Chapter 19

440 30 1
                                    

Chapter 19
R A V E N

Anong meron sa akin at bakit ako ang kailangang magprotekta ng weapon ni Blade? I mean, come on! Sino ba ako? I'm just a nobody. I'm just a freshman. I am just a Zeran, kaya bakit ako?

"Anong iniisip mo?"

Gulat akong napatingin kay Serina nang pumitik siya. "Huh?"

"May bumabagabag ba sa 'yo?"

Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. May bumabagabag ba sa akin?

Umiling lang ako sa kanya. I can't tell someone what Blade and I had discussed. Ayaw ko rin na magbigay ng hint man lang para hindi siya mas lalong magtaka.

Bumalik na naman sa alaala ko ang naging pag-uusap namin ni Blade nang nakaraang araw dahil lang sa nakita ko ang mga pana at palaso na nakahilera sa harapan namin.

Oras ng Combat Class at nandito kami ngayong lahat sa Combat Hall, nakatayo sa gitna, at nag-aabang kung kailan kami tatawagin.

Sinong mag-aakala na napakadelikado ng lugar na 'to? Ilang beses na ba akong bumagsak sa Healing Quarters dahil sa paulit-ulit na pagbalik ko rito dulot ng katigasan ng ulo ko?

Nabalik sa unahan ang atensyon ko dahil sa malakas na hampas ng aming guro sa pader. Istriktong nakatayo sa tabi ng mga armas si Master Bella at nagsimula ng magsaad ng mga impormasyon tungkol sa mga nakamamatay na gamit na aming gagamitin mamaya o sa darating na panahon. Turo dito, turo doon at kami naman ay hanggang pakikinig lang. Bibigyan kami mamaya ng oras para pumili ng sarili naming armas.

"Ito ang tinatawag na nunchucks," turo niya. Iyan ang kadalasang ginagamit ng mga chinese sa mga action movies gaya na lang ni Bruce Lee. "Ito ang deluxe nunchucks habang ito naman ang ninja nunchucks..."

Iniangat niya ang isang mukhang tsako o nunchucks pero sa halip na dalawang hawakan ay isa lang at ang nakakabit sa dulo nito ay patalim. "Ito naman ang chain-blade."

"I want that as a weapon," biglang bulong ni Serina.

Napatakip ako sa kanang tenga ko nang wala sa oras dahil sa kiliti. Muntik na akong mapatili.

Tiningnan kong muli ang sinasabi niyang weapon. Ang chain-blade. "Gusto ko rin siya kaso lang hindi ko alam kung paano ko sasanayin ang sarili ko na masaktan ng paulit-ulit dahil sa kanya."

Hinampas niya ang balikat ko at nakataas noong sumagot. "Ano ka ba? Kaya nga tayo nandito para magsanay. Mas mabuting pumili ka ng bago sa paningin mo para marami kang alam na gamitin sa oras na may emergency."

Nagkibit-balikat na lang ako. "Sabagay."

Marami pang itinuro si Master Bella at naging abala naman kami sa pakikinig sa kanya. Chain-mace, heavy mace, light mace, heavy flail, light flail, at dire flail. Mayroon ding throwing star at morning star. Tapos gnome hooked hammer, light hammer, at warhammer. There is also a sickle, dagger, ceremonial dagger, punching dagger or katar na ginagamit noong Medieval Maharashtra. Even the swords were briefly tackled. May iba na sa unang tingin ay mukha lang magkakaparehas pero ngayon ay nalaman ko na ang pagkakaiba. There is a short sword, long sword, bastard sword, great sword, at iyong sword na dalawa ang talim at nasa gitna ang hawakan which is called double-blade sword.

Nascent Internecine: War of TransientsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon