Akala
Bumaba ako sa sala at naupo doon. Nagpahanda ako kay Yaya Pat ng aking breakfast at nagsimulang magdutdot ng aking cellphone. Una kong chineck ang messages. Nakita ko doon ang mga texts nina Kate, France, Jasmine, Kenth at Alvin. Isa isa ko naman silang nireplyan pero yung kay Jasmine, hindi ko pinansin. Nakita ko din na may 34 missed calls galing kina France, Kate, Jun, at Kenth. Chineck ko ang aking facebook at sobrang daming notifications. Siguro nakita at nalaman na nila na ganito ang itsura ko at nasa New York na ako. Chineck ko din ang twitter at instagram account ko. Binaha ako. Dumating na yung breakfast na pinahanda ko kay Yaya Pat. Kakain na sana ako ng biglang..
"Bebs!!" Ani Kuya Dan at naagaw ang atensyon naming lahat. Inatake si Yaya Bebs kaya sinugod namin siya agad sa ospital. Tarantang taranta kami dahil biglaan lahat ng nangyari. Si Yaya Pat ay hindi mapakali at palakad lakad habang ako naman ay umiiyak. Si Yaya lang ang kakampi ko sa kahit anong laban. Di ko kaya kung mawawala siya. Lahat na nawala sa akin. Wag naman pati si Yaya Bebs.
Tinawagan ko si Kenth dahil alam kong mapapakalma ako ng ng bestfriend ko. Limang beses itong nagring bago niya sinagot. "Hello." Aniya sa kabilang linya. Di ko napigilang humagulgol kaya nataranta si Kenth.
"Hey what's wrong? Why are you crying? What happened?" Aniya.
Patuloy pa din ako sa paghagulgol at nahihirapan na akong huminga. "K-kenth.. si Yaya.. B-bebs s-sinugod namin sa o-spital. Bigla na lang siyang b-bumagsak. K-kenth nata-takot ako. Ma-hal na mah-al ko si Y-yaya, Kenth." Sabi ko at patuloy pa din sa paghagulgol.
"Shh. Stop crying. Everything will be all right, Lix. I know Yaya Bebs will fight for you and she'll never give up because she doesn't want to see you cry." Aniya. Alam talaga niya kung paano ako mapapakalma.
"I hope so." Sabi ko at pinunasan ang aking luha.
"Just pray, Lix." Ani Kenth. "C'mon, let's pray" aniya.
"Okay" sagot ko at nagsimula na siyang magdasal.
"Lord, first of all, thank you for everything that you have given us. Thank you for being there whenever we need you. Lord, sorry for all the sins that we've said and done. Lord, I'm praying for Yaya Bebs who is suffering now because of her disease. God please heal her. Give her strength, and guide her. Please save her from death and do not let her die now because Lix still need her. Lord, we are expecting for the worse, but hoping for the best. No matter what Your decisions would be, we are still thankful because we know that you have better plans. These are all we pray in Jesus name. Amen." Ani Kenth.
"Amen." Sambit ko. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil alam ko na papakinggan niya ako. Pero di pa din ako nakakasigurado. "Kenth." Tawag ko.
"Hmm?" Aniya.
"You think that will work?" Tanong ko. Di talaga ako yung tipong madasaling tao. Hindi rin ako mahilig pumunta sa simbahan. Alam kong malaki ang pagkukulang ko sa Kanya kaya natatakot ako at baka hindi Niya ako pakinggan.
"Of course. Never underestimate the power of prayers, Lix. Wala ka bang bilib sa Kanya?" Tanong niya.
"Hindi naman sa ganun. Pero kasi di ba ang dami kong pagkukulang sa Kanya. Baka hindi niya ako pakinggan." Sabi ko at nakita kong lumabas ang doctor. "I'll call you later, Kenth. Lumabas na yung doctor." Binaba ko na agad yung tawag at hindi na hinintay ang sagot ni Kenth. Agad kong kinausap ang doctor na di ko mawari ang muka.
"How is she? She's safe now, right? Is she awake? Can I see her? Can I talk to her?" Tanong ko sa doctor. Sana okay na ang lahat. Sana pinakinggan Niya ako.
"I'm sorry miss. Your Yaya died because of heart failure. We did our best to save her but I think it's her time already. I'm sorry to say this but your Yaya is dead. We're very sorry." Aniya.
Gumuho ang mundo ko. Wala na. Wala na akong kakampi. Sobrang sakit mawalan ng isang importanteng tao sa buhay mo. Yung tipong sa sobrang sakit nito ay gugustuhin mo na sana ikaw na lang. Tutal mas deserving kang mawala. Mabait na tao si Yaya Bebs, hindi katulad ko. Akala ko ba tutulungan Niya ako? Akala ko lang pala. Tinawagan ko si Kenth para ibalita kung ano ang nangyari
"Kenth, akala ko ba tutulungan Niya ako? Wala na si Yaya. Patay na siya." Sabi ko at humagulgol ng humagulgol.
"Lix, baka talagang oras na ni Yaya. I'm sure na may mas magandang plano si God para sayo. Just trust Him. Wag mo Siyang sisisihin sa lahat ng nangyayari sayo. Tandaan mo, si God ang pinakamagaling na author ng buhay mo. Siya ang may alam kung ano ang dapat mangyari. Mag tiwala ka sa galing ng Best Author, Lix. Kaya nga best e. Magdasal ka lang." Aniya. Siguro nga may mas magandang plano Siya kaya nangyari ang lahat. Sana nga..
BINABASA MO ANG
Painless
Romance"How can you know it's love if there's no pain?" nabasa ko ito sa isang libro na nabili ko sa National noong nakaraang araw. Sabi nga nila, kakambal na ng pagmamahal ang sakit. Na kailangan talaga kapag magmamahal tayo ay handa tayong masaktan. Pero...