towne.

"I can't believe this. Nililigawan pa lang kita tapos ganito na. Paano pa kaya pagtayo na?" Ani Jazer at ngumisi.

"Hoy tumigil ka nga!" Hinampas ko ang kanyang braso kaya tumawa siya.

"Tsk. Napaghahalataan talaga na patay na patay ka sa akin." Aniya at tumawa ulit. Hinampas ko siya hanggang makarating na kami sa aking bahay. Umakyat kami sa aking kwarto at kumuha na ako ng tuwalya.

"Ahm.. Do you have guest rooms here?" Tanong niya.

Kumunot ang aking noo. "Of course we do. Why?"

"D-doon na lang ako matutulog." Sabi niya at tinanggal ang kanyang sapatos.

"Why? I don't want to sleep alone." Binuksan ko na ang ilaw sa banyo at kumuha ko ng isang t-shirt at shorts ni Dad. Inihagis ko iyon sa kanya. "Wear that. Ayokong may katabing mabaho."

"I-I can sleep in the couch. Y-you know. I-I mean-"

"Why?" Tanong ko ng nakakunot ang noo.

"Why not? Ganti niya. "I don't trust myself." Aniya at napahawak sa kanyang batok. Hay nako Jazer! Bat ba ang cute mo?

Natawa ako sa kanyang sinabi. "I trust you." Sabi ko at pumasok sa CR.

Kinaumagahan ay nakita ko ang tulog na muka ni Jazer. Nasanay na ako na lagi siyang natutulog sa bahay dahil halos 5 beses siya sa isang linggo matulog dito simula nung unang beses siyang makatulog sa bahay. Aniya'y mas kumportable daw siya dito kesa sa kanila. Okay lang naman sa akin dahil kahit minsan ay walang nangyari. Kahit siraulo si Jazer, mataas ang respeto niya sa akin. Naalala ko na halos 5 buwan na din pala siyang nanliligaw. At kahit nanliligaw pa lang siya ay ganito na kami.

Hinaplos ko ang kanyang muka kaya nagising siya. Kinusot niya ang kanyang mga mata at ngumiti. "Good morning."

"Good morning!" Masayang bati ko. "What do you want to eat?"

"You." Aniya at tumawa. Hinampas hampas ko siya.

"Shet ka! Wag ka na ngang matutulog dito! Ang aga aga e." Sigaw ko.

Natatawa niya akong niyakap galing sa likod. "I'm just kidding." Aniya.

Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "Jazer, thank you for everything." Panimula ko.

Kumunot ang kanyang noo at natawa. "Mamatay ka na ba? Wag muna ha? Di mo pa ako sinasagot. Papakasalan pa kita. Wala pa tayong anak."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagsasalita. "I'm so happy that I have you in my life. Kahit na ako yung boss, kahit na lagi kitang inaaway, you're still there. Thank you for that. Nakapagchaga ka ng almost 5 months, now I'm giving you your prize. Yes Jazer. Sinasagot na kita. Tayo na. Mark your calendar." Sabi ko at ngumiti.

"Really? I mean, oh god!" Aniya at gulat na gulat.

"Yes, Jazer. Yes."

PainlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon