Huli
"Who are you? Do I know you? Friend ka ba ni Felix? By the way I'm Jasmine. Jasmine Arevalo. Bestfriend ako ni Felix."
Umalingawngaw ang nagtatakang boses ni Jas sa aking likuran. Natatawa talaga ako hahaha. Di ata ako nakilala. Nasa bahay KO ako ngayon at di pinapansin ang bestfriend kong talak ng talak sa aking likuran.
"Hey boyfriend ka ba ni Lix?" Oo ramdam ko na nababadtrip na to. Di ko kasi siya pinapansin at patuloy pa din ako sa pagdutdot ng phone ko para magkunwaring may katext.
"Sayang mukang pogi pa naman"
Narining kong sabi ni Jas sa aking likuran. What?! What the hell! Hahaha.
"Excuse me? Mind if I disturb you? Who are you? Why aren't you answering me? Are you deaf?"
Grabe Jas! HAHAHAHA. Pinagpatuloy ko pa din ang pagkukunwaring may katext. Ramdam ko talaga na nanggagalaiti na to e.
"Don't you have manners?" Abat! Pasalamat ka talaga Jasmine! Pinagpatuloy ko pa din ang pagtetext.
"Will you stop texting?! I'm talking to you!" Hinablot niya ang phone ko kaya automatic na napaharap ako sa kanya para pigilan siya. Kaya ayun, nakilala na ako.
"What the heck Felix! What have you done to yourself?! Are you crazy?! Oh my! I can't really believe this!" Inaalog alog pa ako ni Jasmine na halatang gulat na gulat sa itsura ko. "Oh Gosh! What have you done to your hair?! Gosh! Where are your accesories and your dress?! Why are you wearing long shorts and that ew blouse and those earrings! And ugh! What's this?! Bling bling and dog tag?! What have you done? Are you out of your mi-"
"Easy Jas." Yan lang ang nasabi ko sa hinaba haba ng talak niya. Hay WALA NA KAYONG MAGAGAWA OKAY!
"Kenth! Come here!" Tinawag niya si Kenth at tinalikuran ako. Napabuntong hininga pa siya. "Oh my gosh I can't believe this." Ginulo niya ang kanyang buhok. Nakita ko naman si Kenth na nanlalaki ang mata at natatawa.
"What's so funny Kenth? Stop it. Nakakairita ka!" Halatang inis na inis si Jasmine dahil sa ginawa kong 'makeover' sa aking sarili.
"Zup dude!" Binangga ako ni Kenth at tinapik tapik pa. "Lalaking lalaki ka na. Hahaha." Ang walang hiya. Tumawa pa talaga. Ginulo gulo niya ang aking buhok.
"Ouch." Tinignan ko si Jasmine na nakakunot pa din ang noo. "Sorry bestfriend." Yinakap ko siya sa likuran.
Hinarap niya naman ako at napabuntong hininga siya. "Bakit mo ba kasi yan ginawa? Look at yourself! Kamuka mo na si Kenth! Hahahaha." Natawa din ako sa sinabi niya. Sinagot ko siya ng seryoso. Galing sa puso.
"Because I can't endure the pain anymore." Nakita ko ang naaawang muka ni Jasmine. Oo, alam niya kung bakit ako nagkakaganito.
"Hay. Di ka naman namin masisi e. Pero kahit ano ka pa, tanggap ka pa din namin ni Kenth. We're here for you, Lix. We will never leave you. We will support you right Kenth?" Binaling ni Jasmine ang kanyang atensyon kay Kenth.
"Yes of course. Ako ang bahala sa hayop na Vaughn na yun! Akala ko mabait!" Hinampas ni Kenth ang sofa sa sobrang inis.
"Well, you're wrong Kenth." Umirap si Jasmine sa kawalan.
"Ang sakit guys." Bigla ko itong nasabi mula sa kawalan. Narinig ko naman ang pagsinghap ni Jasmine at ang pag'Tsk' ni Kenth sa aking gilid.
"Iiyak mo lang yan dude." Tinapik ni Kenth ang aking balikat.
"Sige lang Lix. Magdrama ka ngayon. Ibuhos mo lahat. Pero siguraduhin mong ito na yung huli. Huling beses na iiyakan mo siya. He doesn't deserve your tears, Lix."
"Ang sakit kasi talaga, Jas. Ang sakit sakit! Tatlo kami Jas! Tatlo kaming pinagsabay-sabay niya! At ang masakit dun, ni hindi niya man lang ako pinagtanggol nung sinabunutan ako nung kapwa ko girlfriend niya. Tinignan niya lang ako at hinayaang makalmot ng mga bruhang yon! Hindi ko alam kung kaya ko pang magsimula ulit. Wasak na wasak na ako e. Alam niyo yun?! Siya lang yung meron ako tapos nawala pa! Nanloko pa! Ang sakit sakit Jas! Sobrang sakit!"
Humagulgol ako sa balikat ni Jasmine. Niyakap naman ako ni Kenth sa likuran at hinimashimas ang aking buhok. Si Jasmine naman ay patuloy ang pagpapatahan sa akin.
"Shh Lix, maganda ka! Marami pang lalaki sa mundo! Chaka nandito pa kami. Di ka nag-iisa. I'm sure makakahanap ka ng mas deserving na lalaki. Look at you! You're a good person, you're smart, sexy and beautiful! You're almost perfect!"
"Yun nga yun Jas e! Kung almost perfect na pala ako, bakit niya ako niloko?! Bakit?! Sabihin niyo sakin kasi gulong-gulo na ako!"
"Kasi bobo siya Lix! Kasi tanga siya! He's a bullshit! This is bullshit Lix!" Sigaw ni Kenth at ginulo ang kanyang buhok. Bakas ang pagkairita at ang pagkainis sa kaniyang muka.
"Stop saying that Kenth! Mahal ko yun! Mahal na mahal! Kaya kahit na sobrang sakit ang idinudulot sa akin ng pagmamahal ko sa kanya, ayoko pa din ng ginaganun siya, Kenth!"
Halos hindi ko na sila makita dahil sa luha sa aking mga mata. Hinahayaan lang nila akong humagulgol dahil ito na ang huli.
"Mahal mo siya pero di ka niya minahal, Lix. Niloko ka niya. Wake up Felix Raquel Smith Roque." Mahinahon ang pagkakasabi ni Jasmine kaya lalo akong naiyak.
"Jas, Kenth, binigay ko lahat! Minahal ko siya! Sobra sobrang pagmamahal! Pero bakit ganito?!" Nanlaki ang mga mata nila pagkatapos ko iyong sabihin.
"F*** it Felix!" Sinuntok ni Kenth ang pader.
"What?! Binigay mo lahat? You mean.." Di ko mawari ang ipinapakitang expression ni Jasmine habang sinasabi niya ito. Alright. Nagkakamali sila ng iniisip. Hay.
"No! Di ko yun binigay noh! Birhen pa din ako!" Sigaw ko.
"F***! Akala ko isinuko mo na talaga. Kung nagkaganun, magkakamatayan talaga kami!" Sigaw ni Kenth.
"Hay akala ko talaga." Tinalikuran ako ni Jasmine.
"Lix, I want to know everything. We want to know everything, right Jas?" Tumango naman si Jasmine sa sinabi ni Kenth. "Can you please tell us what happened to your relationship? If you don't mind."
"Why? I don't want to remember it." Inirapan ko siya.
"We want to know everything so that we can help you." Bakas ang pag-aalala sa tono ni Kenth. Di ko naman siya masisi. Sa kanya kasi ako binilin nila mommy at daddy nung namatay sila. Magkababata kami ni Kenth kaya ayan, overprotective.
"Okay" I sighed.
BINABASA MO ANG
Painless
Romance"How can you know it's love if there's no pain?" nabasa ko ito sa isang libro na nabili ko sa National noong nakaraang araw. Sabi nga nila, kakambal na ng pagmamahal ang sakit. Na kailangan talaga kapag magmamahal tayo ay handa tayong masaktan. Pero...