Chapter 15

568 38 7
                                    

Chapter 15
R A V E N

So it's just waiting to be triggered, huh?

"What are we going to do now?"

I was about to look at him when I felt something coming. Pagharap ko ay sumalubong sa akin ang maliit na dagger at nagawa pa nitong dumaplis sa pisngi ko.

Kinapa ko ang pisngi ko na may sugat at pagtingin ko ay may dugo na ang palad ko. "Damn!"

"Pain could trigger your Property," he said as he walked to the other weapons hanging. "Remember when you were hurt here last time? Habang papunta tayo sa Quarters ay nagreklamo kang sumasakit na ang mata mo."

Now that he mentioned it, sobrang sakit talaga ng mga mata ko nang mga oras na 'yon. Pakiramdam ko ay kinukuha sa mismong socket ang mga mata ko.

"Wait!"

Bago pa ako makaangal ay may binato na naman siyang dagger papunta sa direksyon ko. Napaikot tuloy ako papunta sa kanan.

Pinulot ko ang dalawang patalim na naibato niya na sa akin. Ibinato ko rin ang mga ito sa kanya. Ang kaibahan nga lang ay sabay ko silang ibinato, ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang sabay na masalo ni Blade ang mga 'yon.

What do I expect from him?

"Basically, you need to enhance your senses — your hearing, your sight, your smell, your taste, and your feeling. If you have enhanced hearing, sight or smell, then that's better. Then, you should enhance your speed. Catch this dagger in a blink of eye."

"Are you serious?"

Bigla-bigla niyang ibinato sa akin ang isang patalim na inihagis ko sa kanya kanina. At dahil hindi pa naman ako gano'n kagaling sa pagsalo ay tumama ang blade sa kamay ko at nagdulot ng sugat nang akma ko ng sasaluhin.

Napadaing na naman ako sa sakit. Mabuti at hindi gano'n kalaki ang hiwa sa kamay ko. Kumbaga ay daplis lang.

Idinampi ko ang laylayan ng damit ko sa sugat para punasan ang dugo.

"Enhanced senses are really helpful, aren't they?"

I quickly bowed my head when I saw Blade threw a boomerang which returned to him in an instant.

"Balak mo ba akong patayin?"

Umiling siya at muling naging seryoso ang mukha.

"Not that I'm gonna kill you, tho," he answered. "That was just a warm-up."

"A warm up?"

"Yeah," pagsang-ayon niya. "Do you want the real game?"

Tumango ako. He asked me to pick my 3 weapons. I chose a shield and a sword —which should be actually counted as one—  and a gun which I barely know, a revolver.

"Para patas ang laban, I will only have these two swords." He picked up a not-so-long swords. "Surely, you can handle those 3 weapons you have."

"What about the property you have?"

"I won't use it. Don't worry."

Blade and I walked to the controller. He turned the knob to 'easy' and the smoke begins to fill the room. Nang mawala ito ay bumungad sa akin ang kadiliman ng paligid. Ang bakanteng Combat Hall kanina ay nagbago na naman ang anyo.

Ngayon ay nakatayo kaming dalawa ni Blade sa tuktok ng isang bundok o burol. Sa ibaba ay may mga puno at sa ibabaw naman ay ang buwan na tanging nagbibigay ng liwanag.

Dumistansya ako kay Blade kasabay ng pagpailanlang ng tunog ng kwago sa tahimik na lugar. The forest is matching our mood. Birds flew up above the starry sky when I feel my body shivered due to coldness and when Blade smirked while looking at me.

Nascent Internecine: War of TransientsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon