Something that I have to do
Nagsuot ako ng isang itim na dress at naglagay ng medyo smokey na make-up. Bumaba na ako at sinalubong ako ni Jasmine ng kantyaw.
"Para kang namatayan. Pero maganda pa din." Aniya.
"Hayaan mo na. Huli na to." Sabi ko at lumabas na kami. Napagkasunduan namin na iutos na lang yung ticket dahil buntis si Jas kaya maselan sa byahe. Bibili na lamang kami ng mga kakailanganin ko at para makapagshopping na din daw si Jas. Namimiss niya na daw mamili ng damit. Nagpunta kami sa SM North Edsa at naglibot doon. Sinuyod namin ang lahat ng bilihan ng damit at ilang minuto pa lang ay nakakatatlong balik na kami sa kotse kakalagay ng mga pinamili namin. Masaya din palang magwaldas ng pera minsan. Nakalimutan ko ang sakit kahit saglit lang. Kumain kami nila Kenth sa Bario Fiesta dahil paborito daw ni Jasmine yung sinigang doon. Nasa tapat kami ng piano kaya kita namin ang mga taong dumadaan sa labas. Nakita ko si Vaughn at si Candice na naglalakad doon. Nakapulupot si Candice sa braso ni Vaughn habang si Vaughn ay walang reaksyon. Naalala ko tuloy yung sinabi niya noon. May gusto pa din kaya siya sa akin?
Umuwi na kami pagkatapos naming kumain at mamili. Inihatid na ako nila Kenth sa aking bahay. Naisipan ko na magimpake na dahil maaga ang flight ko bukas. 10 ng umaga. Nasabihan ko na din sila France, Kate, Alvin at ang ilan ko pang mga kaibigan tungkol dito. Sina Kenth at Jas din pala ang maghahatid sa akin bukas.
Habang nagiimpake ako ay tumunog ang aking cellphone.
Jazer Salvador calling..Hindi ko pa pala nabubura yung number niya. Kinancel ko ang tumawag at nagpatuloy sa pagiimpake. Ilang segundo lang ang nakalipas at tumunog nanaman ang aking cellphone. Hinayaan ko na lamang iyon. Magsasawa din yan.
Naligo na ako at naghanda para matulog. Nagring ulit ang aking cellphone. Tumatawag si Jasmine.
"Hel-"
"Lix! Si Jazer nandito kanina, nagwala! Lasing na lasing." Sigaw ni Jas.
"Hayaan mo siya." Sabi ko.
Narinig ko sa kabilang linya si Kenth. "Jas, tumawag sakin si Vaughn! Naaksidente daw si Jazer!" Aniya.
"Ano?!"
"Naaksidente si Jazer, Lix! Puntahan natin!" Ani Jas.
"Oo sige." Sabi ko. Dali dali akong bumaba at pinaharurot ko ang aking sasakyan. Dumiretso ako sa bahay ni Kenth dahil nandon naman si Jasmine. "Saang ospital?"
"Fatima daw" Ani Kenth.
Pumunta kami sa Fatima at hinanap ang kwarto ni Jazer.
"Kaano-ano po kayo ng pasyente?" Tanong ng nurse.
"Girlfriend!" Sigaw ko.
"Ex. Girlfriend." Dugtong ni Jasmine.
"Friends kami ni Jazer." Ani Kenth.
"Guys, please kahit ngayon lang. Last na to. Aalis na naman ako bukas. Please?" Sabi ko at pumayag naman sila. Nagpasalamat ako at niyakap silang dalawa.
"Girlfriend ako. Kamusta na siya?"
"Kritikal po ang kundisyon niya. Masyadong malakas ang pagkakabunggo niya sa puno. Nasa OR po siya dahil malala po ang mga pinsalang natamo niya." Sabi ng nurse.
Napaupo ako at umiyak. Kasalanan ko ito. Kung sinagot ko lang ang tawag niya kanina. Kung sana ay hinayaan ko siyang magpaliwanag. Kahit na sinaktan ako ni Jazer, di ko pa din kayang kamuhian siya dahil mahal ko siya.
Maya maya pa ay lumabas na ang doctor at tinawag kami. Bakit walang ibang tao na nandito? Asan ang mga kamag-anak niya?
"Girlfriend ka di ba?"
"Opo. Kamusta siya? Ayos na ba ang lagay niya?" Naiiyak kong sabi. "Pwede ko na po ba siyang makita?"
"Yes. He's stable." Sabi ng doctor. Nakahinga kami ng malalim ni Kenth. Si Jas ay umuwi na dahil maselan ang kanyang kudisyon.
"Uuwi na ako Lix. Ayokong makita ang hayop na yan." Aniya. "Sinaktan ka na niyan di ba? Gusto mo pa ding makita?"
"Kenth, please. Kahit ngayo lang. Aalis na ako bukas."
Huminga siya ng malalim at umiling. "Bahala ka. Sige una na ako. Hinihintay na ako ng magina ko." Tumango ako at nagpaalam din sa kanya. Ngayon, ako na lang.
Pumasok na ako sa kwarto ni Jazer. Ang daming kung ano-anong nakadikit sa kanyang katawan. Punong-puno din siya ng sugat sa kanyang katawan. Marami rin siyang pasang natamo. Pero wala pa ding pinagbago. Gwapo pa din.
Di ba dapat kapag sinaktan ka ng isang tao ay di mo na siya papansinin. Di ba dapat ay galit ako? Pero bakit parang di ko magawa? Bakit sa kabila ng lahat ay mahal ko pa din siya?
Tinitigan ko ang kanyang gwapong muka. Kinakabisado ko ang haba ng kanyang pilikmita, ang kurba ng kanyang labi, ang tangos ng kanyang ilong, ang perpekto niyang panga, ang mala diyos niyang muka. Ito na nga pala ang huling pakakataon na masisilayan ko ito.
Alam ko sa sarili ko na kahit umalis ako ay hindi ko na siya makakalimutan. Mahal ko e. Pero susubukan ko pa din. Kahit mahirap. Kahit masakit.
"Angel~" narinig ko ang pagtawag niya sa akin. Naramdaman ko ang luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. May nakita din akong luha na tumulo kay Jazer. Parang di ko siya kayang iwanan.
"Please w-wag mo akong iwan. P-patawarin mo ako." Aniya.
Mayamaya lang ay magigising na siya. Kailangan ko ng umalis. Sorry, Jazer. Pero kailangan mong pagsisihan ang lahat. Masyado akong nasaktan sa ginawa mo. Sorry kung gagawin ko ito. It's not something that I want to do. It's something that I have to do.
BINABASA MO ANG
Painless
Romance"How can you know it's love if there's no pain?" nabasa ko ito sa isang libro na nabili ko sa National noong nakaraang araw. Sabi nga nila, kakambal na ng pagmamahal ang sakit. Na kailangan talaga kapag magmamahal tayo ay handa tayong masaktan. Pero...