Chapter 3

12 0 0
                                    

Flashback 1

Sariwang sariwa pa din ang aking alaala ng lovestory namin ni Vaughn. Sinabi ko na sa aking sarili na kakalimutan ko na siya. Pero heto nanaman ako, inaalala ang tila pagsakay sa LRT naming lovestory.

Parang pagsakay sa LRT ang aming lovestory dahil punong puno ito ng paghihirap. Pagkatapos ng aming pagkikita sa bar ay nagkamabutihan kami. Kinuha niya kasi ang aking cellphone number kaya ayun.

Kakauwi ko lang galing sa bar at lasing na lasing na talaga ako. Grabe! Umaalon na yung paligid. Pinikit ko na lamang ang aking mata at natulog na.

Happy birthday to you..♪

Narinig ko ang boses ng aking bestfriend. Oo nga pala, birthday ko ngayon. Yes! 20 na ako! Ngumisi ako at unti-unting idinilat ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang kumakantang si Jasmine na pumapalakpak at may party hat pa tas may torotot, si Yaya Nena na hawak ang cake at nakaparty hat din, si Kenth na natatawa at may hawak na lobo at napakaparty hat din, at ang iba pang maid na kumakanta at pumapalakpak. Ang cute nila! Natapos ang kanilang kanta kaya umamba akong tatayo ngunit sobrang sakit ng aking ulo kaya napahawak ako dito.

"Ugh, hangover guys." Natatawa kong sabi.

"Ayan kasi! Grabe ka kasi uminom e." Dinaluhan naman ako ni Kenth.

"Uy tama na yan! Ang aga aga e. Tsk." Ani Jasmine. Abat! Loko to a.

"Stop it Jas!" Natatawa kong sabi.

"Okay blow your candle, Lix. Make a wish first!" Aniya.

"Okay okay." Lumapit ako ng bahagya sa aking cake at pumikit at hinipan ang kandila.

"HOORAAAAAYYY! HAPPY BIRTHDAY FELIX RAQUEL SMITH ROQUE!" Sabay sabay nilang sabi. Natawa naman ako.

"Maligo ka nga pala muna, Lix. Nangangamoy e. Hahahaha." Binato ko kay Kenth yung unan. Bwiset e. Bumaba na sila kaya nagpunta na ako sa banyo at nagbihis. Pagkatapos nun, chineck ko muna ang aking cellphone. May nakita akong 4 missed calls. Iniscroll ko ito at nakitang galing kay France, Kate, Alvin, at Jun. Mga kaibigan at manliligaw ko. Tinawagan ko silang apat para papuntahin sa bahay. Binati na din nila ako. Chineck ko ang aking inbox. 21 messages. Binasa ko ang lahat ng iyon at puro happy birthday lang naman kaya nagGM na lang ako ng 'Thank you' para sabay sabay na. Inayos ko ang aking buhok at biglang tumunog ang cellphone ko. Message from unknown number? Hmmm..

Hi, goodmorning Lix! Vaughn here. Yung sa bar kagabi. :) how are you?

Nireplyan ko naman si Vaughn.

Hi Vaughn! :) I'm okay. You? Medyo busy lang. Hehe. ;3

Dalawang minuto bago siya magreply.

Busy? Why? Nakakaistorbo ba ako? :(

Ewan ko pero natatawa ako. Hahaha. Nireplyan ko si Vaughn.

Nope. It's my birthday today that's why I'm busy. You know. Sorry. :'(

Medyo natagalan siya magreply ngayon dahil limang minuto bago siya nakapagreply.

Can I call?

Ha? Bakit? Nireplyan ko naman siya.

Sure.

Ilang segundo lang at tumunog ang phone ko. Sinagot ko naman ito agad.

"Hel-" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bigla na lang siyang kumanta sa kabilang linya.

"Happy birthday to you..

Happy birthday to you..

Happy birthday, happy birthday..

Happy birthday to you♪"

Napakaganda at lamig ng boses niya. Woah. Pagkatapos ng kanta ay sinundan niya ito ng malakas na sigaw na 'HAPPY BIRTHDAY FELIX ROQUE!' Natawa naman ako sa kanya at nagpasalamat. Parang close na kami agad neto ah.

"G-gusto mong p-pumunta?" HANUBAHFEHLHEX! Bat ka nauutal?! Chill lang!

"Really? Of course! Where's your house?" Halatang excited siya dahil sa kanyang tono.

"Uhm.. Arbor towne." Nahihiyang sabi ko.

"Taga Arbor Towne ka pala. Sa Valenzuela yun right? Sa may Gen. T. Woah! Akalain mo nga naman.. sa Manila tayo nagkita tas parehas pala tayong taga Valenzuela. Small world. Sa Sandem Homes naman ako. Sa Gen. T. din. Malapit sa NPAV (New Prodon Academy of Valenzuela)" Aniya.

"NPAV! Alam ko yan. So.. sa Robinsons na lang tayo magkita ah?" Sabi ko.

"Alright. See you then." Aniya.

"See you!" Ibinaba ko na yung tawag at naglagay ng kaunting makeup sa aking muka. Dali dali naman akong lumabas ng aking kwarto at bumaba sa hagdan. Abalang abala sila Yaya Nena sa paghahanda habang sina Kenth at Jasmine naman ay abala sa pagsayaw sa Xbox.

"Get low? Luma na yan ah?" Natatawang sabi ko at umambang aalis.

"Shut up! Where are you going princess?" Ani Jasmine.

"Shut up. May susunduin lang sa Rob." Natatawang sabi ko.

"Who?" Aniya.

"A good friend of mine." Nginitian ko naman siya. Usisera talaga si Jasmine. Sorry na. XD

"Alright. Take care princess!" Aniya. Kinawayan ko naman siya at umalis na sa bahay.

PainlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon