Chapter 15

10 0 0
                                    

Masyadong Mabilis

Masyadong mabilis lahat ng nangyari. Nagulat na lang ako nakatayo na kami sa tapat ng kotse niya at hinahalikan niya ako at hinahalikan ko din siya. Naglakad kami kanina di ba kaya kami nakarating dito? Omg! Ang lala naman siguro kung binuhat niya ako ng hindi ko namamalayan dahil sa halik niya. Ang alam ko talaga nagkwekwentuhan kami hanggang sa umabot kami sa parking lot at nagkiss. Argh! Ang gulo. Parang kelan lang nagkita kami sa mall tapos ngayon ganito na ang nangyari. Anong ibig sabihin ng halik na iyon? May gusto na siya sa akin? Masyado atang mabilis kung ganon. Hinde, lasing lang si Jazer, Felix.

Itinulak ko siya dahil bumalik na ang nakawala kong ulirat. Hindi ko din alam kung bakit pero nasampal ko siya.

"Aww" ani Jazer at hinawakan ang kanyang pisngi. "I-i'm sorry. Nadala lang ako. Y-you know, ang cute mo kasi." Sabay hawak sa kanyang batok.

"Jazer! Hindi ka ba nandidiri? Tomboy ako!" Hinampas ko ang kanyang dibdib.

Nagagalit ako sa sarili ko dahil nagsisimula na akong magkagusto sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero iba ang dating sa akin ni Jazer. There's something special. Pero gusto ko ng tigilan itong kahibangan na ito habang maaga pa. Nadala na ako. Ganito rin nagsimula yung sa amin ni Vaughn. Masyadong mabilis. Natatakot akong mahulog ulit dahil baka masaktan na nanaman ako. Ayoko na. Baka mapatay ko na ang sarili ko. Tama na ang dalawa.

"Hindi ka tomboy, Felix. We both know that fact." Aniya.

"Jazer! Hindi mo ba nakikita? Oo, hindi ako tunay na tomboy pero pinili ko ito dahil ayoko ng maging babae. Ayoko ng maging mahina. Sawa na akong masaktan ng paulit-ulit. Takot na akong masaktan ulit!" Tumulo ang mga luha galing sa aking mga mata. Akala ko hindi na ako muling iiyak. Akala ko hindi na ako kailan man magiging mahina. Pero kahit anong gawin kong pagmamatigas, ganun pa din. Ngayon ko lang napagtanto na para pala akong yelo. Sa una malambot, pero sa dinami rami ng pinagdaanan ko, at sa tinagal ng panahon, unti-unti akong naging matigas. Pero paglabas ko sa comfort zone ko, babalik pala ako sa pagiging malambot. Babalik sa pagiging mahina.

Niyakap na lang ako ni Jazer at hindi na nagsalita. Hindi niya din ako pinilit na magkwento. Ganito yung gusto kong mga kaibigan.

Sumakay na kami sa kanyang kotse para mahatid na ako sa Arbor Towne. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Heavy traffic sa Paxton kaya nagkwentuhan kami.

"Bakit mo napagdesisyunan na maging ganyan?" Nilingon niya ako gamit ang seryosong muka.

Huminga ako ng malalim at sinagot siya. "It's because I hate being a girl. I hate being weak. The man I used to love caused me so much pain that's why I want others to feel the same pain I've felt."

Umiling siya at huminga ng malalim. "Felix, hindi naman porket nasaktan ka e kailangan masasaktan din ang iba. That sounds selfish."

"No! It's just that.. it's not fair! Bakit ako pa na nagmamahal ng totoo ang kailangang masaktan? Bakit hindi na lang yung iba na puro kalandian at kababuyan yung nasa isip!" Bumuhos ang aking mga luha dahil sa sinigaw kong iyon. Finally, lahat ng hinanakit ko nailabas ko na.

Umandar na kami kaya hindi agad nakasagot si Jazer. Nakarating na kami sa tapat ng aming bahay ngunit hindi pa din ako bumababa. Kinakalma ko muna ang aking sarili dahil ayokong pumasok sa bahay ng ganito ang itsura ko. Paulit-ulit ang paghinga ko ng malalim at ang pagpunas sa aking mga mata. Matapos ang halos 5 minuto ay kinalas ko na ang seatbelt at binuksan ang pinto. Bago ako makababa, hinawakan ni Jazer ang aking kamay. "Felix, may mga pangyayari sa buhay natin na kahit hindi natin gusto ay nangyari pa din. Hindi pwedeng puro saya na lang. Kailangan may sakit, kailangan may lungkot. Hindi iyon maiiwasan dahil parte na iyon ng buhay pero nasayo ang desisyon kung mas gusto mong manatiling malungkot o bigyan ang sarili mo ng pagkakataong sumaya." Kumalas na siya sa pagkakahawak sa akin at sinara ko na din ang pinto. Selfish na kung selfish pero wala ng makakabago ng desisyon ko. Alam kong mali ito pero pride na lang ang meron ako sa ngayon.

PainlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon