Epilogue

916 33 11
                                    

Epilogue
B L A D E

Clang.

Clang.

Clang.

Clang.

That was the sound of the big clock located at the center of the city which is in the plaza. Limang magkakasunod na tunog na nangangahulugan na may isang daan at animnapung estudyante na naman ang mapapadpad sa lugar.

Taong 2018 na at isang taon na akong nandito. Sa tinagal-tagal ko ay marami na rin akong nalaman.

Marami na rin kaming nalaman.

"Are we all ready?"

Pirming nakatayo si Keisly na para bang isang sundalong isasabak sa gyera. Sa harap naming dalawa ay ang walo pa na nakapasok sa The Power Ten. Mas matanda siya sa akin at tinuturing ko siyang senior ko.

Kung sakaling hindi siya nakaligtas sa dumaang gyera ay paniguradong wala ng kasiguraduhan kung anong mangyayari sa kanya pagkatapos. Walang nakakaalam sa amin kung saka-sakaling mamamatay ang mga tulad niya dito sa mundong 'to ay mamamatay na rin ba sa totoong buhay o hindi.

"Yes, we are!"

"I can't hear you!"

Sinabayan ko na siya sa pagsigaw.

"Are you ready?!"

"Yes, we are!"

Lamang ang boses nila Cai, Stanley, at Carlo. Palibhasa ay mga lalaki kaya buo ang boses.

Tiningnan namin ang mga babae.

"Are you ready?!"

"Yes, we are."

Sa mga babae, si April lamang ang ka-batch ni Keisly at ng tatlong lalaki. Mas matanda sila sa amin pero nagiging pantay-pantay kami dahil sa nakamit naming ranggo.

Sila Migo, Winona, Angel, at Kyla ay kapwa ko mga Lewis na.

At ang mga paparating?

Sila ang tatawaging Zerans.

Clang.

Clang.

Clang.

"It's time."

Tumango si Keisly sa akin at ginantihan ko rin siya ng tango. Sumigaw kami ng malakas at dahil sa Property niya ay hindi na kami mangangailangan ng mikropono.

"Oras na! Salubungin ang mga bagong dating!"

Ang ibig sabihin namin sa salubungin ay hindi iwe-welcome na para bang bisita. Walang pinto para sa kanila.

Ang ibig sabihin namin ng salubungin ay saluhin ang mga baguhan na mahuhulog sa langit na dumaan sa portal ng ilog na Lesia.

Kaming sampu ang taga-bantay kung maisasagawa ba ng maayos ang pagsalubong. Walang dapat mapahamak.

"Bring them to the laboratory!"

Lahat ng mga Lewis, maliban sa akin, ay nag-aabang sa pagbagsak ng mga Zeran. Nandito kami nakatayo sa malawak na lupain na ang dulo ay bangin.

"Ayan na sila!"

Mas lalo kaming naging alerto.

Tama siya. Ayan na sila.

Para silang mga bituin na minsang kuminang sa langit.

Dulot ng pagsasanay namin ay naging mas malakas kami. Hindi na nila hinayaan pang bumagsak sa kanilang mga braso ang mga bagong dating. Nagsitalunan na sila ng mataas upang sila na ang makalapit sa mga walang malay na babae at lalaki.

Nascent Internecine: War of TransientsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon