Chapter 1

2.1K 90 11
                                    

Chapter 1
R A V E N

"You'll wake up or I'll kill you for real?"

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, pero sadyang nanghihina pa talaga ako. Napapikit na lang ako nang muli kong maramdaman ang matinding kirot na nanggagaling sa batok ko. Makirot na mahapdi. Masakit na hindi ko maintidihan.

"Tss."

Unti-unti na 'kong may naririnig na boses hindi kagaya kanina na parang may nakabara sa mga tenga ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maigalaw ang katawan ko. Para bang tinurukan ako ng sandamakmak na anesthesia kung kaya sobrang namamanhid.

"Why did you return?"

Pabagsak na pagsarado sa pinto ang umalingawngaw sa buong lugar.

"She's still unconscious?" isang panglalaking boses ang nagbalik tanong sa babae.

Tumunog ang iba pang gamit na marahil ay nasa mesa. Tingin ko'y nasa isa akong operating room.

"Don't over react, Blade. She's just here for an hour," rinig kong sagot ng babae

"I'm not overreacting because as far as I know, this doesn't take an hour," nagpipigil nitong sagot.

Mula sa puwesto ko ay rinig ko ang takong ng naglalakad. Gusto kong tumayo pero hindi ko kaya.

"She's different."

"What do you mean?"

Para akong nalunod nang mabuksan ang nakatakip sa akin. Nalulunod na taong naghahanap ng paraan para makahinga nang maayos.

"There she is, safe and sound."

Napaupo ako sa malamig na bakal na kanina lang ay hinihigaan ko.

"How are you?" tanong ng lalaki na nakabagsak ang buhok at nakasuot ng salamin.

I felt an overwhelming feeling as he stared at me with his lackluster eyes, but instead of enjoying the scene, I asked, "who are you?"

Inilibot ko ang tingin sa buong laboratoryo, pero wala na 'kong iba pang nakikitang tao na nandito. Kaming tatlo lang talaga ang nasa loob. Iyong lalaki at ang babaeng nakasuot ng lab coat na wagas kung makangiti sa akin. Other capsules, even tubes, are surprisingly empty. Walang ibang tao na kagaya ng sa kalagayan ko kanina.

"Glad that you're awake, Raven!" Hinawakan niya ang kamay ko at inaalalayan sa pagtayo. "I am Dra. Tracy and this handsome guy beside me is no other than Blade Real. Oh, 'di ba? Mukha pa lang hot na, 'pag dinagdag pa ang pangalan hotness overload na!" Then, she giggled.

Matapos makipagkamay sa akin ni Dra. Tracy ay nabaling ang tingin ko sa lalaking kanina lang ay katabi niya ngunit ngayo'y palabas na.

"Don't mind him. Babalik din yan mamaya," wika ni Doktora nang mapansin ang mga mata kong nakasunod kay Blade.

Kung ano-ano pang tanong ang tinanong ni Dra. tungkol sa mga nararamdaman ko gaya ng "How are you," "Is your head aching," at "Wala na bang masakit sayo?"

"Change your clothes. You can wear this." Sabay hagis niya sa'kin ng paper bag. Paglabas ko mula sa restroom ay nadatnan ko na si Blade na nakaupo sa isang mesa at nagbabasa ng libro. Nasa tabi naman nito si Doktora na nakatayo at mukhang may binabasa.

"He will send you to your house." Humarap siya at inabot ang isang wallet na black. "Sa iyo na 'yan. May mga magagamit ka dyan para patuloy kang mabuhay dito. Oh, siya, siya! Umalis na kayo ni Blade at baka maabutan pa kayo ng dilim!" Hinatid niya na kami sa labas ng laboratory at nagpaalam.

Nascent Internecine: War of TransientsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon