Bat di mo ligawan?
"Parang kami?" Ani Jazer ng nakangisi. Bakit kinakabahan ako na kinikilig?
"Yup. Minsan nga dinaig niyo pa kami ni Kenth. Di ba beb?" Ani Jasmine at sinubuan siya ng cake. Ang landi lang.
"Oo nga. Bat di mo ligawan tong si Lix?" Ani Kenth. Nanlaki ang aking mga mata at nakaramdam ako ng pag-init ng aking pisngi.
"Ha?" Sagot ko. Bumaling si Jazer sa akin at ngumisi.
"Ito liligawan ko? E mas lalaki pa nga to sakin e." Aniya at tumawa. "De joke lang. We'll see." Dugtong niya.
"Parang tanga kasi yang si Lix e. Nagpakatomboy dahil lang sinaktan siya ni-"
"Ano ba Jas!" Pinutol ko siya dahil ayoko ng balikan ang nakaraan. Kahit pa sabihin nating nakamove on na ako kay Vaughn, syempre takot na akong makaramdam ng sakit kaya ayaw ko na itong pag-usapan.
"Really? Nagkaboyfriend ka na pala Lix. Di kasi halata." Tumawa nanaman si Jazer. Muka ba akong clown? Lagi kasi akong tinatawanan neto e. Or sadyang masaya lang siya pag kasama niya ako. (Kilig pantooog. Lol.)
Nagpaalam na si Jazer dahil may meeting daw sila ng mga investors nila tapos pupuntahan din daw niya yung pinsan niya. Dumiretso na ako sa venue ng photoshoot namin. Hindi ko naman talaga ito trabaho. Libangan ko lang siguro. Ngayon na lang ulit ako nakabalik sa pagmomodel simula nung naging tomboy kuno ako. Paglabas ko sa dressing room, nakita ko si Vaughn na topless at nakajeans. Oo nga pala, model din siya. Jeans ang aming minomodel ngayon kaya ganyan ang itsura niya. Ako naman ay nakajeans din at nakabra lang tapos may jacket. Nilagyan ako ng extensions kaya humaba ang aking buhok. Hindi ko siya pinansin dahil ayaw niya naman sa setup na gusto ko. Manigas siya dyan.
"Okay. Can we start now?" Ani Kyla. Ang baklang tagapamahala. Hahahaha.
Ng maging okay na ang lahat, nagsimula na ang aming photoshoot. Kinuhanan ako ng aking sariling shot. Medyo naninibago ako dahil halos isang taon na din nung huli ko itong ginawa. Pagkatapos ng aming sari-sariling shot ay pinagbreak ay retouch muna kami ni Kyla. Pumasok na ako sa dressing room at nagpamake up na. Ako lang at ang artist ko ang nandito sa loob dahil mas pinili ng iba na lumabas muna at kumain. Busog pa naman ako kaya mas pinili kong manatili na lang dito.
May kumatok sa pintuan at nakita ko ang muka ni Vaughn. Pumasok siya at kinausap si Lian na artist ko.
"Can I talk to her. Private." Aniya. Tumango naman si Lian at lumabas na. Naiwan kaming dalawa ni Vaughn sa loob.
"Why do we need to talk? Is it really important? May gagawin pa ako." Sabi ko at narinig ko ang paghinga niya ng malalim.
"Look Lix. I'm sorry for what happened last time. I didn't mean it. It's just that I want to make things right. I just want to correct my mistakes." Aniya. "Please accept me again." Hinawakan niya ang aking kamay at yumuko.
Tumayo ako para makapagusap kami ng maayos. "Vaughn, you know that I can't do that. It's not easy to trust again. I can forgive but I can't forget the things you've done to me. Vaughn, you're forgiven. But I can't be your girl again. I can't accept you as my boyfriend, but we can be friends." Sabi ko at nginitian ko siya. Ngumiti siya pero isa itong malungkot na ngiti.
"Nagsisisi talaga ako na pinakawalan pa kita. Kung alam ko lang na ganito yung mangyayari, hindi ko talaga gagawin yun." Aniya.
"Vaughn, everything happens for a reason. Maybe we are meant to meet and be together but we're not meant to last forever. Maybe there's someone who'll love you as much as I did and there's someone who'll love me as much as you do." Nakita ko ang pagpatak ng kanyang luha. Hindi ako makapaniwala na yung lalaking nagpaiyak sa akin noon ay napaiyak ko ngayon. Pagdating sa akin wala siyang takot ipakita ang kahinaan niya. Wala siyang takot na ipakita na pagdating sa akin ay taob siya. Na ako ang kahinaan niya. Na seryoso siya sa akin. Pero sana dati niya ito pinakita hindi ngayon na may gusto na akong iba.
"Wala na ba talagang pag-asa? Hanggang kaibigan na lang ba talaga?" Aniya at ngumisi ng malungkot.
"Oo, Vaughn. Hanggang kaibigan na lang talaga. Wala na talagang pag-asa." Sabi ko. Niyakap niya ako at bumulong sa aking tenga.
"I'll do my best to win you back." Aniya at umalis. Yun lang ba talaga ako sa kanya? Trophy?
BINABASA MO ANG
Painless
Romance"How can you know it's love if there's no pain?" nabasa ko ito sa isang libro na nabili ko sa National noong nakaraang araw. Sabi nga nila, kakambal na ng pagmamahal ang sakit. Na kailangan talaga kapag magmamahal tayo ay handa tayong masaktan. Pero...