Crush
Tatlong linggo na rin ang nakalipas simula nung nangyari yun. Di pa din ako kinocontact ni Vaughn. Kahit na sinaktan niya ako noon, gusto ko pa din siyang maging kaibigan.
Nakahiga ako sa kama dahil wala talaga akong magawa ngayong tanghali. Nakakatamad gumala kasi sobrang init sa labas kaya nagbababad nalang ako sa aircon dito sa kwarto ko habang inaayos yung proposal ko.
Jazer Salvador calling..
"Hello." Halos ilang araw na din kaming ganito ni Jazer. Nagtatawagan, nagtetextan. Minsan nga skype pa e.
"How are you?" Aniya. Tinabi ko muna ang laptop ko. Mamaya ko na ito gagawin.
"I'm good. Di ka tumawag kahapon ah. Kamusta?" Nasanay kasi ako na araw-araw siyang tumatawag kaya ganun. Hehehe.
"Ah. Sinundo ko yung pinsan ko galing sa states e. Sorry. Hahaha. Miss me?" His laugh! Music to my ears~ ay! Erase erase!
"Hmm.. not really." Natawa naman siya. Grabe. Ang sexy ng tawa niya. Gosh! Ang manyak ko na. Nahahawa na ako sa manyak na to.
"Oooh. I don't think so. Hahaha. Be careful, Felix. You might forget that you are a lesbian." Tumawa nanaman siya. Hay! Manyak na nga mayabang pa!
"Ang yabang mo! Kala mo gwapo ka? Muka kang labanos no! Ang manyak mo pa! Di porket gwapo ka e mangmamanyak ka na ng babae! Nakita kita nung nagbar tayo!" Sobrang manyak talaga yan grabe! Daming kabalastugan sa phone, sa kwarto, pati sa laptop! Tas hinapuan niya pa yung babae sa bar. Hays.
"Selos ka? Ang gwapo ko talaga!" Aniya. Pumasok si Jas sa aking kwarto. Pinapunta ko kasi. Pero kanina pang 9 ng umaga yun tas 3 na dumating. Matinde talaga. Tinignan niya lang ako at nagngiting aso. Inirapan ko nga.
"Ako? Hahaha. Kadiri ka naman! Parehas tayong gwapo dude." Kinalabit ako ni Jas at nagsalita pero walang boses.
"Ls mo be." Ani Jas. Niloudspeaker ko naman ito kaya naririnig niya ang pinaguusapan namin.
"Tss. Maganda ka, Angel." Aniya. Inugauga ako ni Jasmine at nagpipigil tumili. Kinikilig ang gaga.
"E kung sinapak kita? Di ako bakla!" Tinulak ako ni Jasmine at inirapan. Parang tanga.
"E kung halikan kita?" Napakagat ako sa labi ko. Si Jasmine ay naghaharumentado sa gilid. Shet. Bakit uminit yung dibdib ko? Packing tape! Di ako bakla!
"Ano babae ka na ba ulet?" Aniya. Shakkks. Di pala ako nakapagsalita dahil sa kilig. Teka? Kilig? Kilig ba talaga yun? Si Jasmine naman parang tanga na tumatalon talon sa gilid at nagwawala na. Pigil na pigil e. Sinabunutan ko nga para tumigil. Nagtampo si Jasmine dahil nasaktan siya sa ginawa ko. Nilapag ko muna ang phone at nagsorry kay Jas ng walang boses.
Hindi ko nasagot si Jazer kaya patuloy siya sa pagsasalita.
"Hoy Felix!"
"Hoy buhay ka pa ba?!"
"Pakshet naman. Nakakatampo ka e. Minsan na lang naman tayo mag-usap."
Tumayo si Jasmine at pumunta sa pintuan.
"Ge bye na."
Ayokong lumabas si Jas dahil baka di na kami magpansinan nun kaya sumigaw na ako.
"Oy sorry na! Di ko sinasadya! I love you!"
"Ano? Mahal mo ako?" Ani Jazer.
Ano daw? Bumalik si Jasmine at niyugyog ako. Anyare? Shet!
"Ha?" Grabe. 'Ha?' Na lang talaga ang nasasabe ko e. Hahaha.
"Ikaw talaga, Angel. Pinagnanasaan mo pala ako ha." Aniya at tumawa. Tinulak nanaman ako ni Jasmine. Bat ko ba bestfriend to? Brutal masyado.
"Hoy! Assuming ka! Si Jas nagtatampo e. Nandito kasi siya ngayon." Sabi ko at binatukan si Jas.
"Sayang. Kala ko yun na e." Aniya. Anong yun na? "Dinner tayo sa bull's eye." Owkay. May naaalala ako.
Tumingin ako kay Jas na tumatango tango. Okay fine. "Sure. Bihis lang ako. Text na lang kita pagokay na ako."
"Alright. Bye Angel. See you." Aniya at pinatay ang linya. Pagkapatay niya nito ay naging wild lalo si Jas. Parang tanga talaga grabe.
Ewan ko pero natataranta ako. "Jas! Anong susuotin ko? Magiiskater skirt ba ako or shorts or dress?!"
"Gaga! Pano ka maggaganun kung puro panlalake yung damit mo?" Aniya. Oo nga noh?
"Meron sa storage room." Sabi ko kaya dali dali kaming pumunta doon.
Napili ko ang isang long sleeves na blue na hanggang ilalim ng pwet at shorts. Muka akong walang pambaba sa suot ko.
Dali dali kaming nagpunta sa kwarto at umupo ako para mamake upan na at maayusan.
"Para kang tanga." Ani Jasmine.
Kumunot ang noo ko. "Bakit?"
"Di ba nga lalaki ka? Gaga ka na ba? San ka nakakita ng tomboy na ganyan ang suot? Tas balak mo pang magpaayos. Yung totoo?" Ay tanga. Oo nga pala.
Hindi ko siya pinansin at ako ang nagmakeup sa sarili ko. Light lang naman. Yung buhok ko naman ay medyo mahaba na. Halos pwede na itong iapple cut. Konting magic magic lang ng mga parlorista at hahaba na ito. Tutal naman at mamayang gabi pa yun, magpapasalon muna ako.
"Bakit ka ba nagpapaganda?" Tanong ni Jas. Di ko siya kinibo at pinatunog ko na ang kotse ko. Bahala siya. Pasakay na sana ako pero dinugtungan niya yung sinabi niya. "Nagpapaganda lang naman tayong mga babae kapag may kailangan tayong pagandahan. Dinner lang naman yung pupuntahan mo tas magpapasalon ka pa! Nako, crush mo na si Jazer! Sinasabi ko na nga ba!" aniya. Natigilan ako sa kanyang sinabi. Totoo kaya? Crush ko na ba?
BINABASA MO ANG
Painless
Romance"How can you know it's love if there's no pain?" nabasa ko ito sa isang libro na nabili ko sa National noong nakaraang araw. Sabi nga nila, kakambal na ng pagmamahal ang sakit. Na kailangan talaga kapag magmamahal tayo ay handa tayong masaktan. Pero...