Chapter 22

398 22 6
                                    

Chapter 22
R A V E N

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Nakaangat na ang kurtina at nakatayo sa gilid si Kyla. Nagmamasid sa labas gamit ang bintana.

"Gising ka na pala," wika niya pagkakita sa akin.

"Morning," bati ko. Binati niya rin ako pabalik.

Naghikab muna ako at nag-unat ng braso bago napagpasyahang bumangon ng tuluyan. Inilibot ko ang tingin sa kwarto at nakitang karamihan sa amin ay tulog pa. Si Winona at Angel ay magkatabi sa isa pang kama sa kaliwa ko. Ang mga lalaki ay naghati sa dalawang kama sa kabilang bahagi ng kwarto.

Ang sabi ng hari ay may kanya-kanya kaming kwarto at kami na ang bahalang magdesisyon. Kung ayaw raw naming matulog mag-isa ay pwede rin namang maghiwalay na lang ang babae at lalaki at 'yon dapat ang mangyayari sa amin. Nagulat na lang ako nang pagbalik ko na nandito sila Kiel at Andrei, at nakikipaglaro sa mga babae. Nadatnan ko rin si Blade na mahimbing na natutulog sa isang kama.

Naalala ko ang sinabi ni Kyla kagabi nang tanungin ko bakit sila nandito.

"Sila Migo at Andrei kasi, dito gustong matulog kaya wala na siyang nagawa. Ayaw naman na ni Blade na gamitin ang isa pang kwarto para lang sa kanya. Feeling niya raw pa-VIP siya."

"Okay na 'yan, babe! Para naman may bonding tayong mga babae at lalaki," dagdag pa ni Kiel.

"Payagan mo na kami, Milan. Malay mo may mumu sa kwarto namin tapos magulat ka na lang bukas patay na kami dahil sa mga mumu," gatong pa ni Andrei na ang laki na, naniniwala pa sa multo.

Binato tuloy siya ni Kyla ng unan hanggang sa nagrambulan na silang dalawa. Samantalang kami nila Winona at Angel ay natulog na lang imbes na makisakay pa sa kalokohan nila.

Niyaya na kami ng Kamahalan para mag-agahan pero naisipan muna naming maligo at mag-ayos. Dahil nga sa biglaan lang ang pagpunta ko rito ay wala akong dalang extrang damit. Napilitan pa tuloy ako na manghiram ng maisusuot kay Winona dahil sa siya lang ang kakatawan ko.

"Pasensya na, Winona, ha? Hindi ko kasi alam na magtatagal tayo rito, eh. Akala ko ay isang araw lang tayo."

Hinawakan niya ang balikat ko at ngumiti. "Ano ka ba naman, Raven? Ayos lang tutal ay hindi ka naman na bago sa akin. Kaibigan na rin ang turing ko sa 'yo."

"Salamat."

Biglang sumingit sa amin si Kyla. "Kasalanan kasi ni Blade, Raven! Siya ang sisihin mo!"

"Oo nga, Raven," panunuhol pa ni Angel. Ang akala ko ay tahimik siya. "Sisihin mo siya, bilis!"

Kung ano-ano pang sinabi nila sa akin para lang sisihin si Blade at ako naman si uto-uto ay pumatol din.

"Tama kayo, girls. Kasalanan talaga ni Blade."

Tiningnan ko si Blade na nakaupo na sa kanyang kama. Tapos na siyang maligo at handang-handa na harapin ang hari.

"Kasalanan mo 'to, eh! Bleh!"

I really didn't know what made me stick my tongue out to Blade. That was so childish of me at matagal ko na rin 'yong hindi nagagawa.

Pagkatapos ko siyang dilaan ay nag-flip hair pa ako at saka sila tinalikuran para maglakad na parang model. Nang maisarado ko ang pinto ay huminto ako para marinig ang mga reaksyon nila.

"She just stick her tongue out, didn't she?" gulat na tanong ni Andrei.

"Y-Yeah," nauutal na sagot naman ni Kiel. "Was she possessed?"

Nascent Internecine: War of TransientsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon