Chapter 18

450 24 0
                                    

Chapter 18
R A V E N

"Hey, have you seen Andrei?"

"Alam mo ba kung nasa'n si Andrei?"

"Nakita mo ba si Andrei?"

"Yuhoo! Andrei, where are you~"

"Nasaan ngayon si Andrei?"

"Baka nakita mo si Andrei?"

"'Di mo ba nakita si Andrei?"

Pagod na 'ko. Kanina ko pa hinahanap si Andrei at sa loob ng kalahating oras ay puro ako Andrei. Sa halip na kumain ay ito ang ginagawa ko ngayon. Napunta ang buong oras ng lunch ko para lang hanapin siya. He is the representative of their batch as a Lewis. And now, I'm seeking for him kasi raw kailangan kaming dalawang representative. Napaupo na lang ako sa semento ng fountain. Kawawa naman 'to. Dito na lang ako lagi bumabagsak.

Kinuha ko ang tumbler sa sling bag na dala ko, pero bago ko pa mainom iyon ay nakita ko ang nakatayong lalaki sa harap ko.

"What do you need?

Umupo siya sa tabi ko. Hindi malayo, hindi rin malapit. Ngumiti lang siya nang nakakaloko. "Alam mo bang masayang maglaro ngayon?"

Napangiwi ako. "Oh, tapos? Huwag mong sabihin ako ang paglalaruan mo?"

"Pa'no mo nalaman? Ang talino mo naman! Wow, crush na 'ata kita dahil sa sinabi mo!" sarcastic na wika niya. Naiirita na 'ko sa presence niya at hindi ko siya mapaalis nang basta-basta dahil hindi ko naman siya kilala. Paniguradong Lewis siya at lugi ako kasi 'di ko alam kung anong mayroon siya.

Tumayo siya at humarap na naman sa 'kin.

Hinawakan niya ang tumbler ko. Hindi ko muna hinatak kasi wala pa naman siyang ginagawang masama.

"Pwede maki-inom?"

Doon ko na hinigit 'yong bote.

"Crazy!"

"Joke lang. Gusto ko lang magpakilala." Hindi pa rin siya bumibitaw. "By the way, I am Kenji, an Ice Controller!"

Agad akong napabitaw sa tumbler ko. Kasabay niyon ay ang pagtakbo ng lalaking nagngangalang Kenji. Namumula ang mga daliri kong nakahawak sa tubigan kanina pati na ang palad ko. Sobrang lamig. Kahit pa kaunting dami lang ng tubig ang meron ay grabe ang lamig na naidulot. Masyado akong na-distract nang nagpakilala siya.

May lumapit na mga babae sa akin. "Are you okay?"

Napatango ako. Sa sakit ng paa ko ay ayaw ko pang tumayo. "Based from the color of the lining of your uniform, you are a Zeran. By the way, anong nangyari sa'yo? You are not happy, you are not sad. You are calm, pero ba't ganyan 'yang mukha mo? You look tired..."

"Maybe because of Kenji," the other girl said. She lift the tumbler next to my seat without using hands. The one who has telekinesis, I guess. "Anong ginawa niya sa'yo? Ba't parang frustrated ka na?"

Doon ako natawa. "I'm not frustrated. Pagod lang ako kahahanap kay Andrei. Nakita niyo ba yung mokong na 'yun? Kanina ko pa naikot yung buong North Hill pero wala pa rin."

They both laughed. 'Yong may telekinesis ang nagsalita. "May hinahanap ka na naman? Yesterday I saw you looking for Carlo, and now for Andrei," she said smiling.

"Pinapahirapan ka ni Blade, ano? I am Kris and this one beside me is Rin." Inilahad nila ang kamay nila na malugod kong tinanggap. "And sorry, 'di pa namin nakikita si Andrei eh"

"It's okay," wika ko. "Sige na. Baka may gagawin pa kayo. Papahinga pa muna ako rito."

"Okay. Bye," sabay na sabi nila bago tuluyang umalis.

Nascent Internecine: War of TransientsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon