Chapter 28

299 18 3
                                    

Chapter 28
R A V E N
(Warning: May contain scenes not suitable for young readers.)

Participants: 160 students

Overall status:
Alive - 140 students
Dead - 20 students
Wounded - 48 students

Lewises - 74
Zerans - 66

Team status:
Alive - 16 students
Dead - 0 student
Wounded - 11 student

Pinili kong hintayin na lang sila Blade para gamutin kami dahil kasama niya ang Healer ng team. Kaming limang nagbabantay ay maraming sugat. Tatlo kaming nakipaglaban, ngunit pati rin pala sila Ericka at Raye ay may nakalaban. Habang nasa malayo kami ay may tatlong umatake sa kanila. Pare-parehas kaming puro dugo na ang damit at may mga hiwa. Tiyak kong maski sila ay may natamong mga sugat base sa status.

Pinunit ko ang mahabang manggas ng magkabilaang braso ng damit ko at itinapal ito sa sugat ko sa tyan. Mahapdi pa rin at umaagos pa rin ang dugo.

Mag-a-alas tres na nang makabalik sila Blade. Maging sila ay may mga bakas ng galos. May bahid din ng dugo ang kanilang mga damit at may mga lupa ng nakadikit.

"Kumusta ang iba?" salubong ni Blade. Itinuro ko ang kwarto sa likuran namin kung saan mahimbing na natutulog ang lima pa naming kasama.

Ginagamot na kami ni Cynthia. Nawala man ang mga sugat namin, nanatili ang dugong natuyo.

Pumasok si Blade at ginising ang mga kasama namin.

"May nahanap na kayo?" tanong ng isa.

Tumango si Blade. Tumulong na rin ako sa paggising dahil mukhang napalalim na ang tulog nila.

"Saan tayo?"

"Sa Students' Village," sagot niya habang pinupulot ang mga weapon ng mga natulog at inaabot sa kanila. "Chelsea checked kung may pupunta ba doon after 5 hours. Sabi niya ay wala."

Chelsea is the one who can see the future by touching the surrounding. Kaya niyang sabihin kung sinong mga papunta at anong posibleng mangyari.

Pumasok si Chelsea at lumapit sa amin. "I checked kung may makakasalubong ba tayo. I saw their leader na may peklat sa pisngi, sa ilalim ng kanang mata."

"Iyong peklat ba niya ay mga ilang pulgada at parang hiwa ng espada?" paniniguro ko.

Tumango siya. "Siya nga. Kilala mo ba?"

"Kaklase ko. Mas mabuti pa kung bilisan na natin. Isa rin siya sa mga namumuno."

Nilisan namin ang kwarto at naglakad pa-Hilaga gaya ng sinabi ni Blade. Bago umabot sa dulo ay liliko kami papuntang East Forest dahil doon may daan papuntang Village. Sabi niya ay ilan lang daw silang nakakaalam ng sikretong lagusan na iyon.

Lima lang kaming kita na naglalakad. Through Dina's Property ay hindi kita na kasama namin sila.

"I heard you are coming," Denzel greeted. His enhanced hearing must be a great help. Hindi niya kakailanganing gumamit ng radar dahil about 500 kilometer radius ang kanyang pandinig.

One of his members stepped forward. "Are we going to kill them?"

Their leader blocked him by his arm. "Let them go. She's my friend."

"Pero Den—"

"I am still your leader. Follow me or just die."

Napaatras sila at nagbigay daan sa amin. Huminto ako sa harap ng aking kaklase. "Thank you."

Nascent Internecine: War of TransientsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon