Magiging tatay's problems
Pumayag na ako sa kagustuhan nilang magLuneta dahil pinilit ako ni Jasmine. Aniya'y magpipicnic daw kami at magjojogging. Wala na akong choice kundi pumayag dahil mabilis magbago ang mood ng mga buntis.
Bumangon na ako sa aking kama at naligo at nagbihis. Naka jeans at polo lang ako at may baon din akong pamalit mamaya dahil magjojogging nga kami. Handa na ang lahat pagkababa ko kaya mabilis kaming nakaalis. Saglit lang ang naging byahe dahil malapit lang naman ang Luneta. Pagkarating namin doon ay marami rami na din ang mga tao. Pinwesto na namin ang aming mga gamit at nagpalit na ako sa kotse ng jogging pants at sleeveless.
"Tara jogging na tayo, Jazer. Bigyan mo ng privacy yang dalawa." Sabi ko at nakita ko si Kenth na malayo sa dalawa. Magkatabi sina Jazer at Jasmine.
"Oka-" ani Jazer na pinutol ni Jasmine.
Pinulupot niya ang kanyang kamay sa braso ni Jazer at isinandal ang kanyang ulo sa balikat. "Di. Dito lang si Jazer. Kung gusto mo kayo na lang nung panget na kutong lupa na yun ang magjogging. Dito lang kami ni Jazer." Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Kenth sa isang tabi at ang pagiling ni Jazer. Pinuntahan ko na lang si Kenth. Wala e. Buntis.
"Tara Kenth!" Sabi ko at sabay kaming nagjog paikot sa Luneta.
"Nakakainis! Mas pinipili niya pa yung boyfriend mo kesa sa akin e mas gwapo pa nga ako dun!" Ani Kenth. "Naiinis na talaga ako! Babasagin ko na yung muka nun!"
"Hey chill, una sa lahat, hindi ko boyfriend yun okay? Close friend lang. Pangalawa, pagbigyan mo na. Buntis e. Ganyan talaga yun. Chaka nasa part na kasi siya ng paglilihi kaya umaarte siya. Intindihin mo na lang, sus!" Sabi ko. Umiling iling naman si Kenth.
"Hindi e! Nagseselos na kasi ako! Pwede namang ako na lang yung paglihian niya, wag na yung lalaking yun! Babasagin ko talaga yung muka nun para wala na siyang mapaglihian!" Ani Kenth.
"Para kang tanga!" Sigaw ko. "Buntis nga e! Bat ba ang kulit mo? Ganyan talaga yan. Okay lang yan dude. Mahirap talaga pagnaglilihi na yung asawa. Gagawin ka niyang alalay or alipin pero hindi yan magiging worthless dahil masaya maging magulang. Konting tiis lang naman yan e." Sabi ko at napagdesisyunan namin na bumalik na kami kila Jasmine.
"Alam mo, grabe yung mga ginagawa sa akin ni Jasmine! Nung nakaraang gabi, pinaakyat ba naman ako sa puno ng buko ng kapitbahay namin. Syempre di ko yun ginawa kasi gabi na. Baka manuno pa ako noh. Kaya ayun, nag-away kami. Kaya minsan ayoko ng patulugin si Jas sa bahay e. Kaso lang natatakot ako. Baka atakihin ng mikmik ba yun?" Ani Kenth.
Humagalpak ako sa tawa dahil sa kanyang sinabi. "Tanga ka talaga! Tiktik yun hindi mikmik!"
Pagkabalik namin ay kumain kami at pagkatapos ay pumunta sa palengke para bumili ng walang kamatayang buko. Tuwang tuwa pa si Jasmine nung binili namin iyon. Parang batang binigyan ng laruan. Hay nako. Pagkatapos nun ay sumakay na kami sa kotse para makauwi na. Nasa likod kami ni Jazer at sa harap naman sina Jasmine.
Habang nakasandal ako sa balikat ni Jazer at natutulog ay hinawi niya ang mga hibla ng aking buhok at pinagsalikop niya ang daliri ng aming mga kamay.
"Angel.." ani Jazer.
"Hmmm..?" Sagot ko ng nakapikit pa din.
"C-can I court you?" Aniya.
BINABASA MO ANG
Painless
Romance"How can you know it's love if there's no pain?" nabasa ko ito sa isang libro na nabili ko sa National noong nakaraang araw. Sabi nga nila, kakambal na ng pagmamahal ang sakit. Na kailangan talaga kapag magmamahal tayo ay handa tayong masaktan. Pero...