Chapter 26

333 21 1
                                    

Chapter 26
R A V E N

November 1, 2018, Thursday and I am not feeling well. Sa mga nagdaang araw ay wala kaming naging maayos na pahinga dahil kahit Sabado at Linggo ay nasa eskwelahan kami para mag-ensayo. Tatlong araw bago ngayon ay naging sagad kami sa pagsasanay, tipong may ilang minuto lang kami para kumain at para maupo. Matawag lang na makahinga kami saglit.

Ngayon na bumabawi lahat ng pag-abuso ko sa katawan ko sa mga nakalipas na buwan. Sigurado akong maging ang iba kong kagrupo ay latang-lata ngayon at marahil ay sobrang sakit ng katawan nila gaya ng nararamdaman ko.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?"

Pumasok si Ate Shana dala-dala ang tray ng pagkain. Napansin ko na nakasabit sa kanyang damit ang kanyang warfan — ang kanyang weapon.

"Ayos naman na," sagot ko habang nakatingin pa rin sa pamaypay niya. "Bakit parang hindi maganda ang lagay niyang pamaypay mo?"

Inilapag niya ang pagkain sa mesa na nasa gilid ng kama ko. Lumapit siya sa akin at kinuha ang thermometer na nilagay niya kanina sa akin.

"40 degrees Celsius," basa niya na parang hindi narinig ang huli kong sinabi. "Sigurado kang kaya mong kumain mag-isa? Pwede naman kitang subuan."

"Ate." Inabot ko ang mangkok na may lamang lugaw at sumubo. "Kaya ko. Nga pala, ba't parang masisira na 'yang pamaypay mo?" pag-uulit ko sa tanong ko kanina.

"Ito?" Hinatak niya ang warfan na nasa tagiliran niya. "Maaayos din 'to. Masama lang kasi ang pakiramdam ni Drake kaya pati itong weapon ko ay apektado—"

"Drake? Who's Drake?" tanong ko.

"Drake Manansala, iyong ka-partner ko," sagot niya. "Alam mo kasi, ang buhay ng weapon naming mga leader na Lewis ay konektado sa buhay ng mga kaparehas namin. Kahit malayo kami sa mga ka-partner namin ay nalalaman namin ang kalagayan nila gamit 'to."

Bigla ko na lang narinig ang mga sinabi ni Blade noong nasa Ascentine Council.

"This is my bow, my weapon. Lahat kaming mga Lewis ay may gan'to and each of our weapon holds a very important thing. I don't know if I should call it just a thing or an object."

It wasn't just a thing or an object. Their weapons hold our life, too.

"Lahat ng weapon ng Lewis ay may hawak na buhay. Ang kaibahan lang, kaming mga namumunong Lewis ngayon, ang hawak ng weapon namin ay buhay ng mga ka-partner naming mga Zeran. Ang hawak namang buhay ng sa iba ay ang buhay ng mismong may-ari nila."

"Bakit ako?"

"Because you are Raven Milan and like what I said earlier, I trust you."

Ngayon, bakit ako ang kailangan? Sa wakas ay nasagot ko na rin ang tanong na bumabagabag sa akin no'n.

Bakit ako? Dahil ako si Raven Milan at buhay ko ang hawak ng pana at palaso niya.

"Kailan niyo nalaman kung sino ang...?" nag-aalangan kong tanong.

She opened her fan and fanned herself. "Simula nang maipakita ang listahan."

Doon pa lang?

"I can't tell it to you by now dahil sa aming lahat ay ako pa lang ang nakakadiskubre ng sa akin. I"

Blade knew it since then and he asked me to protect it as soon as he found it out. Mabuti na lang at sinunod ko ang utos niya.

"Ayaw mo bang puntahan si Drake, ate?"

Pinagpagan niya ang dulo ng kama ko bago naupo. Nginitian niya ako. "Wala namang dapat ipag-alala sa mokong na 'yon. Mula pa dati ay sanay na 'yon sa sakit ng katawan."

Nascent Internecine: War of TransientsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon