The truth
Pagkauwi ko sa bahay, sinalubong agad ako ng bestfriend kong brutal. Siguro naman alam niyo na kung anong susunod na nangyari right? As usual, nakatikim nanaman ako ng mga hampas, sabunot, sakal, alog, nakakarinding tili, pagyanig ng bahay, at marami pang kakilakilabot na bagay. Kinwento ko kasi lahat ng nangyari kanina kaya mas wild si Jasmine.
"Tinext mo na ba si Kenth?" Tanong ko matapos ang bagyong Jasmine.
"Yup. On the way na daw. Pinabili ko na din ng chicken at beer. Yup. Parehas kami ng favorite ni Steffi. Mahilig din kami sa chicken at beer.
Ilang sandali lang ay dumating na si Kenth at nagsimula na ang inuman. Halos 30 minutes na kaming umiinom ng naisipan kong magtanong about sa lovelife nilang dalawa. "Musta na lovelife mo, Jas?"
Naramdaman ko na kinabahan siya sa tanong ko. Yeah! Kabahan na talaga kayo. "It's complicated." Aniya at lumagok ng beer.
Ibinaling ko ang aking atensyon kay Kenth. "How 'bout you?"
Ngumisi siya at tumingin kay Jas. Napalunok naman siya. Hmmm. "Me?" Aniya at lumagok ng beer. "Complicated also."
Nakaramdam ako ng tensyon sa dalawa kaya sinubukan kong pagaanin ang aming usapan. "Really? Parehas pala kayo. Baka kayo yung may relasyon dyan hindi niyo lang sinasabi sa akin" tumawa ako. Akala ko papagaanin ko? Parang mas lalong bumigat ah.
"Why it's complicated, Kenth?" Tanong ko.
Ngumisi siya ulit bago ako sagutin. Nagtatype si Jas sa phone niya sa isang tabi. Akala niya lang hindi ko siya nakikita. "I don't know." Aniya.
"What happened to your sex slave? Is she the reason why your lovelife is complicated?" Lumagok ako ng beer. This is going to be fun!
"Yes" ani Kenth at tumingin kay Jasmine.
"Do you love her?" Tanong ko. Yung muka ni Jas, nagaantay din ng sagot. Don't worry bes. Someday, you'll going to thank me for this.
Tumingin si Kenth kay Jasmine. Grabe sila magbigay ng clue! Di man lang ako nahirapan. "Yes."
"Who is she, then?" Nginitian lang ako ni Kenth. Okay. Alam ko naman na wala siyang balak sabihin hangga't walang pahintulot ni Jas.
Binaling ko naman kay Jas ang atensyon ko. "Same question, Jasmine. Why it's comlicated? Do you have the same reason with Kenth?"
Lumunok siya at tumingin kay Kenth. "Yup." Ani Jas.
"Guys. I know you know that I know what's happening with you both. Wag na kayong maglihim sa akin. Nararamdaman ko na e. Just please tell me the truth para matulungan ko kayo. I wanna here your side first Kenth." Tumingin sa akin si Kenth. Yes, Kenth. You have the chance to say how much you love her.
"Jas, please don't utter any word while Kenth is speaking. Don't interupt him. Just hear his side first. Okay?" Tumango naman si Jas kaya nagsimula na si Kenth.
"Okay. Here it goes. Totoo na si Jasmine nga yung si Baby SS. Sorry kung tinago ko sayo ito Lix. You know, hindi pa siya handa." Hinawakan niya ang kamay ni Jasmine. "Jas, alam mo na mahal na mahal kita noon pa. Alam kong mali yung ginawa natin. Alam kong mali yung ginawa ko sa inyo ng boyfriend mo pero sana naman kahit konti minahal mo din ako. Kasi ako mahal na mahal talaga kita. At ginusto naman natin tong dalawa. Alam kong parehas tayong hindi lasing nun. Jasmine, hindi totoo na sex lang ang habol ko sayo. Alam ko na alam mo na mahal kita at alam ko din na kabaliktaran yung sayo. Sex lang ang habol mo sa akin dahil nangungulila ka sa boyfriend mo at hindi mo naman ako minahal. Alam ko na ako lang yung nagmahal. Pero kahit ganun, umaasa pa din ako e. Nagbabakasakali pa din ako. Na sana kahit konti meron. Na sana kahit minsan ako." Naiiyak ako kay Kenth. Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng pagiging playboy niya ay may sakit pala siyang nararamdaman. Nagkaroon na din ng lakas ng loob si Jas magsalita.
"Sorry din Lix kasi natakot ako." Tinignan niya si Kenth at iniangat ang muka para matignan niya si Kenth sa mata. "Kenth, sorry kasi pinaasa kita. Sorry kasi pinaniwala kita. Sorry kasi ginamit kita. Oo ginamit nga kita, pero hindi totoo na hindi kita minahal. Hindi totoo na sex lang ang habol ko. Kenth, kahit naman na ganun yung nagawa ko sayo, hindi naman ako ganun kasamang tao. Minahal din naman kita. Kaya ayaw kong itigil natin, kaya gusto kong ipagpatuloy yun hindi dahil hindi pa din nagpapakita yung boyfriend ko, kasi minahal na kita. Akala ko hanggang kaibigan lang yung tingin mo sakin. Gusto ko ng relasyon na mas higit pa sa kaibigan, Kenth kaya ko piniling ipagpatuloy yun. Sana naman maintindihan mo ako." Umiiyak na kaming tatlo. Hindi ko na alam kung anong mangyayari bukas. Basta ang importante ngayon ay malinaw na ang lahat.
BINABASA MO ANG
Painless
Romance"How can you know it's love if there's no pain?" nabasa ko ito sa isang libro na nabili ko sa National noong nakaraang araw. Sabi nga nila, kakambal na ng pagmamahal ang sakit. Na kailangan talaga kapag magmamahal tayo ay handa tayong masaktan. Pero...