Hello USA!!!
Pagbaba ko ng eroplano ay tinawagan ko ang katulong sa lumang bahay namin dito sa states. Oo, kahit wala ng tumitira dito ay may katulong pa din. Habang nasa loob ako ng cab ay nakita ko ang Philippine Embassy sa 5th ave. Sa New York kung saan naaksidente ang aking mga magulang noong June 6, 2010 at celebration ito ng Independence day. Kahit pala sa New York ay may sakit pa din akong mararamdaman. How I wish there's no pain.
Nadaanan din namin ang 5th ave. Corner Central Park Plaza kung saan madalas naming tambayan ng mga pinsan ko noon dito. Lagi kaming sumasakay sa kalesa. Pati ang David Crowly Middle School sa Queens, New York ay nadaanan namin kaya naalala ko ang mga pinoy kong classmates dati dito na sina France at Kate na nasa Philippines ngayon. Di ko pala nasabi sa kanila na umalis na ako. Pero siguro naman ay nakita nila ang status ko sa facebook kanina. Nagpahatid ako sa Hicksville LongIsland dahil nandoon ang bahay namin. Pagkarating ko dito ay hindi ako agad namukaan nina Kuya Dan na siyang tagapangalaga ng aming bahay at nina Yaya Bebs at Yaya Pat na nag-alaga sa akin noon. Matatanda na pala sila kaya siguro di na nila ako maalala o dahil ito sa itsura ko?
"Excuse me sir. Who are you?? Tanong ni Kuya Dan sa akin. Nakita ko ang mga nakakunot na noo nina Yaya Pat at Yaya Bebs.
"It's me Kuya Dan! Lix." Sabi ko at nakita ko ang pagkamangha ng kanilang mga muka.
"Really? What's with your looks, Lix?" Ani Yaya Pat.
"Oh. I'm a lesbian now, Yaya Pat." Sabi ko at kitang gulat na gulat sila. Nagulat din ako dahil niyakap ako ni Yaya Bebs at niyakap ko rin siya pabalik.
"No Lix, I know you're not. Always remember that whatever your reasons are, it doesn't matter to me. If that what makes you happy, I'll never say no." Bulong ni Yaya Bebs sa akin. Siya ang halos nagpalaki sa akin kaya kilalang kilala niya ako. Alam niya kung nagsisinungaling ako o may problema ako.
"Thank you, Yaya." Sabi ko at niyakap pa siya ng mas mahigpit. I love her.
"You're always welcome, panga. I think you're tired now. You should go to your room and take some rest. We will take care of your stuffs." Aniya.
"Okay. Good night yaya." Sabi ko habang humihikab. Tama nga si Yaya. Sobrang nakakapagod itong araw na ito.
"Okay Good night panga." Aniya at pumanik na ako sa aking kwarto. Di ko na ito inayos dahil diretso bagsak na ako sa aking kama. Nagtoothbrush muna ako at nagpalit ng damit at natulog na.
Kinabukasan ay nagising ako dahil naramdaman kong may tao sa kwarto ko. Nakita ko si Yaya Bebs pagkamulat ng aking mga mata at nakangiti siya. Umupo ako sa aking kama para makausap siya.
"Good morning, Yaya." Bati ko.
"Good morning din panga. Ano kakain ka na ba?" Aniya.
Umiling ako bilang sagot at nagsalita siya ulit. "Namimiss ko na yung mahaba mong buhok." Aniya habang hinahaplos ang aking buhok. "Panga, pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit mo ito ginawa sa iyong sarili? Kasi di ko aakalain na yung kikay na panga ko ay magiging tomboy pala." Aniya at tatawa tawa.
"Mahabang kwento po. Pero isa lang ang rason, ya. Sobrang nasaktan po ako. Ang sakit sakit ng ginawa niya sa akin." Sabi ko at nagsimula ng umiyak. Alam kong sinabi kong hindi na ako muling iiyak pa. Na hindi ko ipapakita na ako ay mahina. Pero pag dating kay Yaya, wala akong maitago. Kahit magtago ng kahinaan ay mahirap.
"Panga, pwede mo bang ikwento sa akin kung anong nangyari? Para matulungan kita" aniya. Wala akong nagawa kundi magkwento. Mabuti na rin ito para hindi ko solohin ang problema. Para kahit papaano ay makahinga ako ng maluwag.
"Panga, darating talaga sa buhay natin na masasaktan tayo pero dapat hindi mo ito ginawa sa sarili mo. Panga, hindi naman sa nagagalit ako pero hindi naman tama na magkaganyan ka dahil sa walang kwentang lalaki." Aniya.
"Yaya, gusto ko lang po ipamuka sa kanya kung gaano siya kawalang kwenta dahil sinaktan niya ako." Sagot ko.
"Pero panga, para mo na ring sinabi na patay na patay ka sa kanya. Na naghahabol ka kasi nagpapapansin ka sa kanya. Lalo mo lang pinakita na mahina ka. Kasi nagawa mong sirain ang buhay mo para sa kanya" Ani Yaya Bebs.
"Kinokonsensya ko lang siya, ya." Yan na lang ang nasabi ko dahil talo na ako. Tama si yaya.
"Akala ko ba gusto mong ipamuka na wala siyang kwenta? Edi sana lalo ka pang nagpaganda at pinakita mo na malakas ka. Na hindi ka niya kayang saktan. Kung ganon ang ginawa mo, lalabas na wala kang pake sa kanya. Dahil wala lang para sayo nung iniwan ka niya. Wala ngang kwenta di ba? E ba't nagpapapansin ka pa?" Aniya. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak. Tama si Yaya pero alam ko sa sarili ko na itutuloy ko pa din ito. Sa akin pa rin naman desisyon. At least I realized that I was wrong, but I will continue what I am doing because I'm not a quitter. My goal here is to make him realize that it's wrong to hurt other people's feelings. That pain can make people change. I'm not doing this to catch his attention. Never.
"I wish there's no pain." Sabi ko at umiiyak pa din.
Kumuha si yaya ng isang papel at nagsulat doon. Ibinigay niya ito sa akin at ito ang laman:
O_ER_T_O_
Tinignan ko siya ng nakakunot ang noo. "What's this?" Tanong ko.
"A rebus" aniya at iniwan na ako sa aking kwarto. Okay. I think I need to eat. I'm so hungry. Hehe.
BINABASA MO ANG
Painless
Romance"How can you know it's love if there's no pain?" nabasa ko ito sa isang libro na nabili ko sa National noong nakaraang araw. Sabi nga nila, kakambal na ng pagmamahal ang sakit. Na kailangan talaga kapag magmamahal tayo ay handa tayong masaktan. Pero...