Chaper 14

5 0 0
                                    

Kiss

Apat na buwan na din ang nakakaraan simula nung dumating ako dito sa Pilipinas. Syempre ipinagpatuloy ko pa din yung pagiging jerk ko. Mas marami palang nagpapaloko dito. At isa ako sa kanila.

Nasa bar nanaman ako at umiinom tulad ng madalas kong ginagawa. Naisipang ko munang lumabas para manigarilyo dahil nasusuka na ako sa sobrang dami kong nainom.

Habang nagmumuni-muni ako, naisip ko na ang dami ko na palang naranasan na masasakit na bagay sa buhay ko. Minsan lang pala ako naging masaya. Yung buhay ko pala punong-puno ng kalungkutan. Lagi na lang pala ako nasasaktan. Sana dumating yung araw na wala ng sakit. Wala ng lungkot, takot, dusa at hinagpis.

Nawalan ako ng mga magulang, nawalan ng kaibigan, niloko ng lalaking pinakamamahal, iniwan din ako ni Yaya Bebs, tapos nasira din yung buhay ko. Hindi ko na alam. Siguro kung wala si Kenth sa tabi ko ay nagpakamatay na talaga ako. Sana naman dumating na yung taong magpapasaya sa akin. Alam ko naman na kapag dumating yung tao na yun, masasaktan at masasaktan pa din ako. Parte na yun ng buhay e. Pero handa akong masaktan kung ang kapalit naman nito ay abot langit na kaligayahan. Kung ganon lang din naman ang premyo, walang dahilan para hindi ako lumaban. Walang dahilan sumuko dahil alam mo sa dulo, worthy lahat iyon.

Siguro kaya ayaw kong sumuko sa buhay ko ay dahil umaasa pa din ako na darating yung araw na sasaya din ako. Na may magmamahal sa akin ng totoo. Kapag iniisip ko yun, alam ko sa sarili ko na gusto ko pang mabuhay. Wala namang masama mangarap, ang masama e nangagarap ka tapos di ka naman gumagawa ng paraan para matupad yung mga pangarap mo. Sabi nga nila, hindi ka makakarating sa gusto mong puntahan kung hindi ka hahakbang, kung hindi ka maglalakad, kung wala kang gagawin, kung hindi ka kikilos.

"Mukang malalim ang iniisip mo ah." Ani ng lalaking di ko naman kilala. Bigla na lang ako kinausap. Close ba kami?

Hindi na lang ako kumibo at pinagpatuloy ang paninigarilyo. Sorry, I don't talk to strangers.

"Tsk. Naninigarilyo ka na pala." Aniya. Seriously, magkakilala ba kami neto? Kung makaasta dinaig pa bestfriend ko ah.

"Kilala ba kita pare?" Tanong ko. Hindi ko din kasi masyadong makita yung muka niya dahil madilim dito sa labas.

"Grabe! Di mo na talaga ako naaalala? Chaka wag mo akong mapare-pare dyan! Kilala kaya kita." Aniya.

Di ko talaga mamukaan e. Pero parang pamilyar din siya sa akin. Di ko lang talaga alam kung saan kami nagkakilala. "Di talaga kita maalala e. Sino ka nga ulit?" Tanong ko.

"Jazer."

Loading..

Loading..

Jazer? May kilala ba akong ganun?

"Ikaw talaga Angel! 4 months lang tayo di nagkita kinalimutan mo na yung bestfriend mo!" Natatawang sabi niya. Oh okay, naalala ko na siya.

"Hala bakla! Di kita namukaan! Sorry hehe." Natatawang sabi ko.

"Bakla? You want me to kiss you?" Aniya. Ha? Ano? Kiss? Hala!

Naramdaman kong nagiinit ang muka ko. Argh! Itong Jazer na to! Manyak talaga!

"Gusto mong makakita ng kamao na lumilipad papunta sa muka mo?!" Sabi ko. Tumawa naman siya. Abat! Loko to ah!

"Ayoko. Gusto ko yung labi mo ang lilipad at lalanding sa labi ko." Aniya at ngumisi.

"Hoy! Tigilan mo ako! Lasing ka na, Jazer!" Sigaw ko. Ngumisi siya ulit at kinagat ang kanyang labi.

"I'm not. Gusto mo ikaw ang lasingin ko? Nakakalasing pa naman ako humalik." Natatawang sabi niya. Hayop na to! Manyak talaga ew!

"Yuck! Kadiri ka dude! Ano lalaki sa lalaki?" Sigaw ko. Lasing na talaga tong inutil na to!

"Hindi ka naman lalaki." Aniya at hinawi ang kanyang buhok. Grabe! Nasabi ko na bang ang gwapo niya. Well, just sayin'.

"Lalaki ako! Baka gusto mong sapakin kita pare!" Inilapit niya sa akin ang kanyang katawan. Grabe! Ang tigas! Nako baka makalimutan ko na lalaki ako. "Hoy! Tigilan mo ako! Bakla ka ba ha? Biti-" hindi ko na natapos dahil hinalikan na niya ako. Mga ilang segundo din bago siya nagsimulang gumalaw at hindi ko namalayan ang aking sarili na tumutugon sa kanya. What's happening?!

PainlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon