Confession
Tumunog ang cellphone ni Jazer habang kumakain kami dito sa Bull's eye. Aniya'y celebration daw ito dahil sinagot ko siya kanina.Tinignan niya sandali kung sino ang nagtext at di ito pinansin.
"Sino yun?" Tanong ko.
"My cousin." Aniya at sumubo ng pagkain.
"Anong sabi?"
"Birthday niya ngayon. Pinapapunta ako. Ayokong pumunta." Aniya at kumunot ang noo.
"Bakit? Gusto kong pumunta. I want to meet her. I think she's nice like you. Punta tayo!" Nagmakaawa ako sa kanya hanggang sa pumayag siya. Pumunta muna kami sa Sm para makabili ng ireregalo sa kanya. Pagkatapos nun ay nagtungo na kami sa bahay daw ng boyfriend ng pinsan niya. Dun daw kasi gaganapin yung birthday ng pinsan niya. Heavy traffic sa McArthur Highway at sa Karuhatan kaya natagalan kami. Habang nakahinto ang kotse ay nagsalita si Jazer.
"Angel, always remember that I love you and it's true." Hinaplos niya ang aking kamay. "Angel, please trust me. No matter what will happen, just trust me okay?" Ani Jazer.
Kumunot ang aking noo. "Of course I will always will. Mahal kaya kita." Sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi.
Huminga siya ng malalim. Bakit parang may kakaiba? Siguro may surprise sa akin si Jazer dahil kanina pa siya di mapakali. May tumawag sa kanya at sinagot niya naman ito.
"Hello-oo-may choice ba ako?-oo na-bye." Aniya.
Kiniss ko ulit siya sa kanyang pisngi. "I love you." Sabi ko. Nararamdaman ko na may surprise talaga siya sa akin. Grabe Jazer! Kakasagot ko pa lang sayo kanina may ganito na agad? Hay. Kaya mahal na mahal kita.
Ngumiti siya. "I love you too." Aniya at hinalikan ako sa noo.
Umandar na kami at nakita kong papasok kami sa may Flying V. Naaalala ko ang lugar na ito dahil malapit dito si Vaughn.
"Sorry, but I really need to do this." Piniring ako ni Jazer gamit ang isang bandana. Sabi ko na nga ba e. May surprise nga! Kinikilig ako!
"Mahirap to para sa akin, Angel. Kung alam mo lang." Aniya sa seryosong tono.
"Grabe ka naman! Piniring mo lang ako e. Ang oa mo naman." Sabi ko at natawa.
Naramdaman ko ang pagtigil ng kotse ni Jazer at ang pagbukas niya ng pinto. Inalalayan niya ako para makababa.
"We're here. Saglit lang." Inalalayan niya ako para makapasok sa gate. "Angel, mahal na mahal kita." Aniya at pumasok na kami sa pintuan.
Hinubad niya ang aking piring. Wala akong nakitang decorations, walang party, walang bakas ng sorpresang iniisip ko. Isang pamilyar na babae at isang pamilyar na lalaki lamang ang nakita ko.
"Lix?" Ani Vaughn.
"V-Vaughn? What are you doing here?" Nagtataka kong tanong.
"Angel, I love you." Bulong ni Jazer sa aking gilid.
Nagtataka ko siyang tinignan. Nagsalita ang isang pamilyar na babae.
"Long time no see, Felix." Ani Candice.
"Candice? Vaughn? J-Jazer, asan ang pinsan mo? Bakit tayo nandito?" Tanong ko.
"I told you, Felix. I'm gonna win this round." Aniya.
"What?" Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Hindi ko na alam. Ang makitang magkasama si Vaughn at Candice ay wala naman para sa akin. Baka sila na? Pero ang malaman na si Candice ay pinsan ni Jazer ay hindi ko maproseso sa aking utak. Naguguluhan ako. Ano bang ibig sabihin ng mga ito? I need answers.
"Ex mo si Vaughn di ba? Ang dahilan kung bakit ka nagpakalalaki kaya naging ex mo din ako. Look, ang dalawa mong ex ay magOn na. Aren't you happy?" Aniya at ngumisi at itinaas ang kanyang kilay. Nakita ko ang ekspresyon ni Vaughn habang nakapulupot sa kanyang braso si Candice. Poker face. "And ako nga pala yung pinsan ni Jazer na sinaktan mo noon. Na niloko mo."
"What? Candice, look I'm sorry for what I've done. Masyado akong nasaktan noon kaya di ko alam lahat ng mga ginagawa ko. Alam kong nagkamali ako dahil naging mabait ka sa akin pero niloko kita at sinaktan. Patawarin mo sana ako." Sabi ko. Ngumisi siya at umirap.
"No need to say sorry. Nakabawi nanaman ako sayo." Ani Candice.
"Candice." Tawag ni Jazer.
Hindi namin siya pinansin. "W-what do you mean?" Nagtataka kong tanong.
"Felix, kung nasaktan ako dahil sa panloloko mo noon, mas lalo kitang sasaktan ngayon. Magpinsan kami ni Jazer at inutusan ko siya na lokohin ka. Planado lahat. Yung sa epipe, sa bar, yang relasyon niyo, at ang pekeng pagmamahal niya sayo. Kaya mabilis ang lahat, kasi minadali ko. Niloko ka niya! Niloko kita! Niloko ka namin gaya ng panlolokong ginawa mo sa akin!" Sigaw niya.
"Hindi totoo yan! Mahal ako ni Jazer!" Sigaw ko.
"Why don't you ask him?" Aniya at ngumisi.
Nakayuko si Jazer at hindi ako matingnan. "Jazer? T-totoo ba? Please, sabihin mong joke lang to." Sabi ko.
"I'm sorry." Ani Jazer. Hinawakan niya ang aking kamay ngunit nagpumiglas ako.
"So, pano ba yan? Kasinungalingan lang pala lahat ng to. Niloko niyo lang pala ako. Well, di ko rin naman masisisi si Candice dahil manloloko din ako pero shit! Nasaktan din naman ako kaya ko ginawa yun! Biktima lang din naman ako! Matatanggap ko na ginanito niyo ako dahil may kasalanan naman talaga ako! Pero yung sayo mismo nanggaling na hindi totoo ang lahat, shit ang sakit! Minahal kita, Jazer! Mahal na mahal! Akala ko minahal mo din ako, pero hindi pala. Loko loko lang pala ang lahat." Sabi ko.
"Lix." Tawag ni Vaughn.
Hinawakan ni Jazer ang aking braso at nagpumiglas ulit ako. "Angel, please pakinggan mo ako. Totoong minahal ki-"
"Wag mo akong maAngel angel! Tigilan mo ako! Sawang sawa na akong makinig sa mga kasinungalingan mo! Akala ko ikaw na e! Akala ko di mo ako sasaktan! Manloloko ka! Sawang sawa na akong masaktan! Tama na please! Tigilan niyo na ako! Nasaktan na ako! Di pa ba kayo masaya!?" Bumuhos ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. Akala ko hindi na ako iiyak. Pero heto nanaman ako. Umiiyak nanaman.
"Serves you right." Ani Candice.
"I'm sorry. I love you, Angel." Ani Jazer.
Umalis na ako sa Sandem Homes kung saan nakatira si Vaughn. Sobrang sakit ng ginawa
nila sa akin. Mas matindi pa ito nung nagbreak kami ni Vaughn. Sa sobrang sakit nito ay parang wala na akong emosyon na nararamdaman. Nakakasawa ng umiyak. Nakakasawa ng masaktan.
BINABASA MO ANG
Painless
Romance"How can you know it's love if there's no pain?" nabasa ko ito sa isang libro na nabili ko sa National noong nakaraang araw. Sabi nga nila, kakambal na ng pagmamahal ang sakit. Na kailangan talaga kapag magmamahal tayo ay handa tayong masaktan. Pero...