Chapter 24

6 0 0
                                    

Buntis

Umuwi na ako sa bahay para makapagpahinga. Nakakapagod din pala. Sa susunod na araw na din pala yung report ko. Ang dami kong gagawin.

Pagkahiga ko sa kama ay biglang nagring ang aking cellphone.

Jazer Salvador ♥ calling..

Yeah. May heart talaga yan. Ang landi lang noh? Hahaha. Sinagot ko ito at nakipagkwentuhan sa kanya tungkol sa mga nangyari kanina. Syempre di ko na sinama yung part ni Vaughn.

"Oh model ka pala. Jag pa talaga ha. Bakit dati hindi naman kita nakikita?" Tanong ni Jazer.

"E kasi hindi ka naman nagbabasa ng mga magazines di ba. Yung sa Jag, ngayon lang yan. Dati kasi sa Mega, Yes, Guess at Candy mag lang ako. Tapos pati pala sa Boardwalk. Wala naman akong mga posters kaya di mo talaga ako makikita." Paliwanag ko sa kanya. Bigla siyang tumawa pagkatapos kong magsalita. May saltik ata. "Problema mo?"

Tumawa nanaman siya. Sige lang Jazer. "E kasi naman, ang dami mong sinabi. Kaya gustong gusto kitang kausap e. Di ka boring." Aniya. "O sige na, good night na. Alam ko namang pagod ka e. Salamat sa time, Angel. Good night. Sweet dreams." Aniya at tumawa. Ang bakla talaga neto.

"Okay good night din. Sweet dreams. Bye." Sabi ko ibababa ko na dapat ang tawag pero nagsalita pa siya.

"Wala bang I love you?" Sabi niya at humalakhak. As in halakhak.

"Hoy! Tigilan mo ako. Bye." Binaba ko na ang tawag dahil baka maamin ko pa na crush ko siya. Nako mahirap na, baka lumaki pa ang ulo nun.

Natulog na ako at nagising ako dahil may humahaplos sa aking muka. Paggising ko ay nakita ko ang muka ni Jazer. Nakangisi siya sa akin. Feeling ko ang panget ko kaya nagtakip ako ng kumot.

"Good morning, Angel. Luneta tayo?" Aniya. Tinignan ko ang orasan sa aking gilid at nakita kong 4 pa lang ng umaga. Problema neto?

"Hmm.. I'm still sleepy. Maya na lang." Sabi ko at tinalikuran siya.

"C'mon. Kapag hindi ka bumangon dyan hahalikan kita." Aniya at tumawa.

Okay lang sakin Jazer! Hinding hindi na talaga ako babangon kung ganon ang premyo! Hindi na lang ako gumalaw dahil ang totoo ay pagod na pagod talaga ako. Bukas ay may report pa ako kaya gusto ko munang magpahinga ngayon.

Hinaplos ni Jazer ang aking braso at hinalikan ito hanggang balikat. Nagtindigan lahat ng aking balahibo. OMG! Di pa ako handa. I'm still young!

Narinig ko ang pagkalabog ng pinto at umalingawngaw ang isang sigaw.

"OMG Jazer! Walangya ka! Rapist ka!" Sigaw ni Jasmine at nararamdaman kong hinahampas hampas niya si Jazer dahil umuuga ang kama. Bahala kayo! Gusto kong matulog. Walang kahit anong mapapabangon sa akin dito.

"Jasmine ang baby naten!" Umalingawngaw ang sigaw ni Kenth sa aking kwarto. Teka, ANO DAAAAW?

"ANOOOOOO?" Sigaw ko at nakita kong inawat ni Kenth si Jasmine. Si Jazer naman ay nakangisi dahil galing pa sa pagtawa samantalang ako, ganto ang face. 'OoO'

Hindi nila ako pinansin. "Sabi ko naman sayo lagi kang magiingat." Ani Kenth at dinala na si Jasmine papalabas.

"Hoy teka nga!" Tumayo na ako sa kama at tumakbo papunta sa kanila. "Anong baby? Anong mag-ingat?" Nagtatakang tanong ko.

Ngumisi sa akin si Kenth at idinikit niya sa kanya si Jasmine na parang pinoprotektahan niya. Ang sweeeeeet. "She's pregnant" ngumiti rin sa akin si Jasmine.

"OMG BESTYYYYYY! Magiging nanay ka na! Gosh! Congrats talaga! Ilang months na?" Tanong ko.

Hinawakan ni Kenth ang kanyang tiyan at nagngitian sila. "3 months. Umuumbok na nga di ba?"

"Oo nga e. Nako! Excited na akong malaman kung girl ba o boy! Ninang ako ha! Tsk. Kaya pala ang weird weird mo nung mga nakaraang araw e. Naglilihi ka na pala. Nako bes! Excited na talaga ako!" Sabi ko at tumalontalon. May baby na kami! Hooray!

PainlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon