Chapter 35

6 0 0
                                    

Huling pagkakataon

Nagdaan ang ilang araw at mas lalo kong naging kaclose sina Barbie at Geo. Sila kasi yung tipo na sumasakay sa lahat at madaldal din sila lalo na si Barbie. Madalas din kaming magkita ni Geo dahil lagi akong sinasama ni Barbie kapag may guesting, interview, album launch, at iilang mga gigs kaya lagi ko ding nakakasalamuha si Geo.
"Beauty queen of only eighteen
She had some trouble with herself
He was always there to help her
She always belonged to someone else..."

Umalingawngaw ang nakakapanindig balahibong boses ni Geo sa isang mini concert nila dito sa isang park. Para ito sa kanilang mga fans na talaga namang all out ang suporta simula pa lang. Minsan ko lamang marinig si Geo na kumanta ng hindi rock songs at masasabi ko talagang maganda ito. Yung tipong kapag ikaw yung hinaharana niya ay sasagutin mo na agad. Ewan ko ba kasi kay Barbie kung bakit saksakan siya ng manhid. Well, nasa Cali ako kaya di na ako nageexpect ng mga babaeng totoong nagmamahal dito. Bibihira lang siguro. Pure pa naman si Barbie.
"I don't mind spending everyday
Out on your corner in the pouring rain
Look for the girl with the broken smile
Ask her if she wants to stay for awhile
And she will be loved..."

Nakatuon ang buong atensyon ni Geo sa katabi kong si Barbie habang kumakanta siya sa stage. Si Barbie naman ay nakapikit habang sumasabay sa pagkanta ni Geo. Minsan natatawa na lang talaga ako sa babaeng to. Hindi naman umaamin si Geo sa akin na may gusto siya kay Barbie pero napapansin ko kasi na lagi niyang sinusulyapan si Barbie lalo na kung magkasama kami. Minsan nga lantaran sumulyap e. Lagi ko kasing kasama si Barbie kaya ayun, lagi ko ding nahuhuli.

"Good job Geo!" Sabi ko sabay yakap sa kanya. Itinuturing ko na din kasi siyang bestfriend. Siya ang naging sandalan ko dito sa Cali. Sa kanya ako lagi umiiyak. Yes, alam niya ang tungkol kay Jazer. "Myths is so great!" Sigaw ko habang nakapikit at nagheheadbang.

"As always!" Sigaw din ni Barbie. Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakita ko siya na namumula habang nakayakap sa kanya si Barbie. Hay Geo. Torpe!

"So, are you guys want to go somewhere? You guys want to eat?" Tanong ni Barbie.

"Sure. Your treat?" Ani Geo. Parang kanina di kinilig ah?

"My treat!" Ani Barbie. Inakbayan naming dalawa si Geo at namula nanaman ang kanyang pisngi. Hay nako!

Nagpunta kami sa isang mamahaling restaurant. Of course mamahalin dapat. Mga bigatin tong mga kasama ko e. May malaking piano sa may parang mini stage at may mga tumutugtog ng violin sa gilid. Nakakarelax dito.

Umorder na kaming tatlo at nagsimulang kumain. Habang kinakain ko ang aking light meal ay parang gusto kong kumanta dahil nakakadala ang mga violin at dinagdagan pa ng kakaupo lang na pianist na masasabi kong magaling talaga. Gwapo din siya ha! Kung titignan natin siguro ay nasa 27 or 28 lang ang edad niya. At kahawig niya si J-

"Excuse me." Sabi ko at tumayo kaya natigilan sa pagkain sina Geo at Barbie. Hindi ko sila pinansin at nagdirediretso na lang ako sa paglalakad papunta sa mini stage. Gusto kong magsenti kahit ngayon lang muna. Maglilimang na buwan na din na man ako dito sa Cali at miss na miss ko na talaga ang Pilipinas. Lalo na siya.

"Can I sing here with you?" Sabi ko sa gwapong pianist.

"Sure. What song?" Aniya ng nakangiti. Gwapo! Kamuka niya talaga.

"All of me." Simpleng sabi ko at ngumiti ang pianist. Nagsimula na siyang tumugtog ng intro ng kantang ito habang nakangiti pa din. Nginitian ko sina Barbie na nagulantang sa biglaan kong pagakyat sa mini stage. Nakita ko pa ang pagbuka ng kanyang bibig at sinabing 'What?' Nginitian ko na lamang siya. Gusto ko lang magsenti. Kamuka kasi nung pianist si Jazer. Si Geo naman ay nakapangalumbaba lang. Nagiintay sa pagkanta ko. Nakaagaw din ako ng atensyon ng mga tao kaya ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at dinama ang kanta.
"What would I do without your smart mouth?
Drawing me in and you're kicking me out
Got my head spinning, no kidding, I can't pin you down"

All of me kasi ang alay kong kanta para kay Jazer kaya ito ang napili ko. Sa pagkanta ko nito sa harapan, inaamin ko sa sarili ko na mahal ko pa din talaga. Na siya pa din talaga. Wala ng iba. Mahihirapan ako neto. Gustuhin ko man kasi siyang limutin, wala din. Ganun pa din. Mahal ko pa din e. Pakiramdam ko nga ay di ko na siya kayang kalimutan pa dahil parang nakatatak na siya sa akin.
"Cause all of me loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me, I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
Cause I give you all of me
And you give me all of you..."

Nakaramdam ako ng mainit na tubig na lumalandas sa aking pisngi. Luha. Sinasabi nitong tama na. Pagod na ako. Pagod na akong magmahal. Di ba dapat kapag pagod ay pawis ang tumutulo? Actually, ang pawis at luha ay malaki ang pagkakaiba. Ang pawis ay tumutulo kapag pagod ka ng tumakbo, maglakad, o gumawa ng mga bagay. Ang luha naman ay tumutulo kung pagod ka na sa maraming bagay. Kung ang pawis ay pang physical. Ang luha ay pangemotional pero parehas lang yang tumutulo kapag nahihirapan ka na. Kapag pagod ka na. Kapag nasasaktan ka na.

Gusto kong pagbigyan sa ngayon ang aking sarili. Sige, iiyak ako ngayon. Aalalahanin ko lahat ngayon. Mamahalin ko siya sa huling pagkakataon. Oo, sa huling pagkakataon dahil pagkatapos nito, kailangan ko ng magpakatatag para sa sarili ko. Kailangan kong maging malakas. Masyado ata akong maganda para umiyak na lang lagi.
"Cards on the table we're both showing hearts
Risking it all though it's hard..."

Idinilat ko ang aking mga mata at naaninag ko ang muka ng lalaking mahal ko. Ang muka ni Jazer. Alam kong baka sobrang mahal ko lang talaga siya kaya nagkakaganito na ako. Dahil siguro ito sa sobrang kakaisip ko sa kanya. Ipinikit ko ulit ang aking mga mata at mabilis itong idinilat para malaman kung totoo ba talaga ang nakita ko. Pero bigo. Di totoo.
"I give you all of me...
And you give me all of you... oh.."

Sa huling pagkakataon ay umasa pa din ako. Nakakaloka na. Ayoko na. Pagod na ako. Pagod na pagod na akong masaktan. Tumulo na lang ulit ang aking mga luha. Ngayon ko lang napagtanto na para pala akong ulap. Kapag hindi ko na talaga kaya, kapag nabibigatan na talaga ako, walang kahit ano ang makakapigil sa mga luhang gustong gusto ng kumawala. At gaya ng isang ulap, hindi naman ako malakas. Madali akong matibag. Masyado akong malambot. Pero ayoko na. Gagawin ko ang lahat para ang ulap na nakilalang madaling matibag ay maging matatag. Kung kinakailangan ipasemento ko ito ay gagawin ko. Ayoko ng makaranas ng sakit. Dahil masyadong masakit masaktan. Masyadong masakit magmahal.

PainlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon