Chapter 32

4 0 0
                                    

Karamay

Nandito nanaman ako sa bar ngayon. Walang kasama, nag-iisa. Gusto ko sanang tawagan sina Jas para masamahan ako kaso naalala ko na buntis nga pala siya. Hindi niya ako madadamayan ngayon.

Iniisip ko na kasalanan ko din naman kung bakit nagkaganoon si Candice. Dahil naman kasi talaga iyon sa akin. Alam kong minahal niya ako at isang malaking kahihiyan ang mainlove sa kapwa mo babae.

Halos isang taon na ang nakaraan simula ng nagkakilala kami ni Jazer. At sa isang taon na iyon ay minahal ko na siya ng lubusan. Sa kabila ng pagiging matampuhin niya at abnormal ay minahal ko siya ng lubos pa sa aking sarili. Siya kasi yung taong di mahirap mahalin dahil napakabuti niya. Pero lahat pala iyon ay peke.

Naiiyak ako habang inaalala ko kung paano niya paulit-ulit na sinasabing mahal niya ako. Na magtiwala ako sa kanya kahit anong mangyari. Jazer, kung mahal mo talaga ako, paano mo ito nagawa sa akin?

Patuloy ang paglandas ng aking luha habang nagiisip ako ng sagot sa aking tanong. Wala akong maisip na dahilan. Siguro ay inutusan lang talaga siya ni Candice at pinagtripan niya lang talaga ako. Siguro ay loko loko lang lahat ng iyon. Pero sa kabila ng lahat, umaasa pa din ako na sana kahit papaano ay minahal niya ako. Sana sabay kaming nahulog. Pero gaya ng dati, walang magagawa ang sana. Dahil nangyari na.

Nilunod ko ang aking sarili sa alak gaya ng dati kong ginagawa. Pagkatapos nito, iiwan ko na ang Pilipinas.

Mahal na mahal ko si Jazer. Kapag pumipikit ako ay naaalala ko ang kanyang perpektong muka. Ang kanyang matangos na ilong, ang mahahaba niyang pilikmata, ang guhit ng kanyang labi, ang perpekto niyang panga at ang kanyang matang punong-puno ng ekspresyon. Pati ang hubog ng kanyang katawan at ang kanyang tangkad ay naaalala ko din. Hindi ko alam kung nandito ba siya dahil naririnig ko ang kanyang boses at naaamoy ko ang bango ng kanyang katawan. Luminga linga ako upang hanapin siya. Nagbabakasakaling nandito siya upang sunduin ako at gisingin sa aking panaginip. Ngunit wala. Walang bakas niya.

Gusto kong magexplain siya. Gusto kong makiusap siya na wag ko siyang iwan, gusto kong balikan siya. Gusto kong patawarin siya. Pero hindi sapat ang aking pagmamahal sa kanya para makalimutan ang sakit. Ang labis labis na pagmamahal ko sa kanya ay lalong nagpapasakit sa aking nararamdaman. Nakakapagod na.

Umuwi na ako sa bahay at naligo para mahimasmasan ako. Naisipan ko na ding magkape. Habang ako ay nagkakape, may luha nanamang lumandas sa aking pisngi. Nababaliw na ata ako. Bakit lagi na lang ako nasasaktan? Bakit ganito? Parang kailan lang ay masaya ako tapos ngayon, ganito nanaman. Tinext ko si Jasmine at si Kenth. Sila na lang talaga ang meron ako.

Ako:
Good morning Jas! How are you? Alam kong madaling araw na. Kailangan ko lang talaga ng kausap. Can you visit me here in my house? Please! This is important. I really need your help. See you! Love you.

Ako:
Hey Kenth! I miss you guys! Can you visit me here in my house. Tomorrow, 10 am. I already texted Jas pero di ko nasabi yung oras. Punta kayo please? Kailangan ko ng kausap. Asahan ko kayo ha? Thanks! Love you.

Natulog na ako dahil madaling araw na. Kailangan ko ng lakas bukas. Alam kong walang katapusang iyakan nanaman ang mangyayari bukas. Kailangan ko ng lakas.

"Lix! Anong nangyari?!" Nakita ko si Jas na medyo malaki na ng tiyan. Nagmamadali siyang tumakbo kasama Kenth. Naabutan kasi nila akong nakaupo sa kama at umiiyak.

"Anong nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ni Kenth.

Tingnan ko lang silang dalawa at yumuko muli at umiyak.

Kumuha si Jasmine ng salamin at iniharap iyon sa akin. "Tignan mo nga yang muka mo!"

Nakita ko ang aking sarili. Magulong buhok, namumugtong mga mata, at sabog na muka ang bumungad sa akin.

"Ganyan ka e. Ganyan ka pagnasasaktan ka. Pinapabayaan mo ang sarili mo. Bakit ka ba kasi umiiyak? Nag-away kayo? Kakasagot mo lang kahapon ah." Ani Jasmine.

Kinuwento ko ang lahat ng nangyari. Lahat ng mga nalaman ko kahapon ay sinabi ko sa kanila.

"I'm gonna punch him. No, I'll break his face." Ani Kenth.

Patuloy ako sa aking pag-iyak. Pakiramdam ko ay isinumpa ako pagdating sa pag-ibig.

Niyakap ako ni Jasmine kaya lalo pa akong naiyak. "Alam kong masakit pero kailangan mong magmove-on."

"Alam ko. Pero iba to, Jas. Alam ko sa sarili ko na siya lang ang minahal ko ng ganito. Siya lang ang mamahalin ko ng ganito. Hindi ko siya kayang pakawalan. Mahal na mahal ko Jas. Kahit na sinaktan niya ako mahal ko pa din. Shit!" Sabi ko. Patuloy ang pagiyak ko. Hindi ko siya kayang bitawan kahit pa sinaktan at niloko niya ako.

"Lix, life is unfair. You know that right? Maybe you're in the right time but you're with the wrong person or worse, maybe you're with the right person but not in the right time. All you have to do is to accept everything. Just go with the flow. I know it hurts inside, but you need to accept it. Pain can help you to be a better person because you will learn a lot from all the pain you've been through. Nandito lang kami." Ani Jasmine. Niyakap nila ako ni Kenth.

"Thank you." Laking pasasalamat ko talaga dahil dumating sila sa buhay ko. Kahit na sobrang sakit ng mga nangyari sa akin, hindi pa din pala ako pinapabayaan ni Lord magisa. Nandito pa din pala sila na dadamayan ako lagi.

"Lix, alam mo dapat kapag sinaktan ka, wag mong hayaan na magmuka kang mahina. Niloko ka? Ipakita mo na malakas ka. Dahil yun ka. Yun ka dapat. Natural lang sa babae na umiyak dahil hindi naman tayo pinanganak na malakas pero dapat kapag katapos mong umiyak, ayos damit, punas luha, ayos muka, at ipakita mong di ka mahina. Ipakita mo na di ka dapat binabasta basta. Kailangan magsisi siya na iniwan ka niya." Ani Jas.

Tinitigan ko si Jasmine at napangiti. Tama siya. "Anong plano mo?" Tanong ni Kenth.

"Aalis muna ako sa Pilipinas. Kailangan kong magbagong buhay. Kailangan kong ayusin ang sarili ko. Kailangan ko ng bagong lugar. Sawa na ako sa Pilipinas dahil puro sakit lang naman ang idinudulot nito sa akin." Sabi ko.

"Saan ka pupunta? Paano na ang baby ko? Di ba ninang ka?" Tanong ni Jas.

"California or Canada siguro. May bahay din kami dun e. Jas, babalik naman ako dito. Pero di ko talaga maabutan yung binyag. Di pa ako maayos nun. Wag kang mag-alala. Magpapadala ako ng regalo at syempre lagi tayong maguusap sa skype."

"Fix yourself then. We'll buy your tickets. Pupunta din kami sa doctor ni Jas. Magpapacheck kami." Ani Kenth.

"Kailangan mo ng magmature. Twenty one ka na Lix. Di ka sixteen!" Ani Jas.

Tama. Dapat di na ako isip bata. Kailangan ko ng magmature.

PainlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon