Chapter 34
T H I R D P E R S O N"I am starting to hate special days like Christmas, New Year and even my own birthday," naiinis na wika ni Raven.
Natatawang nagsalita si Shana. "Bakit naman?"
She frowned even more. "Imagine, Christmas inanunsyo kung sinong mga nakapasok sa Rank 10 base na rin sa kung ilan ang napatay natin. Sinong matatawa na gano'n ang pambungad natin sa Pasko? Tapos New Year at birthday ko, doon nabuo ulit ang akademya at ang mga bahay na para bang walang nangyari? Are we a joke to the Higher?"
Shana giggled because of Raven's cuteness while explaining. Dumating naman si Erick na siyang nakapagpahinto sa pagkwekwentuhan ng dalawa.
"What?"
Nakataas na agad ang kilay ni Shana wala pa mang sinasabi ang bagong dating.
"Mag-uumpisa na."
"Okay."
Nagpaalam muna ito kay Raven bago inirapan si Erick 'tsaka umalis.
Tinuro ni Erick ang kaalis lang na babae. "Anong problema no'n?"
Nagkibit-balikat ang isa. "Aba, malay ko."
"Malamang may gusto sa akin."
"What?" Nanlaki ang mga mata ni Raven. Nilingon niya si Erick nang umiiling. "Imposible."
Erick pinched the nose of Raven and smiled. "Ang inosente mo masyado."
Iniwan siya nito at pumunta sa bandang gitna para tawagin ang atensyon ng mga kapwa Lewis.
Same face she met last year. They are alive at iyon ang ipinagtataka ni Raven. Nag-uusap ang mga ito na parang walang labanang nangyari. Na parang walang kahit sino sa kanila ang namatay... na ngayon ay buhay nga.
"Good morning, my fellow Lewis."
Nakuha ni Erick ang atensyon ng lahat ng nasa panig nila.
"I am Erick Martinez, the Rank 1 of the Power Ten and I am now in-charge to all of you."
Isa-isa niyang tinawag ang mga kapwa estudyanteng nakaligtas base sa section na pamumunuan nila. Bilang nasa ikatlong ranggo ay ang Lead Section ang nai-assign kay Raven. Si Dina na kagrupo niya dati ang hahawak sa Codex Section at ang dalawang hindi nila gaanong kakilala ang hahawak sa Head at Craft Section.
The welcome event started. Ganoon pa rin ang naramdaman ni Raven. Kakaibang pangyayari habang pumapasok sila sa Millennium Auditorium. Nagsidatingan ang mga Nakatataas. Si Prinsesa Mariella, ang Head master na si Sir Mikael Banzon, at ang Head mistress na si Miss Angelita Cali. Kasama rin nila si Miss Klea Mirasol.
"Magandang umaga, mga minamahal kong estudyante. Ngayong taon ay muli ko na namang binubuksan ang oportunidad para sa ating lahat na makaranas ng iba't ibang mga bagay na magtuturo sa atin at magdudulot ng malaking epekto sa ating buhay. Hindi kayo narito para lamang sa wala at alam kong naniniwala kayo sa kasabihan na 'everything happens for a reason.' Habang narito nawa kayo sa aking lugar ay maranasan niyo ang mga bagay na hindi niyo pa nararanasan. Maramdaman ang hindi niyo pa nararamdaman. Muli, maligayang pagdating sa paaralan ng aming lugar. Ang Artesian Academy!"
The same loud sound covered the place. Kaparehas na kaparehas ng tunog na bumalot nang nakaraang taon. Pagkatapos ay ang mga makukulay na paputok sa ibabaw namin na nagsasabi ng pangalan ng paaralang kanilang tinutungtungan. Lahat ng nangyayari ngayon ay kagayang-kagaya ng una nilang pagpasok dito. Ang pakiramdam ng naiiba, ng nawawala, at nawalan. Ang kaibahan, kung dati ay nababalutan si Raven ng hindi magagandang isipin, ngayon ay medyo panatag na ang loob ng dalaga. For she knows all she need to do is be alive.
BINABASA MO ANG
Nascent Internecine: War of Transients
FantasíaNascent Internecine is a war, yet no one knows who will really survive. Welcome to Artesian Academy! Wienerzel Fantasy Series #1 Book cover credits to: Pzalm Franzenne Begasin (@franzenneee)